Chapter 9

593 21 1
                                    

"Lolo *iyak* totoo ba yun *iyak ulit" sabi ni aliyah. Ang dalawang kamay niya nasa mukha niya. Hays. Napababa kami ni hada dahil sa lakas ng iyak niya. Ang pangit na nga niya, ang pangit niya pa umiyak. Hays wala na bang maganda sakanya?

"Oo totoo yun" sagot naman ni Lolo. Ano naman kaya pinag usapan nilang dalawa. Mukhang seryoso nga dahil umiyal si Aliyah. Hm

Dumaan ako sakanilang dalawa na parang walang nakikita, dire-diretso lang ako sa paglalakad.

"Baby liyah?" sabi ni hada habang nakalingon sa pwesto ni liyah. Andon din si Baby Liyah malungkot gaya ng amo niyang weak.

"Halika na hada." nang makalabas na kami. Napahinto ako dahil may naramdaman akong kakaiba. Kakaibang may mapapahamak. Una kong naisip si Aliyah dahil siya lang naman tatanga tanga dito. Kailangan ko siyang itago, kailangan ko siya ilayo dito dahil nakakaamoy ako ng away. Hindi siya pwede makita ng iba. Teka nga, pakialam ko ba dun? Hays. Tatalikod na sana ako ng biglang may magsalita.

"Abishala." lumingon ako sakanya, isang babaeng nakaitim ang nakita ko. Okay naman ang mukha niya, di kalait lait.

"Patawad sa aking biglang pagpunta. Comoestas?" sabi niya pa. Tinignan ko naman siya ng blanko ang mukha. Ang lakas din ng tibok ng puso ko na parang my mapapahamak. Hays

"Isang umiiyak na boses ang narinig ko, isang familiar na boses sa lugar na ito. Maari ko ba siyang makita?" di ako nagkakamali, tama ang hinala ko. Di ko naman hahayaang mapahamak si Aliyah kaya magpapalusot ako.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Maaaring napadaan lang siya sa lugar na ito." sagot ko sakanya. mukha namang di siya naniniwala dahil sa kanyang mga mata.

"Di ako maaaring magkamali. Naaamoy ko ang presensiya niya rito." sagot niya pa. Aba naman ang kulit talaga.

"Hanapin mo. Ako pa maghahanap para sayo?" sumimangot na ako ng maramdaman kong hinihila ako papunta sa babaeng itim na yon.

Humarap ako sakanya at tinapunan siya ng bolang apoy. Pumalibot sakanya ito na parang nakakulong siya. Mukha namang nagulat siya sa ginawa ko ngunit sa isang pikit ng mata ko nawala ang apoy. Paano nangyari iyon.

"Zoren pumasok kana" sabi ni Lolo na ngayon ay nasa harapan ko na kaharap ang babae. Sinunod ko naman si Lolo pumasok sa loob pero hindi kalayuan para marinig ko ang pinag uusapan nila.

"Ano bang ginagawa mo at nang gugulo ka dito Akasha?" sabi ni Lolo sa babaeng yun. Akasha pala ang name niya. Ang sagwa pala parang Aliyah lang.

"Gusto kong makita ang babaeng umiyak sa lugar na ito. alam kong narito siya. Ipakita mo sakin ang babaeng iyon at aalis ako. Pangako" sabi niya kay Lolo. Lumingon si Lolo sa likod kaya napatingin ako. Nakita ko si Aliyah seryosong naglalakad. Tanga ba siya? Teka nga, tanga ba si Lolo? Bakit pinapakita niya si Aliyah!!! Gusto ba niyang mapahamak ito?

Gusto ko sanang magsalita at kunin si Aliyah para ilayo pero di ako makagalaw at makasalita. Anong nangyayari. Hays. Kakagawan nanaman ito ni Lolo.

Inilipat ko ang tingin ko kay Lolo at naging panatag ang loob ko. Sinasabi ng sarili ko sa sarili ko hindi si Aliyah yon. Nagdesisyon din akong magtiwala sa ginagawa ni Lolo para di mapahamak si Aliyah. Di nagtagal nakagalaw na ako.

"Siya si Kera" napasimangot naman ako sa pangalan na binigay ni lolo. Ang pangit. Ha-ha-ha.

"Sigurado ka bang siya yon?" dudang tanong ni Akasha.

ALIYAH'S POV

Nag eemote pa ako kanina nang bigla akong hilahin ni Lolo papunta dito sa silid na puno ng libro. Sabi sakin wag daw ako lumabas, my pinasuot pa siya sakin isang hood na kulay gold at nilagyan pa ako ng kung anong pabango.

Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon