Chapter 5

616 22 7
                                    

Natakot na daw siyang magmahal pakatapos niyang masaktan. Ang sakit rin naman kasi ‘yung ginawa sa kaniya. Sa mismong anniversary nila, kung kailan naghanda talaga siya ng sobra, tsaka naman siya iniwan at ‘di sinipot ng girlfriend niya.

Naghintay siya ng isang buong araw sa isang restaurant. Tapos ang natanggap niya lang nung bandang alas-siyete na ng gabi, isang text na nagsasabing ‘di niya na daw kaya, na tapusin na daw nila ang namamagitan sa kanila.

Wala man lang binigay na dahilan ‘yung babae kung bakit siya nakipaghiwalay noon kay Simon. Sabi niya nga sa akin, magiging magaan daw ‘yung pakiramdam niya at makakawala na daw talaga siya sa nakaraan kung malalaman niya lang daw ‘yung dahilan kung bakit. Pero binawi niya rin naman ‘yun at sinabing na ayos lang daw na ‘wag na kasi ayaw niya na rind aw makita ‘yung ex niya.

“Ako na diyan,” ako niya sa buhat-buhat kong mga libro.

“Salamat.”

Dahil sa pago-open up niya sa akin, gumaan ‘yung pakiramdam niya sa akin, naging mas close kaming dalawa. Nakakatuwa nga eh kasi more chance of winning. His heart, of course.

At may naisip na akong paraan para makuha ko na talaga ng buong-buo ang puso niya.

---

Maniwala man kayo o hindi, ako ‘yung piniling magturo ng Math. Alam kong ‘di ako magaling, pero sa harap ng mga batang ‘to, ako ‘yung pinakamagaling. Simple arithmetic lang naman ‘yung tinuturo namin sa kanila eh. Addition, subtraction, multiplication and division. ‘Yung pangalawang nahuli ‘yung mahirap ituro kasi kailangan nilang magkabisa talaga ng sobra.

Pagkasapit ng lunch break ng mga bata, nakahinga-hinga na rin ako ng maluwag. Nakaka-stress talaga ‘yung mga batang nakikinig. Kahit na nakalagay na sila sa likod o kahit na pinaghiwa-hiwalay mo na sila, ang kukulit pa rin nila. Ang susutil!

“Ay, bastos.”

Nakangiting mukha ni Marielle ang sumalubong sa akin.

“Kamusta na kayo?” tanong niya habang hinahatid namin ‘yung mga bata papunta sa eating area.

I chuckled. “Wala chance na maging ‘kami’ ano.”

Napakunot siya ng noo. “Pero masaya ka?”

“‘Di naman porket walang chance susuko ka na ‘di ba?”

She let out a giggle. “Hanga talaga ako sa fighting spirit mo, girl.”

Ngumiti ako. “Kung gusto, maraming paraan.”

---

“Siguro dito na ‘yun,” bulong ko sa sarili ko.

Tinanong ko kay Simon kung sino ba ‘yung ex niya. Nung una ayaw niya pang ibigay pero madali lang naman pala siyang kulitin kaya binigay niya rin nung huli.

May babaeng lumabas sa pinto pagkatapos kong mag-door bell. Dalaga ‘yung lumabas. Feeling ko siya na nga ‘yung hinahanap ko.

“Nandyan po ba si Isabel Reyes?”

Pinagtaasan niya ako ng kilay. “Anong kailangan mo sa ‘kin?”

“‘Di ba pwede munang pumasok?” tanong ko sa kaniya.

Umirap siya’t pinapasok ako. Napapailing ako habang sumusunod sa kaniya. Pa’no kaya nagustuhan ni Simon ang isang babaeng mataray katulad nitong babaeng ‘to?

Dahil sinabi ni Simon na makaka-move on lang siya ng tuluyan kapag nalaman niya ‘yung dahilan kung bakit nakipag-break sa kaniya ‘yung ex niya, hinahap ko agad ‘yung ex niya, tatanungin kung bakit. Para makuha ko ‘yung puso ni Simon, kailangan niya munang makawala sa nakaraan niya.

“I’ll get straight to the point,” sambit ko pagkaupong-pagkaupo ko, “kasi marami pa akong gagawin mamaya.”

Pinagtaasan niya na naman ako ng kilay. “Sana ‘di ka na lang pumasok,” pagtataray niya. “Anyway, go.”

“Bakit ka nakipag-break kay Simon?”

She chuckled. It took her a minute bago maubos ‘yung tawa niya. “Isa ka ba sa mga na-‘mahika’ niya?” she joked. She sighed three times to settle her laugh. “Anyway, simple lang naman ‘yung dahilan kung bakit eh.”

“Ano?”

“Nagsawa na ako sa kaniya.”

Napasinghal ako. “Are you serious?” Natawa ako sa inis. “Nakipaghiwalay ka kasi nagsasawa ka na sa kaniya? I don’t want to be rude,” nagseryoso ako ng tingin sa kaniya, “pero ang tanga mo.”

“Ang dami ng nagsabi sa akin niyan kaya immune na ako.” She smirked. “But let me have the decency to explain why.”

I snorted.

“Nakakasawa siya kasi mahal na mahal niya ako,” paliwanag niya. “I mean, sobrang clingy niya! To the extent pa nga na nasasakal na ako sa pagmamahal niya.”

“Shouldn’t you be happy kasi ganyan siya ka clingy sa’yo, na mahal na mahal ka niya?” singit ko.

“I was,” sagot niya, “lalo na nung kakasimula pa lang namin. I longed for that feeling. Pero nung nagtagal na kami, nasakal na ako, nagsawa na ako. Sobra-sobra na ‘yung pagmamahal niya. Wala ng challenge. Wala na akong takot na baka iwan niya ako, na baka ma-bore siya sa akin or whatever. Nawala na ‘yun lahat. Kaya naghanap ako ng iba. Ibang tao na mas exciting kaysa sa kaniya. And I’m happy with my decision.”

---

I left her house once I got what I wanted. Inaya niya pa nga muna ako ng dinner eh pero tumanggi ako. Baka masampal ko lang siya sa sobrang inis ko.

‘Di ko kasi siya maintindihan. Mahal na mahal na nga siya nung tao pero pinili pa rin niyang iwan. Siguro may mga tao lang talaga na maarte, na mas gusto ‘yung may challenge, na mas magusto ‘yung mga lalaking pinaghihirapan nila.

Pero kung mahal ka ng isang tao, bakit mo siya ipagtutulakan palayo? You can always learn to love a person. Kaysa naman na maghabol ka sa isang tao na kahit minsan ‘di ka man lang nilingon, ‘di ka man lang pinansin.

Give Your Heart A BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon