Chapter 55 ♥

234 12 6
                                    

~Claire's POV~

"Hello?"

Nagpunta ako dito sa kusina para maka usap ko ng maayos si Raven.

[Ano bang trip ang meron ka? Kanina pa ako nag aalala! I told you to call me.]

Patay! Sabi na nga ba ratatatata. sermon na naman ako.

"I'm sorry nalimutan ko kasi eh."

[Halos mabaliw ako dito.]

"Eto naman sorry na."

[Nandyan ba sya?]

Ha? Sinong sya?

"Who?"

[Yung ex mo.]

Ex? Ahaha xD

"I told you. he's not my ex."

Lagi syang ganyan mula nung nai-kwento ko ang about sa amin ni Oliver.

[If hindi mo kaya sabihin mo lang pupunta na agad ako dyan.]

"I'm ok. Saka I already moved on."

[Ok. Lalo akong tinambakan ng trabaho ni Papa. Mahihirapan yata akong makauwi.]

"Ikaw ha. Baka pinapagod mo yang sarili mo ha. Pag ikaw nagkasakit babatukan pa kita. Don't push yourself ha."

"Claire!"

Tawag sa akin ni KC. Papunta sya dito sa pwesto ko.

"Wait a minute Ven. Don't hang up."

"Hi Claire." Bati ulet nya. She's a nice girl talaga. Halata naman eh. No doubt kung magugustuhan sya ni Oliver.

"You need anything?"

Baka may kailangan sya dito sa kusina.

"I'm ok. Kukuha lang sana ako ng juice."

"Ok."

"So, Claire are you staying here for good?"

"I think so. Kailangan ako ng company namin. And I wanna pursue my career here in the Philippines."

"KC! Bakit ang tagal mo." Alam kong boses ni Oliver yung tumawag.

Ilang saglit lang nandito na sya sa kusina. Nagkatinginan kami and I just smile. Lumapit sya kay KC and KC to him as she links her arm to Oliver.

"Sorry Babe. Nag uusap lang kami."

sagot ni KC.

"Hi Oliver." bati ko sa kanya. Hindi ako bitter.

"Hi." he answered back

Pakiramdam ko may tensyon parin between us. Nevermind.

"Claire. Lahat sila lagi kang i-kinukwento sa akin."

"I hope puro magaganda ang sinasabi nila. Diba Oliver? Baka ikinukwento nila, yung mga katigasan ng ulo ko. Hindi naman siguro,ano?"

"Don't worry. Puro positive ang mga sinasabi nila."

Shomayyy! Nasa linya pa rin pala si Raven! Narinig nya yung mga usapan namin.

"Excuse me ha KC, Oliver. May tao pa pala sa linya. Akyat lang ako. Oliver help her to get some drinks."

Iminustra ko yung phone ko indicating na may kausap pa ako. At umalis na ako.

[What the hell was that?! Ayun ba yung ipinalit nya sayo? Bakit ka nakikipag usap sa kanila?!]

"Raven please. I'm ok. Wag naman kayong ganyan. Kayo yung nagpapaalala sa akin nung mga panahong mahina ako. So please."

Pagkarating ko sa kwarto ko humiga agad ako sa kama ko. I miss my bed.

[I'm sorry. I should have let you do the things the way it should be. Sorry kung nasasaktan ka sa ginagawa ko.]

Oh no! Iba na naman ang iniisip nya.

"Raven let me clear this. Hindi ako nasasaktan sa ginagawa mo and I just want you to trust me. Please. Masakit na yung ulo ko jetlag siguro to. Matutulog muna ako."

[Ok. Sorry again. Take a rest and si Cody nga pala, isasama ko pauwi dyan.]

Talaga?! Paano? Bakit ba pinoproblema ko pa. Siya na bahala dun.

"Really?! Thank you!"

[Matulog ka na.]

[A/N: I'm starting to like Raven for Claire. Is that a bad thing? What do you think guys?]

My Kuya's Bestfriends ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon