Chapter 17

7 1 0
                                    


James's POV

Ang tagal naman umuwi ng babaeng yun.

Kanina pa nag-uwian ah! Saan ba nagsusuot yun ba masangkot na naman sa rambulan yun.

Nandito na nga ako sa labas kanina pa. Nilalamok na ako dito't lahat pero wala pa rin di pa umuuwi.

Oh si Henry ba yun? Medyo madilim eh di pa napalitan ng baging bombilya yung ilaw sa poste. Teka may kasama siyang babae? Aba himala! Hahahaha

"HENRY!!!" Sigaw ko sa kanya. Kumaway naman siya. Teka papunta sila dito. Baka ka village ni Jam yang babaeng kasama niya, dito siguro banda ang bahay.

Pero parang pamilyar sa akin yang kasama niya. Ang dilim kasi eh. Naks naman nakakapit pa talaga sa braso ng loko. Hahahaha makanstawan nga pagnalapit na.

WHAT THE!! Dito nga banda ang bahay ng babaeng yan!

Dito mismo sa kinatatayuan ko! Bakit sila magkasama!? Bakit siya nakakapit sa braso ni Henry? Bakit ginabi sila ng uwi!? Ang daming bakit sa utak ko ngayon.

"Oi Brad!" Bati ni Henry sa akin. Tumango lang ako, eh sa naiinis ako! Bakit ba!

"Ah... Henry salamat ha." Sabi ni Jam kay Henry. Salamat para saan? Kating-kati na akong magtanong ng lahat ng bakit sa kanya. Kaasar!

"Ah wala yun." Sagot naman nitong ungas kong kaibigan kay Jam. Nagkamut pa ng batok at ngumiti. May galis kaba sa batok pre? at ang pangit ng ngiti mo, parang aso na labas lahat ng ngipin!

Ang galing ko diba nakangiti ako pero ang isip ko parang makakapatay na ng tao, kaibigan ko pa! Kabanas!

Umuusok na ang ilong ko dito pero di sila nakakahalata. Sige lang mag ngitian lang kayong dalawa.

"Una na ako Jam sa susunod nalang ulit, Brad!" James manners tumango ka nalang! Wala ng susunod parekoy! Not a chance!

Jam's POV

Salamat talaga kay Henry. Nagpumilit pa ako na huwag niya na akong ihatid. Pero buti nalang mapilit siya dahil kung hindi ewan ko lang kung saan na ako ngayon.

Di kasi pinalitan ng bagong bombilya ang poste eh, ang dilim tuloy, wala akong makita. Night blindness is real! Nakakainis na mga mata!

"Hoy! san kayo galing? Bat kayo magkasama? Ba't ngayon ka lang? Bakit may pahatid-hatid pa? Kanina pa ang uwian ah! Di ka man lang ng text o tawag man lang." Break it down! gusto kong sabihin kay James yan kaso wag nalang pala.

"Kalma. Hingang malalim." Nak ng! ginawa nga hahahaha uto-uto rin to.

"Teka nga muna pinagloloko mo ako eh!" Buti alam mo. Hahaha Di pa rin ako umimik.

"Ano na? Sagot." Ayokong sagutin! Tsismoso masyado. Nilayasan ko nga. Pumasok na ako ng bahay. HAHAHAHA MANIGAS KA DYAN!

Diri-diritso ako hanggang sa hagdan. Papasok nalang akoa kwarto ng lubayan na ako ng mokong nato.

Isasara ko na sana ang pinto kaso mabilis niyang napigil ang pagsara kay nakapasok siya.

Bakit ba palagi siyang napasok dito sa kwarto ko? Naiinis na ako sa kakulitan niya.

"Bakit di mo nalang sagutin ang mga tanong ko?" Ang kulit nitong James nato.

"Bakit ba? Problema mo? Una sa lahat, kaibigan natin si Henry.  Best friend mo to be exact. Pangalawa, wala kang paki kung magkasama kami. Pangatlo, wala akong number mo po! Okay na!? Ang laki ng problema mo!" Tinalikuran ko nga nakakainis eh.

Bigla nalang niya akong hiningit at yinakap mula sa likod. Tapos yung muka niya nag rest sa may balikat ko.

ADGHJSGDJJSDH!!! Ang puso ko parang may nag mamarathon. Syete naman di ako makagalaw! Naging tuod ako bigla! May sayad talaga ang isang to! Hooo! Kalma Jam. Kalma.

"Ibigay mo sa akin ang number mo at tsaka oo malaki ang problema ko Jam..." Sabi niya tapos hinigpitan pa yung yakap niya! My gulay! Why do this to me!

"O-oy bi-bitaw nga d-dyan!" Bakit ako na utal? Shems!! Buti nalang medyo dim light lang ang meron at di sobrang liwanag. Feeling ko kasi kulay kamatis nako ngayon! Nakakahiya.

Letcheng puso naman oh! Bat ba ako kinakabahan!?

"Ayoko." Diin niyang sabi sa akin pero parang batang nagmamaktol. Enyere seye!

"Ano b-ba James, bitaw na sa-sabi eh." Yan Jam ang galing mo! Ang galing mo mautal! Shems naman kasi eh bat ba ako na uutal?!

"Ayoko. Ayokong bitawan ka." Sige wag ka bumitaw para mangawit ka dyan. Kailangan na bumitaw na siya kasi parang bumabaliktad na ang sikmura ko na di ko maintindihan.

"Ba-bakit ba h-ha?! Nakakainis k-ka naman eh!" Wala na nasabi ko na talaga na naiinis ako sa kanya! Bat naman kasi nayakap pa! Di ako mapakali, para akong na akong tatae!

"Naiinis din ako Jam! Inis na inis ako! Kasi...

kasi...

kasi...



NAGSESELOS AKO! SELOS NA SELOS AKO!" WHAT THE!? O__O

Sumiksik pa lalo ang muka niya sa balikat ko. Tapos yung yakap niya ang higpit na sobra! Di na ata ako maka hinga!

"Nagseselos ako Jam..." Mahina niyang sabi pero dinig na dinig ko, nag-eecho pa nga sa utak at sa puso ko!

OH MY GUMS! Yung tiyan ko may paru-paro ata? Nakakakiliti na ewan. Huhuhaha anong nangyayari sa akin?

Hoy magsalita naman ako! Pinagalitan ang sarili eh. =__=

Magsasalita na sana ako pero unti-unti siyang kumalas sa pagyakap sa akin. Tapos umalis na nang kwarto ko.

Bastusan? Pagkatapos niyang sabihin yun e-exit siyang ganun?

What a jaw dropping scenario folks! I cannot!

Pero yung totoo? Nagseselos siya? Talaga?

Bat parang masaya ako dahil dun? Kilig ba to?! Lintek! Parang kilig nga yata! Hahahaha

Napapangiti na ako dito mag-isa sa kwarto ko. Nababaliw na yata ako. :D

Humiga ako sa kama ko at kumuha ng unan tinakip sa muka ko at nagsisigaw akong parang ewan sabay padyak-padyak pa. Ikot dito, ikot doon! Hooooh! Di ako makahinga!

Dali-dali akong bumangon at kinalma ang sarili ko. Di pwede to no too much emotions. Kalma Jam. Kumalma ka!

Langyang James yun pinakilig ako ng bongga! Pero nilayasan naman ako! Baliw din yun!

Teka? Confession ba yun? HAHAHAHAHA SHEMAY! KINIKILIG TALAGA AKO!

Lintek lang! Gaganti ako, papakiligin din kita. Wait and see. Gusto ko makitang magkulay kamatis ang muka mo! HAHAHAHA

-----

Thank you for reading kahit medyo magulo na ang istoryang to. Hahaha :*

© 2012 GirlOnShadow
All Rights Reserved

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Twisted Life (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon