Chapter 11

571 17 1
                                    

Kinukulit pa rin ako ni Zoren kung ano na daw, kung nalaman ko na ba daw ang kapangyarihan ko. Sabi ko sakanya di ko pa alam sadyang nakatulog lang ako non pero di pa rin siya naniniwalang di ko na alam.

Di ko naman talaga alam ang tawag sa powers na sinabi ng diwata sakin. Kaya kong palakasin at pawalain ang kapangyarihan ng isang nilalang? Weird. Akala ko pa naman yung kagaya kay Zoren. Hm! Paano ko macontrol ang kapangyarihan kong yun?

Akala ko pa naman sa araw na malaman ko ang kapangyarihan ko, magiging okay na ako. Yun pala hindi! Problema nanaman.

Paano din ako hihingi ng tulong kung hindi ko pwede sabihin ang kapangyarihan ko? Ano, sariling sikap nalang? Ganun na nga siguro. Wala na akong ibang choice.

"Pst!" kung maka pst naman to. Ano ako, Aso?!

"Di mo ba talaga alam? Ilang oras ka dyan? Tapos wala?" tanong niya pa. Nasa lilim kami ng puno kung nasan siya nung isang araw. Gusto niya kasing gawin ko ulit pero alam ko na e! Di ko lang pwede sabihin.

"Di nga! Tulog lang ako non!" sabi ko pa sakanya.

"Makakatulog ka non pero mabilis lang. Sa mabilis na oras na pagtulog mo makikita mo na ng kapangyarihan mo at pagkatapos non magigising kana." kwento niya pa habang nakapikit ang mata at ang dalawang kamay niya nasa likod ng ulo niya.

"Ganon ba nangyari sayo?" tanong ko sakanya.

"Hindi. Noong bata pa ako napalabas ko na ang kapangyarihan ko kaya di ko na kailangan gawin yan" sabi pa niya sakin. Bumalik ang tingin ko sa harapan at huminga ng malalim. Ngayong alam ko na ang powers ko, paano ako makakapag ensayo? paano ko magagamit yun? kailan ako sisimula? Saan? Paano na! Magulong tanong sa isip ko.

"Okay ka lang ba?" tanong niya sakin. Tumango naman ako at mabilis na tumayo siya. Saktong pagtayo niya ay hinila niya ako patago sa likod niya.

"Anong problema?" tanong ko sakanya. Alam kong my problema dahil sa itsura ngayon ni Zoren at sa higpit ng hawak niya sa kamay ko. Nasasaktan ako sa higpit ng hawak niya kaya sinusubukan kong tanggalin ngunit mas lalo lang niya hinihigpitan.

"Zoren" boses ni Lolo ang narinig ko banda sa likuran ko kaya lumingon ako. Andon nga si Lolo. Alalang alala ang kayang mukha.

Si Zoren ay nakatingin lang sa mga puno, ni hindi niya nilingunan ang pag sipot ng Lolo niya. Ano ba talaga meron? Anong nangyayari? Pwede ba nila sabihin sakin? Op ako e? Sila lang nakakaalam.

Biglang my pagsabog sa loob ng gubat at lumabas ang nakaitim na babaeng nakatingin samin. Parang ang sama ng pakiramdam ko sakanya tila my ginawa siyang masama sakin

"A-akasha" sambit ng lolo ng mahina. Rinig ko dahil nasa tabi ko lang na naman siya. Bakit parang natatakot siya ngayon?

"Ohh. Master Moris, Batang Zoren at??" sabay lumingon sakin ang babaeng yun. Ngayon natatakot na ako. Mga titig niya parang nakakapatay! Unti unting nauubusan ako ng hangin sa loob ng katawan ko dahil sa mga titig niya.

Bigla namang dumilim sa paligid na akala mo gabi na.

"Ano nanaman ang kailangan mo Akasha?" tanong ni Lolo. Ngumiti ng nakakaloko ang babae at naglakad palapit samin. Humigpit pa lalo ang hawak sakin ni Zoren.

"Mukhang nakakalimutan mo ang napag usapan natin Moris" sabay niya sabay ngumiti pang demonyo.

"Patawarin moko Akasha" napalingon ako kay Lolo ganun din si Zoren na biglang lumuwag ang hawak sakin. Bakit feeling ko safe ako pag nakahawak siya sakin?

"Ang gusto ko lang naman ang totoo pero nagsinungaling ka kaya papatayin na kita" diretsong sabi ni Akasha kay Lolo. Lumakas ang tibok ng puso ko at ang brasong hawak ni Zoren ay tuluyan na iyang binitawan.

Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon