The Final Chapter: At the End of this Fairytale

7K 158 70
                                    

 As I Lay Dying 

The Final Chapter: At the End of this Fairytale

               

                Ang lahat ay may nakatakdang katapusan. Ang lahat ay may kamatayan. Lahat ng bagay na mawawala ay may dahilan. Lahat tayo lilisan sa mundo at magiging alaala na lamang sa mga taong totoong nagmamahal sa’tin. Pero kahit na umalis ako mananatili ka sa puso ko at mamahalin kita kahit nasa kabilang buhay na ako...

                Marahang iminulat ni Nathan ang kanyang mga mata dahil sa sinag ng araw na pumapasok mula sa kanyang bintana. Isang bagong umaga na tila nakakabingi dahil sobrang tahimik ng paligid. Iginala niya ang kanyang mga mata sa loob ng kwarto at natagpuan si Trinity na tulog na tulog sa may mahabang sofa. Akma sana siyang tatayo nang maramdaman masakit pa rin ang sintido niya at may dextrose sa kanyang kamay.

                “A-ate. A-ate.” Tawag niya.

                “O Nathan!” Agad na lumapit si Trinity sa kapatid at iniabot ang isang baso ng tubig. Tinulungan niya itong maupo sa kama.

                “Si Katherine kamusta na siya? Kamusta na ang anak namin? Asan na siya? G-gusto ko siyang makita. Ayos lang ba siya?” Sunod-sunod na tanong niya habang hawak pa rin ang sumasakit na sikmura.

Umiwas lang ng tingin si Trinity sa kanya at biglang umiyak ng umiyak.

                “Ate? A-ANONG NANGYARI!?!!?” Pati siya ay gusto ng umiyak dahil sa mga luhang nakikita niya sa mga mata ng kapatid.

                ..tandaan mo ang pagmamahal ko sa’yo ay walang hangganan. Ito ay hindi matatapos kahit paghiwalayin man tayo ng kamatayan...

 

                Pinilit ni Nathan tumayo kahit na halos madulas-dulas na siya sa sahig dahil masyado pa siyang mahina.

                “Nathan.” Pigil ni Trinity sa kapatid na nagpupumilit tumayo.

                “GUSTO KONG MAKITA ANG ASAWA KO! ANG ANAK KO ATE!! A-ASAAN SILA!!” Nagwawala na si Nathan at binunot na lang niya ang dextrose sa kanyang kamay pero dahil mahina pa siya ay nadulas siya sa sahig. “Yung mag-ina ko ate! Gusto ko silang makita!” Hagulgol ni Nathan habang nakahaladusay sa sahig.

                “Nathan tama na!” Pati si Trinity ay umiiyak na habang yakap-yakap ang kapatid.

                ..hinubog ng panahon ang pagmamahalan natin Nathan. Pinagtagpo tayo ng Diyos dahil nakatadhana tayo para sa isa’t-isa. Pero minsan mapaglaro ang tadhana minsan hindi mo alam kung anong sorpresa ang dala nito sa bawat araw na dumadaan...

 

                “A-a-ate a-anong nangyari?” Tumingin si Nathan sa mga mata ng kapatid. Patuloy din ang pagdaloy ng mga luha ni Trinity dahil sa awa kay Nathan.

                “I’m so sorry Nathan.” Iling ni Trinity saka mabilis na yinakap ang kapatid.

                “ANONG NANGYARI!!” Sigaw na niya. “BITIWAN MO KO!! GUSTO KONG MAKITA SI KATHERINE! I NEED TO SEE HER AND MY BABY!!”

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon