Chapter 3

961 30 5
                                    

Sa story na ito wala akong hihingiin sainyo guys, i'll just post and post a chapter. :) but if you want to vote and comment, feel free. :* Thanks guys.

Chapter 3

Mag gagabi na pero wala pa rin si Lolo, kanina pa ako naghihintay dito sa sala, nilinisan ko na nga ang mga gamit e, di naman siya gaanong kadumi pero my parts na madumi kaya naglinis ako. Ang galing kasi kanina sa waiting shed, gabi na pero dito mag gagabi pa lang.

Ano naman kaya gagawin ko? Wala naman tv dito, tapos na din ako maglinis. Hm. Ahh tutal mag gagabi na at kakain na kami, magluluto nalang ako.

Pumunta akong kusina at ano ba to, nakakalat ang mga plato, at di pa nalilinisan, di ba sila kumakain dito? Hinugasan ko muna ang mga plato sa lababo at pinunasan ang table, ang gaganda nga ng mga gamit pero ang dudumi.

Pagkatapos ko maghugas, tinignan ko ang cabinet nila. Wala namang laman. Pano sila nagluluto dito? Pano sila kumakain? My magic nga pala sila. Gusto ko pa naman sana paglutuan si Lolo, ano naman kaya ang ginagawa niya at bakit ang tagal tagal niyang bumalik, kung my cellphone lang sana ako tinext ko na siya para bumili ng mga pagkain. Ay tanga, wala palang ganon dito sa Madrinadia. Ang weird!

"Anong ginagawa mo?" napalingon naman ako sa likod at nakita ko si Hada. Naka crossed arms siya habang nasa ere. Ang sarap pitikin.

"Magluluto sana ako e, kaso wala namang pagkain dito." paliwanag ko kay Hada. Bigla namang dumating si Zoren, na nasa likuran ni Hada.

"Talagang walang laman, kasi isang sabi ko lang sa utak ko, meron ng lalabas na pagkain." pagmamayabang niya sakin, edi sila na ang may mga powers at ako ang wala! Napaka arogante. "Stupid" sabi niya pa, aba sumosobra na siya!

"Sama mo!" pasalamat siya apo siya ni Lolo kundi kanina ko pa to sinuntok at pinag tatadyakan! Kumukulo na ang dugo ko sakanya.

Bigla namang my lumabas na mga pagkain, at namangha ako kasi ang sasarap, ang dami pa, narinig kong kumulo ang tyan ko, nagugutom na ako, di ko alam kung kailan huling kain ko, narinig ko din ang tawa ni Hada. Grabe naman siya, di ba siya nagugutom sa mga pagkaing nasa mesa? Kukuha na sana ako pero bigla nawala. Bakit nawala! Waa. gutom na gutom na ako.

Napatawa naman ng malakas si Zoren at ako nakasimangot sakanya, siya nga pala my kagagawan kung bakit nawala. Hmf. Bahala siya.. Nagtitimpi lang ako sakanya.

"Gutom na gutom ka na ba?" pang aasar niya pa sakin. Naiiyak ako, di ko na napigilan tumulo na ang mga luha ko. Tumayo ako at nagsimulang maglakad.

Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon