Special Chapter: After All

402 13 2
                                    

Author's Note:

Matagal ng may nag-request ng sequel o ng Part 2 ng GYHAB. Mga isa't kalahating taon na yata 'yung nakakalipas.

Anyway, dahil 'di ko kayang gumawa ng isa pang short story as Part 2, gumawa na lang ako ng parang one shot na Part 2. Sana magustuhan niyo!

---

“Nagbago na isip ko.”

Nagkagulo bigla sa isip ko. Ilang araw pa lang ‘yung lumilipas pagkatapos ko siyang iwasan, tapos bigla-bigla na namang nagbago ‘yung isip niya? Halos isang linggo pa lang nung naging sila ulit ni Isabel, nagbago na agad ‘yung isip niya? ‘Di ko siya maintindihan.

“Tama ka,” pagtutuloy niya, “ang tanga ko kasi binalikan ko siya. Ang tanga ko kasi minahal ko ulit ‘yung taong nanakit sa akin noon. Ang tanga ko kasi naniwala ako sa kaniya, kasi naniwala ako sa dahilan niya, kasi naniwala akong mahal pa rin niya ako. Ang tanga ko kasi ‘di kita nakita, ‘di ko pinansin ‘yung nararamdaman mo para sa akin. Ang tanga ko.”

Napailing-iling siya. Hanggang sa unti-unti niyang binitiwan ang kamay ko.

“At ‘di bagay ang isang tangang tulad ko sa isang taong tulad mo.”

---

It’s been four years since the last time we saw each other. Though, nagkikita pa rin naman kami sa church at nag-uusap pa rin naman kami kapag kailan, pero ang hirap niyang i-consider as legit kasi ramdam mo ‘yung awkwardness at ‘yung pagkailag namin sa isa’t isa.

It’s been four years. Dapat kalimutan ko na ‘yung mga nangyaring ‘yun. Besides, nasa Paris na ako ngayon para sa trabaho ko. I guess, it’s time to start again, right? New place. New environment. New people.

Sa wakas. Natupad rin ‘yung pangarap ko na makapunta sa Paris. Kaso ‘di ko lang kasama ‘yung lalaking gusto ko, tulad ng nasa mga panaginip ko.

Pero sa mga panagip ko naman, ‘di ko makita ‘yung mukah nung lalaki eh. Baka naman dito ko siya makikilala sa Paris.

“Où est l'Hôtel Britannique? [Where is Hotel Britannique?]”

Tinuro niya sa akin kung pa’no makapunta sa hotel na tinutukoy ko. Medyo nakakadugo nga sa ilong kasi ang fluent niya sa French kasi, syempre, taga-France siya. Dalawa o tatlong beses ko pa nga yata sa kaniya pinaulit-ulit eh para lang makuha ko ng maayos ‘yung instructions.

Nakailang tanong rin ako sa mga tao, hanggang sa nakarating rin ako sa hotel ko.

“Mon nom est Rachel Fajardo. J'ai réservé une chambre pour une dernière, la semaine dernière. [My name is Rachel Fajardo. I booked a room for one last, last week.]”

“Attendez une minute [Wait a minute],” she said with a smile. Hinanap niya ‘yung room keys ko and even asked for an assistance sa pagbubuhat sa bag ko. Marami-rami rin naman kasi ‘yung mga bagahe ko. I have to stay in Paris for a month para sa final paper ko.

Pagkarating ko sa kwarto ko, humilata na agad ako sa kama ko, ‘di muna inisip na may paper akong kailangang gawin at tapusin. Pero matagal-tagal rin naman ang isang buwan kaya kakayanin ko ‘to kahit na pahila-hilata pa ako ngayon.

---

Kinabukasan, maaga akong nagising para simulan na ‘yung paper ko. Kailangan kong makapag-interview ng at least 100 na tao na nandito sa Paris biglang parte ng paper ko. After no’n, bibisita ako sa mga libraries dito para makahanap ng mga libro o details tungkol sa Paris.

Napasinghal na lang ako habang nakatayo sa hotel. Halos isang oras na yata akong naghihintay ng taxi dito pero wala pa ring bakante. Mukhang rush hour yata ngayon. Paranng sa Maynila lang, kapag rush hour, wala kang taxi na masasakyan kaya wala kang choice kundi mag-commute ng MRT, LRT o bus.

Give Your Heart A BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon