Wattpad Original
There are 4 more free parts

Chapter 5

10.6K 435 114
                                    

Chapter 5

"Wala, kwentuhan mo ako ng mga ginagawa mo r'yan," sagot ko sa kanya.

"Palagi mong iniiwas yung mga sagot mo sa tanong ko at sa sinasabi ko, palagi kang si "Wala lang"."

"Eh papaano kapag sinabi kong "send nudes" magse-send ka?"

Hindi kaagad siya nakasagot at huminga ako nang malalim.

"D-depende," mahinang sagot niya at napalunok ako.

Tangina, depende raw!

"Depende saan?" naitanong ko kaagad.

"Kung magiging mabait ka, but I doubt it. Lagi ka na lang may kainuman, bukod iyong d'yan sa apartment at bukod iyong may kasama kang babae," sabi niya at narinig ko siyang nagbuntonghininga.

"Sino bang source mo niyang mga sinasabi mo?" tanong ko.

"I don't have any source. Alam ko lang at kilala na kita. Kahit doon sa atin ay ganyan ka! Kung makangiti ka sa iba, akala mo napakabait mo, pero pagdating sa 'kin, iyang budhi mo, itim!'

Ako naman ang napabuntonghininga.

"H'wag ka na ngang tumawag sa 'kin kung aawayin mo rin lang naman ako. Sayang lang ang oras ko, eh," sabi ko.

"Excuse me, ikaw ang tumawag sa akin."

"Ah, ako ba?" Napakamot ako sa ulo.

"Oo, ikaw. Anong oras na r'yan?" tanong niya sa 'kin.

"Alas dies na ng gabi."

"Kumain ka na?"

"Oo, kanina. Nagluto kami ni Julian."

"Miss ko na yung mga luto niyong dalawa. Hindi ko man lang natikman iyong sa 'yo. Dinalhan ako ni Julian ng banana bread eh at saka ng kare-kare no'ng bago kayo bumalik d'yan sa apartment."

"What?"

Anak ng pating, bakit 'di ko alam iyon? Dinadalhan siya ni Julian ng pagkain? Ipinagluto siya ni Julian ng pagkain?!

"Dinalhan ako ni Julian ng banana bread at kare-kare."

"Narinig ko, pero bakit kailangan kang dalhan?" tanong ko. Nararamdaman ko ang pag-iigting ng mga ugat ko.

"Nag-request ako," simpleng sagot niya.

"Bakit hindi ka sa 'kin nag-request? Pwede namang sa akin!"

"Umalis ka kaagad, eh. No'ng after ng misa, nagkausap usap kami saglit, tapos nag-request ako."

"Kahit na, dapat sa akin ka na lang nagpaluto."

"Ang supla-suplado mo tapos magagalit ka ngayon? Eh kung mabait ka kaya sa akin no'ng nand'yan ako eh 'di sana sa 'yo ako nag-request."

Hindi ako nakasagot kaaagad. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili ko.

"Pag-uwi mo na lang ulit. Isang taon na lang naman, 'di ba?" sabi ko at huminahon na ako.

"Yes. One year na lang and three months."

"Good, mabilis na iyon," sabi ko.

Katahamikan. Walang nagsalita sa aming dalawa.

"Wait lang ha, kukuhanin ko lang 'yung notebook ko, may sasagutan lang akong homework."

"Sige lang," sagot ko at tumayo naman siya. Naka-shorts lang pala siyang maiksi. Pinapanood ko siya habang nakatayo siya at may kinakalkal sa bag niya na nakapatong sa may study table niya.

Black WaterWhere stories live. Discover now