Wattpad Original
There are 6 more free parts

Chapter 3

11.5K 423 47
                                    

Chapter 3

"Aalis ka? Saan ka pupunta?" tanong ko kay Sophia pero hindi ko na maitanggi na naiinis ako at nagagalit. Mahigpit na rin ang pagkakayukom ko sa palad ko.

Nasa may kiosk kami malapit sa gate ng eskwelahan. Sina Chino at Julian ay naglalaro pa ng chess sa itaas at nakakailang round na dahil walang manalo.

"Sa France, naroon kasi ang kapatid ni Daddy at nagkasunduan sila na roon na ako mag-college kagaya ng gusto ko noon," sagot ni Sophia at nahahalata ko na ano mang oras ay iiyak na siya.

"Pero ngayon? Gusto mo pa rin bang umalis?" tanong ko sa kanya.

"Hindi na, nag-promise tayo sa isa't isa na sa iisang university tayo papasok. Ayoko na rin umalis pero si Daddy..."

"Hindi mo naman siya idi-disappoint. Sabihin mo lang sa kanya na ayaw mo nang umalis," sabi ko at marahang hinaplos ang buhok niya.

"Sinabi ko na sa kanya kanina, pero hindi kami natapos mag-usap dahil may dumating na tao, pero kakampi ko naman si Mommy kaya h'wag kang mag-alala," sabi niya at alanganin siyang ngumiti. Gumanti naman ako ng ngiti at hinawakan siya sa kamay at pinisil pisil iyon.

Inihatid namin siya nina Julian pauwi bago kami naghiwa-hiwalay.

Halos sabay-sabay kaming lumaki, iisang paaralan ang pinasukan namin, iisang bayan. Lahat na lang ay halos sabay-sabay naming ginagawa.

Mahirap magloko at gumawa ng kalokohan sa bayan na lahat na lang ng tao ay kilala kayo. Laging huli, pero hindi kami natitinag sa kapilyuhan namin.

Habang lumalaki kami ay naging higit pa sa kaibigan ang tingin ko kay Sophia. Hindi ako sigurado kung mahal ko siya pero alam ko lang na importante siya sa akin, sa amin nina Chino, kami sa isa't isa.

Pero alam kong mas espesyal siya sa akin at ako sa kanya ay ganoon din.

Lumalabas kaming dalawa nang kaming dalawa lang. Alam niya kung saan ako makikita sa tuwing maraming naghahanap sa akin at hindi ako matagpuan. Kasama ko siya lagi sa dalampasigan at sinosolo namin ang isa't isa. Magsu-swimming ako at tatalon sa dagat habang siya ay pinanonood ako at hinihintay akong matapos. Hindi ko siya pinapapaligo kahit gusto niya para hindi kami mabuking na magkasama kami at sa dagat kami pumupunta.

***

"Ayaw pumayag ni Daddy. Inayos na raw nila yung papers ko," sabi ni Sophia at napahugot ako ng malalim na hininga.

"Ayaw ko rin pumayag sa gusto ng daddy mo," mariin kong sabi.

"Eh anong gagawin natin? Natatakot ako kay Daddy. Pinagalitan na niya ako dahil ako raw ang dating may gusto na roon mag-aral at pilit nang pilit sa kanya. Kampi na rin si Mommy ngayon sa kanya dahil sayang daw ang opportunity."

Alam ko naman iyon. Matagal na naming alam na gustong mag-aral ni Sophia abroad at dahil na rin iyon sa tiyuhin niyang nandoon.

Hindi ko naman siya pinipigilan noon. Wala namang pumipigil sa kanya na umalis pero nagbago iyon nang unti-unti hanggang sa nangako kami sa isa't isa na sa iisang university mag-aaral. Kaming dalawa ang halos ayaw nang maghiwalay. Hindi naman kami magkatipan pero alam lang namin na higit na kami sa magkaibigan, lalo pa nang minsang nakawan ko siya ng halik. Saglit lang iyon pero ilang araw akong hindi nakatulog dahil doon.

First kiss namin ang isa't isa at hindi naman kami lumagpas doon. Hindi naman ako talaga loko-loko katulad ng iniisip ng marami.

"Esso, anong gagawin natin?" tanong niya sa akin.

Black WaterWhere stories live. Discover now