Chapter 6

63 8 4
                                    

Jam's POV

"Jam nandito na tayo." Gising sa akin ni Tatay Renny, naka-idlip pala ako.

"Ah- -ok po. Salamat po." Bumaba na ako ng sasakyan.

Pagpasok ko narinig ko ang tawa ni Nanay Flor sa may kitchen. Ang lakas talaga tumawa ni Nanay. :D

"Lakas naman ng tawa ni Nanay. :D" Sambit ko nalang.

"Oo nga eh. :D May pasalubong pala kami ni Nanay mo sayo anak." Sabi ni Tatay Renny. Anak ang tawag niya sakin kasi nga wala silang naging anak ni Nanay kaya ako ang anak nila. Okay naman sa akin yun para marami akong parents na mapagmahal. ^___^

"Talaga tay?" Naeexcite ako sa pasalubong nila. ^__^

"Oo, tara puntahan muna natin nanay mo." Sumunod naman ako sa Tatay papasok sa kusina.

"Nandito na kami nay~ ^__^" sabi ko pagkatapos buksan ni Tatay ang pinto sa may kusina.

"Oh anak andito na pala kayo." Sabi ni nanay na nakangiti at inakap agad ako.

"Namiss kita nay~"

"Ako rin anak na miss kita. Kami dalawa ng Tatay mo." Tapos humiwalay na siya sa pagkakaakap sa akin.

"Pasalubong ko?" sabi ko sabay bukas ng palad ko sa kanya. Hahaha ^__^

"Okay na sana Jam eh. Kaso--" tumingin ako sa nagsalita. Sino pa ba? Edi si kutong lupa!

"Kaso ano ha?" So siya pala ang katawanan ni Nanay kanina. Tinaasan ko nga siya ng kilay. Hahaha

"Oh tama na yang away-away na yan. Nandito ang pasalubong namin sayo." Tinuro sa akin ni Nanay ang isang bag.

"WAAAAAAAAH!~ DRIED MANGO~ Yehey! Salamat Nay Tay" Nagtatalon ako sa tuwa haha. My favorite! Niyakap ko sila ng pagkahigpit-higpit. Sa kanila ko nararamdaiman ang dapat ay nafefeel ko sa mga parents ko, kahit na parang grandparents ko na sila dahil matanda na sila.

"Kumain na tayo handa na ang hapunan." Sabi ni Nanay na humiwalay na sa pagkakaakap ko.

"Okay po~ ^__^" Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Close na agad si kutong lupa kina Nanay at Tatay. Di ko nga siya pinapansin eh. Naiinis parin ako sa ginawa niya. >.<

Wala daw si Mommy kasi may business trip daw. What's new? Pareho lang sila ni Dad. Minsan ko lang sila nakikita. Kaya kahit na sabihin nilang magexplain ako sa mga pakikipag-away ko, sa mga nangyayari sa buhay ko eh wala pa rin namang mangyayari kasi aalis at aalis rin naman sila.

Pagkatapos kumain ay pumasok na ako sa kwarto ko para makapagshower at makapagpalit na ng damit ko.

Tiningnan ko ang wall clock ko sa kwarto, pagkatapos kong magbihis.

"10:36pm na pala?" Nasambit ko nalang. Di pa ako inaantok. -__- Kaya lumabas na muna ako. Patay na halos lahat ng ilaw. Buti nalang at di lahat patay no kundi di na ako bababa.

Ang mga mata ko kasi di talaga nakakakita pagmadilim. I mean we all can't see in the dark but the normal eyes can see a bit in the dark but mine really can't. Ay ano bayan. >.< Basta abnormal mata ko. Yun na yun.

Sa kusina na ako dumiritso. Dala ko kasi ang gamot ko at vitamins. Parang tulog na ata sila Nanay at Tatay. Nandito kasi sa baba ang room nila.

Nagpasya akong magstay muna ng ilang minuto dito pero bumukas yung pinto at iniluwa ang isang nilalang na di kanais-nais ang pagmumukha.

Dali-dali kong tinago ang mga gamot ko sa bulsa at umiinom ako ng tubig para kunwari eh di ko siya nakitang pumasok.

"Gising ka pa pala?" Nagsalita ang multo. -__-

"Ay hindi tulog na ako. Nagsleep walk lang ako at sleep talk. -__-"

"Pilosopo nito." Sabay inom ng tubig niya.

"Hoi ikaw! Bakit mo yun ginawa kanina ha?!" Umupo siya sa harapan ko sa kabilang side ng table.

"Ang alin?" Aba't talagang!

"Ang paghawak sa kamay ko in front of the class.!" I glared at him. Pero siya? Wala lang, kalmado.

"Ahh yun ba?" Tarantado pala to eh!

"Oo yun at ano tawag mo sakin kanina? JC?" Parang tibo kasi pakinggan ang JC eh tsaka san ba nya napulot yan?

"Oh bakit? Masama ba?"

"Talagang masama. Una sa lahat JAMMIE pangalan ko hindi JC. Di ako tibo, okay?"

"Bahala ka basta JC tatawag ko sayo at di pang tibo yun pero pwede rin naman eh babae ka ba?" Sabi niya ng nakangisi na parang timang!

"Sinusubukan mo ba talaga pasensya ko ha?!" Pinandilatan ko nga.

"Di naman ah ikaw lang mainit ang ulo. :D" Pumikit ako at huminga ng malalim.

" Pangalawa sinabi ko naman sayo kagabi di ba na wag mo akong kakausapin sa school at act like you don't know me." Tuloy na sabi ko habang tinataasan siya ng kilay.

"O kinausap ba kita?" sabi niya sabay tayo at akmang aalis na. Napaisip naman ako dun. adjfblasdgfiau!Pahiya ka Jam!

"Huwag mo na ulit ako hahawakan kutong lupa ka ha kung hindi-"

"Kung hindi ano?" Sabay lapit sa kinauupuan ko.

Akala ko titigil na siya sa harapan ko kaso nagbend forward ang upper body niya. Kaya ako naman palayo din ng palayo ang upper body ko. Di naman ako makastep back kasi nakaupo ako. Built in stool kasi ang upuan dito sa kitchen. Napahawak nalang ako ng mahigpit sa upuan ko kasi naman parang mahuhulog na ako nito eh. Ang lapit-lapit ng mukha niya sa mukha ko. Nakakaduling! >///<

"Ku-kundi pa-patayin kita!" Nak ng! Bat ka nauutal Jam?! Feeling ko mahuhulog na talaga ako sa kinauupuan ko kasi lapit parin siya ng lapit. AARRGGGHH! Jam do something!

"Talaga?" Sabi niya ng nakangisi at parang tuwang-tuwa sa ginagawa niya. >//<

"Hoi! Tu-tumigil ka nga sa kakalapit ng muka mo!" sabay hampas ko sa kanya. Pero wrong move! Di nakaya ng isa kong kamay ang balance kaya

"AAAAAAHHHHHHHH!~" Pumikit na ako at handa ng lumanding sa sahig ang katawan ko. Pero hinila ni James ang braso ko at yung isang kamay niya nasa may balakang ko nakasalo. Para akong na kuryente. Ramdam na ramdam ko ang mga maiinit niyang palad.

Ang lapit na naman ng mukha niya sa mukha ko. >///< tiningnan niya ako sa mata at unti-unting inilalapit ang mukha niya sa akin. Tinulak ko siya at dali-daling lumabas ng kusina. Narinig ko pa siyang tumawa ng mahina.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto nilock ko agad ang pinto at hinawakan ang puso ko.

Dugdugdug

Dugdug

Dugdug

Dugdugdug

Bakit ang abnormal ng heartbeat ko? Ano bayan ang lakas ng tibok ng puso ko.

Hinawakan ko ang mukha ko. Bakit ang init ng mga pisnge ko? Parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. >///< ENEBEYEN~ ANYERE~ May lagnat ba ko? Kinuha ko kaagad ang thermometer at nag measure ng temperature ko.

"37 degrees Celsius" wala naman akong lagnat ah. Normal naman. >///< ay ewan! Makatulog na nga lang.

----

Waaaaah!~ >.< pagpasensyahan niyo ang tanging naabot ng isip ko ngayon. >///<

© 2012 GirlOnShadow
All Rights Reserved

My Twisted Life (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon