Pahina 7

144 31 9
                                    



Isang araw habang naglalakad tayo sa daan hawak hawak mo ang aking braso. Sabay tayong naglalakad habang nagku-kwentuhan sa daan. Tumigil tayo sandali para hintayin ang mga sasakyan ngunit patuloy ka pa rin sa pagsasalita habang ako'y nakatitig lamang sa'yong mga mata. Hindi ko namalayang tumigil na pala ang mga sasakyan kaya dali dali mong hinila ang aking mga kamay. Hinayaan ko lang ang aking katawan na magpadala sa'yo.

Sa ating paglalakad tanging ikaw lang ang aking nakikita. Ang iyong kagandahan, kislap ng 'yong mata, labing mapupula at ngiting kay tamis. Bakit gano'n feeling ko bumagal ang ikot ng mundo? Walang ibang malinaw kundi ang 'yong mukha. Pagkatapos nating makatawid bigla kang ngumiti sa akin. Kung gaano ka kabilis ngumiti, ganon din kabilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ka nakakasawang titigan

Ewan ko ba bakit hindi ko maalis ang tingin ko sa'yo. 'Di ko nga alam kung napapansin mo 'yun o hindi. Basta ang alam ko lang masaya ako sa pagtitig sa'yo, habang ikaw patuloy pa rin sa pagku-kwento. Minsan tinatanong ko sarili ko, kailan ka kaya mauubusan ng kwento? Ang dami mo kasing baon palagi.

Bigla akong napatigil sa naglalakad syempre nagulat ka kaya napatigil ka rin. Pero lalo kang nagulat ng bigla kong hinawakan ang 'yong kaliwang mata. 'Wag kang mag-alala inalis ko lang yung dumi sa mata mo, kanina ko pa kasi napapansin eh hehehehe.

Nagpatuloy ulit tayo sa paglalakad, hindi ko alam kung saan tayo patungo basta ang alam ko lang kasama kita ngayon. Sa hinaba haba ng paglalakad natin hindi pa rin tayo nauubusan ng topic, sa sobrang daldal mo alam ko na ang kwento ng buhay mo.

Makalipas ng ilang oras, sa wakas nakarating din tayo, pero bigla akong napatigil dahil sa napagtanto ko. "Bakit anong meron?" tanong mo pero ngumiti lang ako. Ngiting wagas.

"Wala, halika pasok na tayo" tumango ka lang saka sabay nating pinasok ang loob ng simbahan habang magkahawak pa rin ang ating mga kamay.

Bakit kaya hindi tayo sumakay kanina papunta dito sa simbahan? Napangiti tuloy ako sa naiisip ko. Hays feeling ko talaga gusto mo ako. Sana ganito na lang tayo palagi. Sana tayo na lang.

..

Huling PagtinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon