Chapter 59 ♥

75 2 1
                                    

~Claire's POV~

Hindi ako mapakali ngayon. Pinalano ba ito ni Owy?  Kainis naman.

Umorder na sya para sa aming dalawa.  And silence is still deafening.

"Like the food? " basag niya sa katahimikan. 

Napatingin naman ako sa kanya at tumango.  Napatango din siya sa sagot ko. 

"Ahmmm... What are we talking about?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko alam kung ano pa ang pwedeng gawin sa katahimikang ito.  Ang tunog lang kasi ng mga kubyertos ang naririnig ko.

"Ahmmmm. Kamusta ang Paris? " tanong niya sa akin. 

"ahmm.  Fine." o' ano tapos na? 

Tumigil na muna ako sa pagkain. Para makapag-focus.  Pag nakapag-usap na kami tapos na.  Uwian na.

"Ahhm. Ikaw? Kamusta? " tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman siya bago sumagot.

"Doing good. Bale itu-turn over na ni Dad ang company sa aming magkapatid by next month I guess."

Talaga?  Isn't he too young for that?  Siya ang panganay kaya alam kong siya ang mamumuno. 

"then,  congrats in advance." sagot ko at inabot ang juice para uminom. 

"Ikaw,  are you staying for good?" muli niyang tanong sa akin.

Pinunasan ko muna ang aking bibig bago sumagot. 

"Siguro not sure.  Lolo gave me a house in Paris.  Maganda din dun.  May garden at medyo malayo sa main city."

Napansin ko ang pagbabago sa kanyang expression pagkasabi ko nun.  May mali ba akong nasabi? 

Natapos ang pag-uusap namin na awkward pa rin hanggang sa huli. 

"Ihahatid na kita." alok niya sa akin. Medyo nagulat naman ako.

"ha?  Hindi na. I can manage na naman. You can go ahead." sabi ko sa kanya. 

"No.  I want to give you a ride." may pinal na tono sa boses niya.

Is he bossing me around. Umiling ako bilang pagtanggi sa kanya.

"Wag na. Ok na."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"I insist. Hindi ako mapapakali hanggang hindi kuta naihahatid sa inyo at nakitang nakapasok ka na sa bahay nyo. "

Ano daw?

"Inutusan ka ba ni kuya? " nagtatakang tanong ko sa kanya. He wouldn't be like this unless my brother asked him to look and check on me. 

Nakita ko ang pagka-irita sa kanyang mukha. Bakit parang siya pa ang nagagalit? 

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at maingat akong isinakay sa kotse niya.

Right now I'm here sitting on the shotgun seat.

Tahimik ako nang pinaandar niya ang kotse. Then a sudden break happens. Dahil may biglang sumulpot na kotse sa may intersection.

Dahil nalimutan ko pala ang seatbelts kaya halos mapasubsob na ako sa unahan.  Napatama ng konti ang noo ko.

"Sh*t! I forgot!  " malakas niyang bigkas. 

Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at parang ichinecheck ang noo ko. 

"I'm sorry. Did you hit your head?" tanong niya sa akin at tumango ako. 

"I'm sorry. I forgot." naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. 

Biglang kumabog ang puso ko. What did just happened? 

Bago ako mahulog ng malalim sa mga iniisip ko. Lumayo ako ng konti sa kanya pero ang mga kamay niya ay nasa parehas na balikat ko pa rin.

"No.  It's my responsibility na ikabit ang seatbelts.  Wala kang kasalanan."

Hindi ako makatingin sa knayang mga mata.

"No. Sh*t! What if it is an accident. Pwedeng malala ang nangyari."

And again for the second time, kumabog ulit ang dibdib ko nang yakapin niya ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Kuya's Bestfriends ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon