Chapter 12

4 1 0
                                    


James's POV

Tinitigan ko siya at sinarado ko na ang pinto.

Ang putla niya, parang di siya yung kilala kong Jammie na may katawang kasing lakas ng kalabaw.

Bumaba na ako at dumiritso sa kitchen.

Akmang pupulutin na ni Sharlene yung mga bubog, tinabig ni Kiel ang kamay niya.

"Ano ba wag matigas ang ulo!" Saway ni Kiel.

"Anong matigas ang ulo ha?? ikaw na nga tinutulungan!" Sagot naman ni Sharlene.

"Eh kasi baka magkasugat ka ang liliit na niyan oh! Tsaka di ko na pululutin yan! Wawalisin ko na!"

"Bat ba nasigaw ka palagi ha!?"

"Eh ikaw kaya una nasigaw kanina pa!"

Napailing nalang ako. Itong dalawa talaga kahit kailan di mapagsama sa iisang kwarto, baka magkamatayan pa.

"Tama na nga yan Kiel at Sharlene. Nagsisimula na naman ang pagiging mag-aso't pusa niyo eh." Saway ni Emily.

"Maghugas kana nga lang ulit Kiel." Sabi ni Henry na bitbit na ang walis at dustpan.

"Oh! James okay na siya? nakatulog na?"

Tanong ni Emily na alam mong nag-aalala siya sa kaibigan niya.

Bilib din naman ako sa pagiging friendly niya kay Jam kahit na hindi pa sila masyadong matagal na magkakilala.

"Ah oo nagpapahinga na siya. Ang bilis ngang nakatulog eh. Pagod lang ata talaga siya."

Sagot ko kay Emily napatango-tango nalang siya.

"Mabuti naman kung ganun. Tara na sa sala pre." Umakbay sa akin si Henry. "Sunod ka nalang Kiel. Bilisan mo diyan."

Nagthumbs-up lang si Kiel at tinuloy na ang paghuhugas.

Paghuhugas nga ba eh may dish washer naman siyang ginagamit.

"Ah Emily, Sharlene sabi ni Jam may mga ideas daw siya about sa homework na nasa binder notebook niya. Kunin niyo nalang daw dun sa bag niya."

Tumango lang ang dalawa at tinuloy na ang paguusap nila. Mga babae talaga kung makapag usap about sa homework ang seryoso masyado.

Di tumulad sa aming mga lalaki na chill lang. Hahaha

Umupo ako agad sa couch ng makarating kami sa sala.

"So... Nasabi mo na ba sa kanya?"  Tanong ni Henry na naka de-kwatro sa sofa.

"Hindi pa." Tipid na sagot ko sa kanya.

"Baka pagsisihan mo kung papatagalin mo yan. Ikaw din."

"Akala mo naman ako lang mag-isa ang may dapat sabihin." Binato ko siya ng unan at ngumiti ng nakakaloko.

"Waaah! Ang daming ideas naman nito Len. Grabe naman si Jam ang likot ng utak. HAHAHA" Sabi ni Emily na nanlalaki ang mata.

"Patingin nga ako... Oh M! HAHAHAHA Akala ko isa o dalawa lang! This is 50 ideas for a simple homework! This is insane!" Ganun din si Sharlene

Tumayo na kami ni Henry at nakitingin na rin sa notebook ni Jam.

O__O

Literal na lumaki ang mga mata namin ni Henry!

Langya! Ang daming rendition nito para sa isang kanta! ISANG KANTA!

Kung tutuusin nga pwede lang mangupya eh. Matanda na prof namin kaya di na niya malalaman na kinopya nalang yun.

My Twisted Life (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon