Chapter 10

7 1 0
                                    

Jam's POV

"Good Morning :)"

Oh my gums!

"A-anong gi-ginagawa mo dito!?"

Takang tanong ko kay Henry na ngayon ay nagluluto at nakasuot pa ng apron.

"Ah kasi---"

Naputol ang sasabihin ni Henry kasi iniluwa ng pinto si James na kasama si Kiel, Emily at yung kasama namin ni Em sa group homework na si Charlene? Sharlene? Ah basta!

"Kasi pinapunta ko sila dito."

Sabi ng may-ari ng bahay! Aba't talagang! Langyang kutong lupang to!

"WHAT!? WHY!?"

"Alis nalang kami pre, galit na yata si Jammie." Bulong ni Kiel kay James pero naririnig ko naman.

"A-ano kasi Jam saktong tumawag si James sa akin kanina after kong magtext sayo. Kaya kami nandito at tinawagan ko na rin si Sharlene para sabay na kami pumunta dito." Paliwanag ni Em sa akin at Sharlene pala hindi Charlene. Okay.

"Ah kung di ka comfortable na nandito kami Jammie, we can go to another place naman. We know you are kind of introvert so--"

"No. It's fine actually. I'm sorry, I was just really shocked and at the same time I am surprised."

Pinutol ko na ang sasabihin sana ni Henry na aalis nalang sila dito.

Their eyes went wide and shouted in chorus.

"REALLY!?" - Kiel and Em

"TALAGA!?" - Henry

"SURE!?" - Sharlene

"DI NGA!?" - James

"Or bawiin ko nalang kaya? Ayaw niyo ata eh." Pagbibiro ko sa kanila.

"NO!" - Kiel and Henry

"OF COURSE NOT!" - Em and Sharlene

"HINDI AH!" - James

"HAHAHAHA Nagbibiro lang ako! Ang seryoso niyo naman masyado."

Nakakatawa kasi sila eh. Parang mga timang hahaha.

"Oh my goodness!" - Sharlene

"Fudges!" - Kiel

"No way! Y-you just laughed." - Henry

"Ohkaaay~ I can laugh. Is it so weird? I mean my laugh, does it sound weird?" I am smiling because their expressions are priceless.

"And you are smiling." Sabay na sabi ni Kiel at Sharlene.

Mga lokong to bawal na ba akong tumawa at ngumiti? Tsaka di naman pang bruha ang tawa ko ah!

"This is my second time seeing her smile and laugh guys." Sabi ni Emily na parang proud na proud.

"I've seen it, several times already." Saad ni James na tatango-tango pa.

Ngayon ko lang napansin naka apron din pala si James.

"Ah! I get it. First time niyo akong makitang tumawa at ngumiti, because I always wear my 'bitch face' expression." Tumawa ako ng mahina.

Normal nga naman yang reaction nila. Only few people can see me happy or sad.

"Now, is it final then? Na dito na rin kami gagawa ng group homework namin?" Masiglang tanong ni Kiel.

"Yep." May utang na loob pa ako sa kanila diba? Yung incident sa cafeteria. I am just returning the favor. Kaya pumayag ako na dito nalang sila.

Di ko rin naman feel na lumabas eh, masama pakiramdam ko.

My Twisted Life (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon