The man who can't be moved

34.9K 864 32
                                    

(Pasensya na sa mga typo errors, I'll try to edit it ASAP)

The man who can't be moved




"Diba, sabi ko, ayoko? Can't you understand that, Louie? I already have told you for the tenth time! And could you stop following me?" Nagising na lang si Kurt mula sa pagkakatulog niya nang may nagsalita. Nasa garden kasi siya ng university, nasa isa sa mga benches na nakahiga at natutulog. Sa garden kasi, walang masyadong nagpupupuntang mga estudyante kaya napag-isipan niya munang doon na lang matulog ng kaunti dahil sa puyat niya sa part-time job niya.

Napaupo siya at napakunot-noo nang makita si Alice Santillan kasa-kasama si Louie Guevarra, leader ng Omega Sigma, isang notorious na fraternity ng uni nila.

"Bakit ba ang sobrang pakipot mo? Isang date lang naman ah!" biglang hinawakan ni Louie ang braso ni Alice ng mahigpit.

"Ayoko nga, diba? Can't you understand that simple words?"

"Pare." Parehas naman ang dalawa na napatigil nang tinapik ni Kurt si Louie sa balikat. Magkasalubong ang kilay nito na nilingon siya.

"Kurt de Vera?" nakakunot ang noo ng lalake nang makilala kung sino siya. Hindi maiwasan ni Kurt na matawa rito, ganun na ba talaga siya kasikat sa university nila? Pati mga lalake ay kilala siya. Pero nga naman, aminado siyang halos lahat ng lalakeng may syota ay galit sa kanya. Inaagaw daw niya kasi ang mga girlfriends nila pero hindi naman niya kasalanan kung madaling matukso ang mga babae.

"Oo, ako nga. Pero pare, kasasabi lang niya na ayaw niya sayo kaya iwan mo na lang siya." Natatawang saad niya naman dito.

Mas lalong dumilim ang mukha ni Louie. "Bakit ka ba nakikialam? Kaming dalawa lang naman ang nag-uusap dito kaya labas ka na."

Nagkibit-balikat lang siya sa sinabi nito. "Hindi naman ako nakikialam e. Ang sa akin lang, ayaw nga niya sayo pero hinaharras mo pa siya. 'Di naman tama yun."

"Anong sabi mo?!" bigla nalang kinwelyuhan si Kurt ng lalake at pansin niyang pikon na ito. Mabuti na lang talaga e magkasing-tangkad lang silang dalawa kaya hindi siya nagmumukhang kawawa. He was six foot two after all.

"Pikon ka kaagad e." hindi niya maiwasang matawa na naman. "Sige na, iwan mo na siya. She doesn't want to go out with you."

Binitawan na nito ang kwelyo niya. Magkasalubong pa rin ang mga kilay nito. "Hindi pa ako tapos sayo de Vera. Mag-ingat ka sa ming mga taga-Omega Sigma." Pagkatapos ay iniwan na nga sila nito.

Alice then cleared her throat. "S-Sana hindi mo na lang ginawa yun. I can manage." Anito na parang natetense pang kausap siya.

Kurt just smiled. "If that is your way of saying thank you, then you're welcome. Sige, alis na ako. Nagtext na sa kin si Pauline, tapos na raw ang klase niya. Nagpapasundo. Ge." He winked and went out.

Hindi naman maiwasan ni Alice na maitaas ang isang kilay niya rito. Mukhang si Pauline Roxas, isang volleyball player ng uni nila ang girlfriend na naman nito. Narinig niyang kakabreak lang ng isa pa nitong babae last two weeks tapos ngayon, may bago na naman. "Babaero talaga." She muttered.

---

"Pare, shit! Anong nangyari? Ba't may pasa ka sa mukha?"

"Fuck, pre! Sinong bumugbog sayo?"

Napahinto si Alice sa pagbabasa niya nang marinig niya ang isang grupo ng kalalakihan sa cafeteria. Nandoon kasi siya para magsnacks. Katatapos lang kasi ng klase niya kaya naisipan niyang doon muna magpalipas oras.

Chasing Alice (Finished)Where stories live. Discover now