After Seven Years

74.1K 1.3K 47
                                    

 

After Seven Years


"I like you, Alice. And if you're willing, I want you to go out with me so you could know me better more than just being your loyal client."

Muntik namang maibuga ni Alice ang iniinom niyang iced tea sa pabiglang pagtapat sa kanya ni Sean Rivera. Matagal na kliyente na niya ito sa Santillan Pharmaceutical Corp. Si Sean Rivera kasi ang may-ari ng Rivera Private Hospital at regular ang ospital nito na kumukuha sa kanila ng mga gamot. Marami kasi siyang kompayang minamanage dahil sa pagsisikap niya kasama ang nakakabatang kapatid niyang si Axel. Nang mamatay kasi ang mga magulang nila dahil sa aksidente noong 18 years old pa lang siya, kahit bata pa, sa kanya lahat napunta ang mga pinanghahawakan nito, ang Santillan Luxury Group—apparently because she was the eldest.

Dalawa lang kasi sila na anak ni Alejandro Santillan, her dad and the founder of Santillan Luxury Group. Ang nakakabatang kapatid naman niyang lalake, si Kier Axel ay high school pa 'nung mamatay ang mga magulang niya kaya sa kanya talaga napunta lahat ng responsibilidad. And because she loves her brother so much, kaya nagsumikap siyang itaguyod at hindi mabankrupt ang Santillan Group kahit college palang siya nang maging CEO na siya.

For all those years of her hardship, Santillan Luxury Group became very prominent in the business industry. Maraming kompanya na ang hinahawakan ng Santillan Group, maparestaurant, hotels, construction and so on. Dahil sa sipag at tiyaga niya, napalago niya ang group. Dahil na rin siguro ay sa US siya mismo grumaduate ng college kaya malawak talaga ang kaalaman niya in terms of business. Now, she is very famous in the country for being the top female who has a very huge net worth.   

Kasali na rin ang Santillan Pharmaceutical Corporation sa iilan na kompanyang pinagmamay-ari niya.

Nasa isang restaurant kasi sila ni Sean nang bigla siya nitong tinawagan na may sasabihin daw itong importante sa kanya doon.

After his confession, she forcefully smiled at him. "E-excuse me?"

She heard him breathed hard, "Alice, gusto kita. I knew, you've been single already for almost seven years. I background checked you. You only had one boyfriend and after that, wala na. So, I bet it'll be alright."

Naitaas naman ni Alice ang kanang kilay niya dahil sa sinabi nito. Yeah, Sean would be a woman's ideal man. Sean is a doctor, surgeon to be exact. 32, good-looking, rich tapos mabait. Kaso nga lang, pakielamero, privacy trespasser. Her mind said. Oo, masyado itong mabait tapos pinakielaman pa ang past relationship niya. Wala na yata siya ritong privacy kasi parang stalker ang kinalabasan ng lalake sa kanya. Parang obsessed. Definitely not her type.

She was enough of it. Ayaw na niya. She already learned from her mistakes. "Uhm, I'm really sorry Dr. Rivera. Well, yeah, you could be an every woman's dream, it's just that.. you're not my type." She tried not to be rude at him. Mas mabuti ng maging straight to the point na siya kaysa naman umasa pa ito sa kanya.

Kumunot naman ang noo nito, "W-Why? I'm good, handsome, rich, pero bakit ayaw mo sa kin?"

She was surprised at what he said. Yabang! "Well, kaya nga that's why. NASAYO na ang lahat, ayaw ko ng ganun." she emphasized the word 'nasayo' sarcastically. Mas lalo tuloy siyang naturn-off. Masyadong hambog ito.

Amusement formed on his eyes. "Wow. Masyadong mataas yata ang standards mo, Jean Alice. Kaya siguro iniwan ka ng boyfriend mo years ago at walang nanligaw sayo. Tatanda ka ng dalaga niyan."

Nagkasalubong na ang mga kilay niya. This guy is already below the belt. He doesn't know the real story. "You don't know the real story, Dr. Rivera. So please, if wala ka ng importanteng sasabihin sa kin, I'll go now." She stood up from her seat. Naiirita na tuloy siya sa pagmumukha nito. Mas lalo tuloy niyang naisip na mas okay ng maging old maid kaysa naman ito ang makatuluyan niya.

Chasing Alice (Finished)Where stories live. Discover now