Chapter 8

573 31 26
                                    

“Rachel.”

Isang araw, isang seryosong Simon ang humarap sa akin. Nung mga oras na ‘yun, nagdilim ang lahat. ‘Yung liwanag na nakikita ko kapag nakikita ko siya, nawala. Parang galing sa araw, biglang uulan maya-maya.

“Mag-usap nga tayo.”

“B-Bakit?”

Hinatak niya ako. ‘Di ko alam kung sa’n niya ako dadalhin, pero alam ko na may masama siyang sasabihin.

“T-Teka,” hinila-hila ko ‘yung kamay ko sa pagkakahawak niya, “magtuturo pa ako mamaya.”

Tumigil na kami sa paglalakad.

“Totoo ba?”

Napakunot ako ng noo. “Ang alin?”

“Totoo ba na may gusto ka sa akin?”

Biglang tumigil ‘yung mundo ko. Parang naglaho siya sa paningin ko at napuno ng itim ‘yung paligid ko. Pakiramdam ko lahat ng tao nakatingin sa akin kahit na kaming dalawa lang naman ‘yung nandito. Hiniling ko na sana bumuka na lang ‘yung lupa at lamunin ako.

Pero imposible ‘yung mangyari. Imposible na makatakas ako sa sitwasyon na ‘to.

“P-Pa’no mo nalaman? K-Kanino mo naman ‘yan nakuha?”

“‘Di na mahalaga ‘yun. Sagutin mo na lang ‘yung tanong ko.”

“Simon, ano ka—“

“Sumagot ka!”

“Oo!”

Napatakip ako ng bibig ko. Bakit ko ba sinabi ‘yun?

“Rachel,” biglang bumalik ‘yung Simon na nakilala ko noon, “kalimutan mo na ‘yung nararamdaman mo para sa akin. Makakasakit lang ‘yan sa puso mo. At ayokong masaktan ka.”

“Bakit, Simon?” Napakunot siya ng noo. “Bakit mo sinasabi ‘yan sa akin? Ano ba ako sa’yo?”

“Mahalaga ka sa akin,” sagot niya, “kaya ayokong masaktan ka. Kaya mas mabuti kung kalimutan mo na lang ‘yung nararamdaman mo para sa akin.”

“Sa tingin mo ba madali ‘yun?” Napatikom siya ng bibig. “Sa tingin mo ba makakalimutan ko ‘tong nararamdaman ko kung nakikita naman kita? Sa tingin mo ba gano’n kadaling itapon ‘yung nararamdaman ng isang tao? Sa tingin mo ba gano’n kadaling bumitaw sa isang bagay na napakahigpit ng pagkakahawak mo? Sa tingin mo ba madali ‘yun?

“Akala ko nadala ka na? Akala ko ba ayaw mo na munang magmahal? Pero bakit nung binalikan ka ni Isabel, um-oo ka kaagad, pumayag ka kaagad. Pa’no kung sasaktan ka lang niya ulit? Pa’no kung iiwan ka lang niya ulit?

“Sabi mo pa naman na ayaw mo muna, kaya naghintay ako! Naghintay ako kung kailan ka magiging handa, kung kailan kaya mo ng magmahal ulit. Pero ‘di ko naman alam na ganyan ka pala ka tanga. Iniwan ka na nga ng isang tao pero minahal mo pa rin siya ulit.”

“Sorry.” Napayuko ako, nagpipigil ng mga luha. “Pero mahal na mahal ko talaga siya.”

Sa loob ng isip ko, ilang ulit ko na siyang sinasabihan ng ‘tanga’ kaso ano bang magagawa ng salitang ‘yan para magbago ‘yung isip niya? Mahal na mahal niya si Isabel.

“Pero…” Hinawakan niya ako sa balikat. “Minahal kita.”

Napasinghal ako. “Minahal?” Natawa na lang ako dahil sa pagkainis. “Bakit ‘minahal’ lang? Nando’n ka na eh, mahal mo na ako eh, pero bakit ‘minahal’ lang? Dahil kay Isabel, gano’n?”

Tumango siya.

 “‘Di mo lang alam.” Napailing ako. “Pero niloloko ka lang niya.”

“N-Niloloko?”

“Pinuntahan ko siya noon sa bahay nila para tanunging ‘yung dahilan niya kung bakit ka niya iniwan. Alam mo ba kung bakit?”

“B-Bakit?”

“Kasi nagsawa na siya sa’yo.” Napatikom siya ng bibig, ‘di makapaniwala sa sinabi ko. “Kasi masyado ka daw sweet sa kaniya. Wala ka daw kachallenge-challenge sa kaniya. Gusto niya daw kasi ‘yung may kaagaw siya, ‘yung pinaghihirapan niya na makuha ka. Kaso ‘di ikaw ‘yun, kaya nakipag-break siya.”

Natagalan bago siya nakasagot. Akala ko naman magtitino na siya, matatauhan na siya, pero ‘di pala. Ang tanga pa rin niya.

“Pero binalikan niya ako. ‘Di na siya nagsasawa sa akin.”

Napabuntong-hininga na lang ako. “Sana maging masaya ka sa desisyon mo.”

Naglakad na ako papalayo, pero pinigilan niya ako.

“Iiwan mo na ba ako?”

Tumingin ako sa kaniya sa huling pagkakataon. “Kung gusto mo akong maka-move on sa feelings ko para sa’yo, kailangan nating magkalayo.”

Give Your Heart A BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon