UMFP-39

1.3K 16 2
                                    

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________

THIRDPERSON POV.

Walang lakas na sumalampak si xander sa couch. hinang-hina siya sa kanyang nalaman patungkol sa kanyang ama.idagdag pa dito ang kina haharap na problema ng banadang kanyang binuo at pinaghirapan ng mahigit pitong taon.

napasandal siya sa sofa dahil sa pagod. nagitla siya ng may biglang may humilot ng kanyang balikat sa likuran. pakiramdam niya ay napawi lahat ng pangamba at sakit ng nadampi ng kanyang asawa ang kanyang balikat at hilutin ito. na pakalma ng kanyang asawa ang sistema nito.kaya napapikit siya.

"love kamusta ang banda?"paunang tanong ni nicole. napadilat si xander dahil sa tinanong ng kanyang asawa.tumaas ang mukha ni xander para lingapin ang kanyang misis. binigyan niya lang ito ng Hindi aabot tengang ngiti. hinawakan ni xander ang kamay ni Nicole at hinila to sa kanyang harapan dahilan para mapaupo ito sa kanya.

niyakap ni xander si Nicole mula sa likuran at pinahinga ni Nicole ang kanyang katawan sa bisig ni xander.

ayaw man sabihin ni xander kung anong nangyari sa maghapon niya ay Hindi niya magawa dahil ayaw naniyang maglihim pa sa asawa niya. ayaw niya itong makitang nasasaktan dahil sa Kanya. humugot si xander ng malalim na buntong hininga.

"nag pull-out lahat ng contracts namin Simula sa advertisements hanggang sa guesting. na cancel rin ang mga concert na dapat sana ay magpeperform kami."malumanay na sabi niya sa kanyang asawa.maslalong binaon ng dalaga ang kanyang sarili sa bisig ng kanyang asawa dahil sa mga narinig niya.

nakadama siya ng kirot sa kanyang Puso dahil sa narinig niya dito.sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagbagsak ng banda. pinipilit niyang kontrolin ang sarili niya na huwag umiyak pero sa kasamaang palad ay Hindi siya nagtagumpay.

"s--sorry"garalgal sa sabi niya kay xander. naramdaman niyang hinalikan ni xander ang buhok nito.at maslalo pang humigpit ang yakap nito

"shhh.. wag kang umiyak. wala kang kasalanan."tugon sa kanyang asawa.

"p-ero kasi. diba kaya na wala lahat ng contracts at na cancel ang concert mo ay dahil sa akin. d-*sniff* ahil sinabi mo sa kanila na may asawa kana. sorry Kung wala akong nagagawang tulong. sorry kung nagiging pabigat ako sayo. s-sorry kung Sinira ko ang magandang reputasyon ng banda niyo. s-orry kung napasok ka sa isang respunsibilidad na kahit kailan naman ay Hindi mo ginust---"

"tama na love. wag mong sisihin ang sarili mo dahil sa mga nangyayari.wala kang kasalanan. kung meron man sa ating dalawa ang maykasalanan dito ay walang iba kung Hindi ako. kasi tinago kita sa mga tao tinago ko kayo. kaya wag mong iisipin na ikaw ang dahilan kaya kami nag kakaganto. wag mo rin isipin na Hindi ko ginusto ang respunsibilidad ko bilang asawa sayo dahil kahit kailan Hindi ko pinagsisihan na pinakasalan kita.kaya please wag kang mag sorry."

"pero k-ahit na. may kasalanan pa rin ako. Hindi kita matulungan sa problema mo.wala akong kwentang asa--"

"shhh.Nicole Hindi totoo yan. marami kang na tulong lalo na sa akin. sa pagkatao ko. sa buhay ko. kaya wag mong sasabihing wala kang kwentang asawa para sa akin." patuloy parin ang paghikbi ni nicole dahil sa sinasabi ng kanyang asawa. Hindi niya lubos maisip na mangyayari sa buhay niya ito.

"sorry talaga."

"shhh...tama na.everythings gonna be alright. basta wag mo lang akong iiwan malalampasan rin natin tong lahat ha. don't you dare left me.mamamatay ako pag nawala ka sa akin.kaya please wag mo akong iiwan ha."sinserong sabi ni xander Kay nicole. ayaw naniyang mawala ang dalaga sa buhay niya dahil maha---laga ito sa kanya.naramdaman ni xander na tumango si nicole. kaya napangiti siya sa ginawang pag tugon ng dalaga. huminga siya ng malalim.

My Fanmate my Lover (UMFP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon