UMFP-29

2.5K 28 20
                                    

"sorry typos"

____________________________________________________________________________________________________

NICOLE POV.

mag-dadalawang linggo na simula noong naikasal kami ni xander. at sa loob ng dalawang linggo yun ay para kaming istranghero na nakatira sa iisang bubong.

oo sa condo niya na ako nakatira simula noong naikasal kami. pakatapos na pagkatapos ng kasal ay tinawagan ako ni mama at papa. humihingi sila sa akin ng pasensiya dahil hindi daw sila naka punta sa kasal dahil sa trabaho nila sa france. naiintindihan ko naman yun at wala akong sama ng loob sa aking mga magulang.kaya bilang kabayaran ng hindi nila pagpunta daw ay sila na daw ang may sagot ng out of town honeymoon namin ni xander.napangisi na lang ako sa aking isipan.

honeymoon? ni usap nga hindi namin magawa yun pa  kaya. hindi ko sila masisisi kung bakit nila binigay sa amin ang trip to Maldives na yun. ang pagkaka alam kasi nila mahal namin ang isa't-isa ni xander kaya ginagawa lahat ng mga magulang ko ang ang mas-ikaka saya ko.

pero lahat ng yun ay pawang kasinungalingan na lang. hindi ko naman gustong lokohin ang mga magulang ko eh. nagkataong na hihirapan na ako sa sitwasyon. na dumating na sa puntong hindi kona alam ang aking gagawin dahil sa ka gagahang kong ito.pagsisihan ko man lahat ng nagawa ko ay huli na.

****FLASHBACK****

kakatapos ng aming kasal ni xander.masayang nagbubunyi ang mga tao sa loob habang papalabas kami ng simbahan. nakakalungkot isipin na hindi ako mahal ng taong pinakasalan ko.

nakasakay na kami sa mecedez benz c. ni xander at siya mismo ang nag didrive dito. halatang bago ang sasakyan nito dahil sa kakaibang amoy nito. agad niya akong pinasakay dito ng hindi man lang tumitingin sa akin. at pagkatapos noon ay pumanhik na siya sa driver seat.

muli nanamang binalot ng kakaibang kaba ang puso ko ng makasakay na siya dito. walang nagsasalita ni isa sa amin. ayoko siyang tingnan kaya minarapat kona lang tumingin sa bintana. naiilang ako ng ganto. hindi ako komportable sa prisensiya niya. napalunok ako ng inistart na niya ang engine ng sasakyan.

bumalot ang katahimikan sa loob ng sasakyan at ang tanging maririnig lang dito ay ang pagbuntong hininga naming dalawa at ang makina ng sasakyan.

hindi ko mawari ang aking nararamdaman ngayon.parabang may tumutusok sa aking puso dahil sa mga ka ganapang ng yayari ngayon. napadako ang tingin ko sa labas ng sasakyan. at bumungad sa akin ang ibang dereksiyon ng tinatahak namin. kaya napatingin ako sa kanya. nakita kong masyado siyang abala sa pagmamaneho ng kanyang sasakyan.

"x-xander h-hindi ito yung daan papunta ng reception"mautal-utal kong sabi. napakahirap bigkasin ng salitang iyan pakiramdam ko mawawalan ako ng hininga. nakita ko itong walang emosyong tumingin sa akin. na lalong nagpabilis ng aking puso. bumigat ang aking paghinga sa paraan ng pag tingin niya sa akin. please xander wag namang ganyan.. nasasaktan ako lalo eh.sabi ko sa aking isipan.agad niya rin itong winaksi at tumingin sa daan.

"sino bang may sabing pupunta tayo doon?"malamig niyang sabi.eh saan kami pupunta? san niya ako dadalhin?

"niloko nanatin ang mga tao sa simbahan.lolokohin parin ba natin sila sa reception?"walang emosyong sabi niya.

"ayokong magpanggap na mahal natin ang isa't-isa sa harap ng maraming tao dahil nandidiri ako! nandidiri ako sayo! nasusuklam ako sayo! nagkanda leche-leche na ang buhay ko dahil sayo.!hindi ko masikmura na ikaw ang pinakasalan ko. ayokong mabuhay sila sa isang kasinungalingan.! kaya wag kang umasang doon tayo pupunta!"-iritadong sabi niya at maslalo paniyang binilisan ang pagmamaneho ng sasakyan. napapikit nalang ako sa mga salitang binitawan niya sa akin.! bakit ganoon naba ako kadumi para pandirihan niya?

My Fanmate my Lover (UMFP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon