Pahina 12

147 26 25
                                    



A/N: Play the song How would you feel by Ed Sheeran for better reading.

Hanggang ngayon napapangiti pa rin ako sa tuwing naaalala ko yung panaginip ko nung isang gabi.

~

Isang napakagandang hardin ang aking nasilayan pagmulat ng aking mga mata. Hindi ko alam kung nasaan ako pero masasabi kong maganda at maaliwalas ang lugar na ito. Parang nasa isang mataas na bulubundukin ako at kitang kita ko ang buong siyudad.

Di ko alam kung bakit ako nandito, nilibot ko ang aking paningin ngunit wala akong makitang ibang tao bukod sa akin. Sa isip ko, hindi pa naman ako patay diba? Umiling ako sa naiisip ko at inalis sa isipan ang mga katanungan. Naisip kong maglakad lakad baka sakaling may makasalubong akong ibang tao dito. Hindi pa rin ako makapaniwala at namamangha pa rin sa mga nakikita ko. Ang peaceful ng paligid para akong isang prinsipe na nawawala sa kagubatan at makikita ko ang aking prinsesa. Natawa ako bigla dahil sa kabaduyan ko.

Napatigil ako sa paglalakad ng may makita akong isang babaeng nakasilong sa isang malaking puno. Nakatalikod sya mula sa akin kaya hindi ko makita kung sino s'ya. Dahil nga sa mag-isa lang ako dito naisipan kong lumapit sa kanya at para na rin maitanong kung bakit kami nandito.

Nang medyo malapit na ako sa kanya bigla s'yang napatayo't pinagpagan ang kanyang suot na palda. Akmang aalis na s'ya kaya naisipan kong magtago sa kung saan ngunit wala akong makitang ibang puno o kahit na akong bagay na p'wede kong pagtaguan. Iisa lamang ang puno dito at puro mga damo na ang makikita. Wala na akong magawa kaya hinayaan ko na lang s'yang makita ako.

Nanlaki agad ang aking mata ng makita ko kung sino ang babaeng nasa harap ko ngayon. Si Hazel. Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Bakit s'ya nandito? Bakit kami nandito? Mukhang ako lang ang nagulat sa pagkikita namin sa lugar na ito dahil ngumiti lamang s'ya saka lumapit sa akin. Hindi rin daw n'ya alam kung bakit s'ya nandito. Nagulat na lang s'ya ng pagdilat ng kanyang mata naka-upo na s'ya sa isang malaking puno. Aalis na dapat s'ya at maghahanap ng lugar kung paano makakakabalik sa dati pero dahil nga nakita n'ya ako mas naging kampante s'ya at naisipang manatili muna kahit sandali.

Huling PagtinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon