Wattpad Original
1 और मुफ्त भाग है

Chapter 8

9.5K 396 87
                                    

Chapter 8

"What are you saying? Anong three years? Anong graduate school? Six months na lang at uuwi ka na and you're staying here for good? What the hell, Sophia?!" Message ko sa kanya.

"Nakakapag-reply ka naman pala so it means nababasa mo ang messages ko these past few weeks at mas pinipili mo lang na hindi ako kausapin. Why? Because you are busy whoring, right? Marami bang magaganda sa training? Nagagawa mo ring mag-comment sa posts nila pero hindi ka makapag-reply sa akin? Like I said, I've been meaning to ask you about graduate school. Itatanong ko sa 'yo kung papayag ka ba or what but since you're so busy, nag-decide akong mag-isa and sayang yung scholarship and opportunity kaya bahala ka sa buhay mo." Reply niya. Nang makita ko siyang online sa Skype ay sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya ako sinasagot.

"Answer my call, damn it," sabi ko sa kanya.

"Sorry, busy ako." Reply niya sa 'kin.

"Let's talk," sabi ko ulit.

"Ayaw ko, good luck with your womanizing and always use protection na lang din," sabi niya tapos nag-offline na siya. Damn it. Muntik ko nang maibalibag yung laptop.

Tangina, tatlong taon pa?

Muli akong nag-type ng message.

"Sophia, come on, let's talk."

Pero wala pa ring reply. Hindi ko maiwasang isuklay ang daliri ko sa buhok ko.

Tatlong taon pa. Anong gagawin ko sa tatlong taon? Tangina.

***

"Napapaano ka? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ni ni Chino sa 'kin.

"Ayos lang."

"Eh bakit kanina ka pa nakagulong d'yan? May kailangan ka?" tanong ulit ni Chino habang nakapamaywang sa akin.

"Si Sophia," mahinang sabi ko.

"Ano?"

"Wala, masakit lang ulo ko. Babangon din ako mamaya," sabi ko at itinalukbong sa mukha ko yung unan ko.

"Lalabas ako, may ipapabili ka? Gusto mo ibili kita ng gamot?" tanong ulit ni Chino.

"Sige," sabi ko lang. Ang kasunod ko ng narinig ay ang pagsara ng pintuan sa kwarto.

Tangina, lambot na lambot ako at tamad na tamad. Wala akong ganang kumilos.

Tatlong taon pa? Tatlong taon at kalahati pa? Anak ng pating naman talaga. Binasa ko ulit iyong mga messages ni Sophia sa akin noong mga nakaraan. Ilang beses niyang sinabi na may importante siyang sasabihin pero hindi ko iyon pinansin. Tangina naman talaga.

Pagbalik ni Chino ay may dala siyang gamot. Kinuha ko iyon at itinabi ko; mas pinili kong inumin iyong Red Horse na nasa ref.

***

Nag-message ako kay Pia dahil online siya.

"Hey, usap naman tayo, please."

Tangina, nakaka-frustrate.

"Marunong ka nang mag-"please" ngayon?"

Sinubukan kong tumawag at sinagot naman ni Sophia iyon at napabalikwas ako bigla. Inayos ko ang pwesto ko at tumitig sa kanya mula sa screen.

"Hi," sabi ko.

"Hi," sabi lang niya at nakasimangot siya; hindi rin siya nakatingin sa screen. Mukhang may iba siyang ginagawa.

"Look I know what I did was wrong but I won't say sorry dahil alam kong wala na rin namang magagawa iyon," simula ko.

"Iyang ego mo mataas pa sa Eiffel Tower," sabi ni Sophia at tinaasan ako ng kilay.

Black Waterजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें