Love Letter

238 13 4
                                    

To: Rhess,

            It’s Saturday afternoon at 2:00 pm along the covered court when my heart starts to beat fast as you passed by riding on your bike. Depression ruled me that day and my only way out is to play basketball alone. Hindi ko alam pero bigla na lang akong napangiti that time. I was amazed with your smile, the way you laugh. It carried away the sadness I felt. Hindi ko maintindihan pero pinasaya mo ako sa araw na yun.

            Hindi ko alam kung swerte ako o sadyang pinaglalapit tayo ni GOD. New school mate pala kita. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon para mapalapit sayo. Salamat dahil hindi mo ako binalewala. Masaya ako sa mga oras na kasama kita. Humihiwalay ako sa barkada para lang masamahan ka sa canteen para mag meryenda. Hindi ako umuuwi ng bahay para masamahan kita pag lunch time.Dahil sayo napasok ko ang library na lagi mong tambayan. Dahil sa pag hatid ko sa inyo pag-uwian, maaga akong nakakauwi ng bahay. Salamat sa mga oras na ibinahagi mo sa akin. Nakilala ko ang sarili ko sa mga oras na kasama kita.

            Until one day hindi ko alam kung bakit pero hindi kita nahagilap sa school buong araw. Hindi mo sinasagot ang tawag ko at wala ka sa paborito mung tambayan. Down curve lips painted on my face that day. Balak ko sanang bisitahin ka pero inunahan mo ako. Pagdating ko ng bahay nakita kita sa may gate nag-aantay. I was about to talk when you hug me tight. Bigla kang kumawala at hinigit ako palayo sa bahay. Pamilyar ang lugar. Tama papunta nga ito sa bahay niyo. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko mapigilan ang sarili na sumama sayo. “Tara” basag mo sa katahimikan habang papasok sa may gate ng bahay niyo. Strange feelings grow on me as I walked through the door. Ni hindi kita namalayang umalis sa tabi ko. Patuloy ako sa paglakad and I saw your mom crying at the living room hawak-hawak ang pictures mo. I asked her why? Tears roll down on my face. Because your mom told me that you already passed away this morning. My heart we’re crashed as a thunder bolt. Hindi ko man lang nasabi sayo kung gaano kita kamahal, hindi man lang ako nakapag paalam.

            Suddenly, someone tap my back. It’s mom. Nananaginip lang pala ako. It’s Saturday morning. Nagtataka parin ako sa napanaginipan ko. Hindi ko ito maalis sa isipan ko. Then I heard familiar voice downstair. Tama! hindi na ko nagtaka boses mo nga ito. Pababa na ako ng bigla kung marinig “Ma, Pa girlfriend ko si Rhess!” Nanlambot ang tuhod ko at pigil na bumaba ng hagdan. I saw you with my brother Cyrus holding hands talking to my parents.

            Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Kung paano kayo nagkakilala ng kapatid ko. Kung ano ang nakita mo sa kanya na wala ako. Masakit man saken na malaman ang lahat pero ito marahil ang ibig sabihin ng panaginip. Mawawala ka saking piling. Siguro nga hanggang kaibigan lang talaga tayo hindi tayo para sa isa’t isa. Mahirap para sakin pero kailangan ko ng mag paalam.

            Habang binabasa mo ang sulat ko marahil wala na ako. Maigi lang na hindi naging tayo dahil maiksi lang ang itatagal ko sa mundo.  Pero hayaan mong banggitin ko sa iyo ito sa una’t huling pagkakataon “Rhess, I LOVE YOU.”

From: Cyril

Kathang IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon