Chapter 58 ♥

55 1 5
                                    

~Claire's POV~

Nandito na kami sa mall ni Raven.

Nakakatuwa lang at halatang inis na inis na sya. Dahil hindi sya makapag-enjoy dahil hinigit higit ko na lang sya sa iba't-ibang store.

"Claire, ang dami na ng nabili mo, wala ka namang balak magtayo ng sariling boutique ano?" Tanong niya.

Kaya hinablot ko na yung mga paper bags na hawak-hawak nya. Reklamador naman tong isang to!

Nagulat sya sa ginawa ko. Inunahan ko na rin sya sa paglalakad. Baka kasi nahihiya at nagmumilhang alalay ko.

"Galit ka ba?" Sabi nya habang hinahabol ako sa paglalakad.

Pumasok ako sa isa pang store. Tindahan ito ng mga sapatos.

"Claire." mahinahong sabi nya na may paghawak pa sa braso ko.

Hindi ko pa rin sya pinapansin.

"Miss can I take a look at that one?"

Tinuro ko sa sales lady yung isang red stilletoes. Sa estimate ko mga 3 inches ang haba ng heels nun.

Wala naman akong hilig sa mga heels dati pero nasanay na akong magsuot ng ganito dahil ganun naman ang kalimitang awra sa Paris.

Your kind of fashion will define you.

Umupo ako sa mini seat na nasa aisle ng store.

Bago ko pa mahubad ang sapatos ko ay naunahan na ako ni Raven tinanggal na nya ito at kinuha na sa sales lady ang red stilletoes at sinuot sa akin.

Kasya naman.

"We'll get this." Sabi nya sa sales lady.

"I don't like it." Inis ako sa kanya kaya paninindigan ko.

Pero hindi ko napigilan ang pagbili nya sa sapatos. Habang nagbabayad sya ay lumabas na ako at hindi na sya hinintay. Wag syang mag-alala bitbit ko naman ang mga una kong pinamili.

"Claire." Tawag nya muli sa akin.

Yung tingin nya sa akin ay parang nagmamakaawa na.

Manigas ka dyan.

Wala pa akong balak makipag-bati.

Pumasok naman ako ngayon sa isang resto. Sabi sa labas they're serving authentic italian dishes. Namiss ko kasi biglang kumain.

Pagpasok ko ay iilan-ilan pa lang ang customer. Ang ganda ng ambiance dito dahil pakiramdam ko nasa usual eating place lang ako ng Paris.

Umupo ako sa isang table na medyo nasa gilid. Ganun din si Raven.

Hindi ko naman inalok..

Inabutan ako ng menu ng waitress nila.

"I'm fine with carbonara." Tinamad na rin kasi akong tumingin sa menu.

Nakakita lang ako ng mga italian words nahihilo na naman ako.

Ganun din ang inorder ni Raven.

"Miss just please remove mushrooms in it. Thank you."
Sabi nya sa waitress na nagpapacute sa kanya.

"Is that all sir?" Tanong ulet nubg waitress.

"And 2 pineapple juice." Dagdag ni Raven sa order.

Alam nyang hindi ako nakain ng mushrooms. Dati si Oliver ang nagsasabi sa iba pag kakain kami na hindi ako nakain ng mushrooms.

Erase. Erase. Erase. Wala na si Oliver. Friends na lang kayo. May girlfriend na sya. Pwede ba?!

"Claire. Sorry If I have offended you earlier."

Naku Raven!

"Please. I'm sorry. Kahit bilhin mo na yung buong department store hindi na ako magrereklamo." Hingi nya ulet ng sorry.

"Babayaran ko lahat ng nagastos mo sa akin ngayon. Hayaan mo lang akong makapag withdraw hanggang bukas."

Parang paiyak na sya. Bahala ka sa buhay mo.

"Claire. Wala akong pake kahit maubos lahat ng pera ko mailibre mo lang ako."

Ano daw? Hindi nya ako madadaan dyan sa mga libre libre nya.

"Ayoko. Galit ako."

"Sorry na. Please. Di ko sadya yun."

Nagmamakaawa na sya. Sige na nga baka umiyak pa sya.

"Ok. Apology accepted."

After naming magmall ay umuwi na din kami. Wala na sila Oliver sa bahay pag-uwi.

"Claire, I have a business trip this week. Kaya ikaw na munang bahala sa bisita naten." Bilin sa akin ni kuya Cav habang nag-iimpake.

"Sure kuya."

"At may maiiwan akong meetings dito.  Pwede bang i-handle mo muna? "

Tanong ni kuya na parang may kasunod pa ang mga sasabihin nya. 

"Sure.  Tutal, umuwi naman ako para tulungan ka dito. Anything kuya."

Pero napansin kong medyo malalalim ang iniisip nya. 

"Thank you. Alam ko namang makakaya mo ang mga iiwanan kong gawain throughout the duration ng business trip ko."

Kinakabahan ako.  Parang mahirap yung mga ipapagawa ni kuya. 

Tama ba na umoo ako? 

Lumapit si Kuya sa akin at humalik sa noo ko. 

"Goodnight Claire." Saka sya naglakad paakyat ng hagdan. 

"Goodnight."

Huwag muna dapat akong kabahan sa pagmamanage sa company habang wala siya. 

I need to sleep.

Bago pa ako makahiga sa kama ko ay tumunog ang phone ko senyales na may nagtxt. 

Si.....

Oliver.  

My Kuya's Bestfriends ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon