UMFP-42

1.2K 18 8
                                    

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________

THIRDPERSON POV.

kasalukuyang nag hahanda ng umagahan si xander kasama ang Ina ng kanyang asawa. maagang siyang gumising para lang gawin youn. gusto niya sanang ipaluto ito ng agahan dahil naramdaman niya kagabe pa Ito balisa at parang wala sa sarili. inisip niya na lang na pagod ito sa reunion kagabe at dahil na rin siguro sa epekto ng pagbubuntis nito

nag-tigas nanaman ang kanyang bagang dahil sa pag-alala sa nangyari kagabe.

*****FLASHBACK******

"hi cos.its been a long time.... did you miss me"masayang bati nito sa kanyang pinsan. pero nakatuon ang kanyang mga Mata sa lalaking nasa tabi ng kanyang pinsan. sobra siyang nanabik ng magtapo ulit sila ng lalaking pinaka mamahal niya. Hindi niya ma-ipaliwanag ang sayang nadarama sa mga oras nito. gusto niyang ibuhos ang kanyang pananabik sa binata sa pamamagitan ng halik at yakap nito.

sinuri ng dalagang naka pulang gown ang bawat parte at mukha ang lalaking pinaka mamahal niya. nakita niya na maslalo pa itong gwumapo at lalo pang tumikas ang katawan nito.

Napa ngisi na lang siya sa kanyang isipan Dahil sa pag-alala ng kanilang masayang nakaraan kasama ang binata na ngayon ay kaharap Niya.  Hindi niya lubos maisip na ito ang dadatnan niya sa pag-uwi niya sa pilipinas

nakita nito na nagtigas ang perpektong kurba ng mukha ng binata. nakaramdam siya ng pagkalungkot dahil sa paraan ng pagtitig sa kanya nito. puno ng galit at pagsuklam ang Mata ni xander. katulad ng Una nilang pagkikita sa opisina.

Hindi akalaing ni xander na pinsan pala ng kanyang asawa ang taong nang-iwan at nanggago sa kanya.

alam ni xander ang pag-uwi ni Dara dito sa pilipinas sa kadahilanang bigla na lang itong sumulpot at binigyan siya ng malalim na halik sa opisina.

lubos siyang nagulat dahil sa pag-dating nito.naitulak niya Ito ng malakas noun dahil biglang pumasok sa isip niya ang kanyang asawa.

nagulat si Dara sa ginawa nitong pagtulak sa kanya sa opisina. Hindi niya akalaing tatanggihan niya ang halik nito. nakita niyang namumuo ang galit sa Mata ni xander noun.naparabang Hindi siya natutuwang makita ito. masakit man isipin pero wala yung dating xander na malambing at patay na patay sa kanya.

"oh. hija.we miss you how's paris.?"magiliw na tanong ng Ina ni Nicole sa kanyang pinsan doun lang bumalik ang pag iisip ni Dara mula sa pag babalik ala-ala sa nakaraan. binigyan niya ng malapad na ngiti ang kanyang tita.

"I'm fine tita. still beautiful and humble" masayang balik nito sa kanyang tita. sinabi ng kanyang tita na umupo muna sila para makipag kwentuhan kaya agad nitong sinunod gayun din ang mag-asawa si Nicole at si xander.inalalayan ni xander si Nicole na maka-upo sa tabi niya.hindi muna niya inisip ang babaeng nasa harapan niya ngayon dahil gusto niyang alagaan at pag-silbihan ang asawa. wala ng epekto sa kanya ang babaeng dati niyang minahal ng sobra. tanging pagkamuhi at galit nalang ang nararamdaman niya dito.

muli napatingin si dara sa mag-asawa. parang may humiwa sa kanyang puso dahil sa Kanyang nakita.

naka hilig ang ulo ng kanyang pinsan sa lalaking mahal niya. hawak hawak ni xander ang kamay ng kanyang asawa at pinaglalaruan ito habang busy na pakikipag biruan dito.

nakita ni Dara na napapangiti si xander habang may binubolong sa kanyang pinsan. Narinig niyang napahagikgik si Nicole na lalong ikinadurog ng kanyang puso.

gusto niyang maiyak dahil sa nakikita niyang masaya na sa ibang babae si xander.at ang malala pa roun ay ang pinsan pa niya. naiinggit siya Kay Nicole dahil sa pag-aalaga at sa atensiyong nakukuha nito Kay xander. naiinggit siya dahil ang pinsan niya ang pinakasalan nito. naisip niya na kung hindi lang nagkasakit ang kanyang ama ay Hindi niya iiwan si xander.mahal na mahal niya ang binata Simula noon hanggang ngayon kaya lubos siyang nasasaktan.

My Fanmate my Lover (UMFP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon