PROLOGO

754 50 21
                                    


Work of Fiction

This is a work of fiction, Names, Characters, Businesses, Places, Event and Incident are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, or create derivative works from or exploit contents of this story in any way without any permission of the author.


"Mahal mo?" he asked with a smile. Tumingin ako sa kanya halatang interesado s'yang malaman talaga. Ngumiti muna ako sa kanya saka umiling. Hindi talaga ako titigilan nito hangga't hindi sinasagot ang tanong n'ya.

"Oo naman." matipid kong sagot.

"Mahal mo pala eh, bakit hindi mo sa kanya aminin?" muli nyang tanong.

Kung gano'n lang kadali ang lahat, hindi na sana ako nagdalawang isip pa. Nagmadali na sana akong puntahan s'ya sa klase n'ya para ipagtapat yung tunay kong nararamdaman sa kanya. Kaso hindi gano'n 'yon kadali, walang madali sa pagmamahal. Para kang isang sinulid na kailangan dumaan sa maliit na karayom. Mahirap subukan lalo na kung mahina yung loob mo. Mahirap lalo na't magkaibigan kayo.

"Wala pa akong lakas. Sa susunod na lang-"

"Kapag may jowa na? Kapag may nauna na? Kapag huli na ang lahat? Ganun ba, Jaye?"

Muli akong tumingin sa kanya. Baka nga ganun na lang. Baka hanggang tingin na lang ako sa kanya. Hanggang dito na lang kung saan mas sigurado ako. Sa lugar kung saan hindi ako masasaktan, hindi namin masasaktan ang isa't-isa. "Paano kung umamin ako sa kanya? Tapos hindi naman pala parehas yung nararamdaman namin? Paano kapag naging awkward after ko umamin? Paano yung pagkakaibigan namin?" hindi s'ya nakasagot sa mga tanong ko.

Hindi madaling magkagusto sa kaibigan. Kasi hindi lang yung nararamdaman mo ang isusugal mo pati na rin yung pagkakaibigan n'yo. Kung hindi lang kami magkaibigan baka matagal ko na s'yang niligawan. Baka nga kami na ngayon eh. Masaya na sana kami, ako.

"Bakit kasi sa dinami-daming babae na p'wede mong magustuhan, bakit si Hazel pa? Bakit kaibigan mo pa? Mali mali ka rin ng desisyon eh."

I smirk. Bakit parang kasalanan ko pa? Eh alam ko bang magugustuhan ko s'ya? Hindi ko naman sinadya, kusa ko lang s'yang naramdaman. "I didn't choose to fall in love with her, my heart did."

#UnsaidFeelingsWP

Reminder:

There's is no something in this story. It's just a typical love story na nababasa nyo somewhere. So please, don't expect too much. Pero sana kahit gano'n suportahan at basahin n'yo pa rin :)) I love y'all!!, 💗

Book Cover made by: LittleWrecker

Huling PagtinginTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang