Kabanata 6

161 23 2
                                    

3rd Person's POV

Nakatulalang nakadungaw si Hazel sa bintana, halatang may malalim s'yang iniisip. Ilang araw na rin ang nakakalipas ng huli silang mag-usap ni Jaye. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip n'ya ang mga nabasa n'yang tula sa notebook na binigay sa kanya. Hindi maipaliwanag na sakit ang naramdaman n'ya habang binabasa ang mga ito. Gusto sana n'yang kausapin muli ang kaibigan pero hindi n'ya alam kung sa paanong paraan at kung may lakas pa ba s'yang natitira para kausapin ang binata. Pagkatapos n'yang mabasa yung journal, ngayon naman ang mga tula nito. Para s'yang sinaksak ng kutsilyo ng ilang beses pagkatapos mabasa ang mga ito. Sa isip n'ya, paano n'ya kinaya? Saan s'ya kumuha ng lakas para itago yung sakit na nararamdaman nito?

"Cassandra, 'wag ka mag feeling maganda d'yan. Kanina ka pa tinatawag ng boyfriend mo. Kulang na lang gumamit s'ya ng microphone para marinig mo." inis na sabi ng kaklase nito. Natauhan s'ya ng makitang wala na ang teacher nila. Napasulyap s'ya sa labas at nando'n nga ang kanyang boyfriend na naghihintay.

"Ano ba kasing binabasa mo d'yan?" tanong ng kaklase n'ya saka binasa ang nakasulat dito. "Mga tula. Ang mga tulang ito ay para sa unang babaeng minahal ko." mabilis n'yang isinara a ng notebook na naglalaman ng mga tula.

"Alam mo kahit kailan tsismosa ka. Wala 'to, pakisabi kay France palabas na 'ko ayusin ko lang 'tong gamit ko." sinimangutan lang s'ya ng kanyang kaklase saka ito lumabas. Habang nililigpit nito ang mga gamit, hindi n'ya maiwasang mamangha sa mga tulang ginawa ni Jaye. Hindi s'ya makapaniwalang marunong pala ito sa paggawa ng tula. Pagkakaalam kasi nito, wala itong hilig sa pagbabasa o pagsusulat.

Pagkatapos n'yang magligpit, lumabas na agad s'ya at sumalubong sa kanya si France. "Kanina pa kita tinatawag kaso mukhang may malalim kang iniisip, kaya siguro hindi mo narinig ang pagtawag ko sa'yo." Nakangiting sabi ni France kay habang pababa sila ng hagdan.

"Ha? Sorry may iniisip lang ako pero wala 'yon." Pagpapasulot n'ya. Mukhang wala s'yang balak sabihin dito ang tungkol sa naging usapan nila ni Jaye nitong nakaraan.

"Mukhang napapadalas yata yung pag-iisip mo ha. Ano ba yung bumabagabag sa'yo?"

"Wala lang 'yon, kumain na tayo nagugutom na ako eh" Pag-iiba n'ya ng usapan.

Habang bumibili sila ng makakain bigla nilang nakasalubong si Joanna sa canteen. Kaya sandaling nagkwentuhan ang dalawa. "Kamusta? Balita ko kayo na raw dalawa," sabay tingin sa lalaking bumibili. Tinutukoy n'ya ang boyfriend ni Hazel.

Bahagyang natawa si Hazel. "Oo, nung nakaraang buwan lang."

"Pumapag-ibig ka na, ha. Stay strong sa inyo." nagpasalamat naman agad s'ya at ngumiti.

"Oo nga pala, naibigay mo na ba yung notebook ni Jaye sa kanya?" biglang tanong ni Joanna.

Agad na nailang si Hazel sa tanong ng kaibigan. Dahil ang tinutukoy nitong notebook ay ang journal ni Jaye. "O-oo, noong nakaraan ko pa naibigay."

"Mabuti naman naibigay mo na, tatanungin ko sana kasi s'ya nung isang araw tungkol do'n kaso naisip ko baka nga  naibigay mo na." Tumango na lamang si Hazel dahil hindi na n'ya alam ang isasagot pa.

"Oo nga pala, may nasabi bang problema si Jaye sa inyo? Napansin ko kasi nitong nakaraang araw parang medyo wala s'ya sa mood palagi. Madalas na rin s'yang tahimik at walang kibo. Absent nga s'ya ngayon eh, hindi pa naman yon pala-absent." dagdag pa ni Joanna.

"Wala naman." malungkot na tugon ni Hazel. Bigla s'yang nawalan nang lakas ng marinig ang tungkol dito. Sigurado s'ya na sobrang nasaktan ang kanyang kaibigan dahil sa nangyari. Napayukom ang kanyang mga kamay dahil sa galit. Alam kasi n'yang s'ya ang dahilan kung bakit mas lalong naging cold si Jaye pero wala s'yang magawa para dito. Naalala na naman n'ya yung huling sinabi ng kaibigan nung huli silang nagkita.


Huling PagtinginWhere stories live. Discover now