Chapter 1

1.1K 29 1
                                    

 Im looking forward to make a video pero i'll just post the chapter 1. :) Enjoy reading guys. Sana mag vote / comment kayo. :)

Ito ang first gawa ko ng fantasy story. Sana magustuhan nyo :) and dito ko nalang dinedicate sayo Girlsvenue, i dont know your name, thanks again for adding the Lover's Revenge to your Reading List. Thanks. I hope you read and like this. :)

----------------------

Chapter 1

Naglalakad ako mag isa sa dilim, hindi ko alam kung san ako pupunta o tutungo. Wala na rin ako ibang kamag anak dito. Sumasabay pa tong ulan na ito. Nakakainis naman! Napakamalas naman ata ng buhay ko ngayon, sana andito pa si Mama Nerra.

Si Mama Nerra na inaalagaan ako, pinalaki ng my takot sa dyos, mabait, magalang, at matulungin sa kapwa ay naglaho na sa mundong ito. Iniwan na niya ako dahil sa lubhang sakit niya. Hindi ko nga alam kung anong sakit non e, hindi din alam ng mga doctor nung pinacheck up siya.

Sabi maghintay nalang kami sa himala, ang sabihin nila maghintay nalang kami na mamatay si Mama. Di man lang sila gumawa ng paraan. Kawawa naman ang Mama ko. Nagtataka talaga ako kung si Mama ba ay namatay dahil sa sakit niya o hindi

* Flashback

Lumabas ako papuntang tindahan kasi bibili ako ng maluluto ko. Kagagaling ko lang sa school na walang bayad, Government school kasi, pag mamayari ng gobyerno. Malamang, bobo ko talaga.

"Nako bawal ang utang!" bungad agad sakin ni Aling Esme. Lagi kasi kami nangungutang ni Mama Nerra sakanya. E sa walang pera.

"Di po ako mangungutang, atsaka magbabayad na po ako sa utang!" sabi ko pa kay Aling Esme.

"Buti naman kung ganon" sabi ni Aling Esme. Ibang klase talaga siya! Lahat nalang ata ng tao dito, galit sakin. Ano bang ginawa ko? Buti my pera ako kasi nag waitress ako sa isang claenderya, maliit lang naman ang sahod, mga 300 kada araw, ok na din yun, atleast my pagkain kami sa pang araw-araw ni Mama.

Habang naglalakad ako, nakita ko ang bahay namin na puno ng mga tao. Ano meron? Tumakbo ako ng tumakbo, kinakabahan ako baka my nangyaring masama kay Mama.

"ANG MAMA MO ALIYAH" hindi ko siya pinansin bagkos dumiretso ako sa bahay namin.

"Alis alis alis" ang dami namang taong nakikichismis. Di ba sila nahihiya? Nakakairita. Hindi ko nalang pinansin.

Pumasok ako sa loob ng bahay namin at naabutan ko si Mama na nakahiga sa sahig. Dilat ang mga mata at namumula, my mga luha ding pumatak. Agad ko naman niyakap si mama, sobrang naaawa ako sa kalagayan niya ngayon.

"Narinig namin siyang sumisigaw kanina ng saklolo ilang beses." sabi pa skin ni Aling Masing na kapitbahay lang namin.

"Agad naman ako napapunta pero ang naabutan ko ay si Nerra na walang malay. Hindi ko alam kung ano ba talaga nangyari" hindi ko na siya pinapakinggan, humagagulgol na ako sa iyak. Hindi ko alam kung san ako pupunta ngayong wala na si Mama.

Sana di nalang ako umalis at bumili ng pagkain, sana isinama ko nalang si Mama sa pagbili para walang mangyaring ganito, hindi sana nangyari sakanya to!

Napatingin ako sa bintana at my isang usok na maitim ang lumabas, nakatingin pa rin ako at nakita ang dalawang matang pula. Iniling ko naman ang sarili ko at baka guni guni ko lang yon.

Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon