Student........again!

196 4 1
                                    

"Since you enrolled here in this course, I presumed you believed that you considered yourself as intelligent people."


Yan ang entrada kanina ng isa sa aking instructor pagpasok nito sa classroom. Nang marinig ko iyong sinabi nito, ang nasabi ko lang ay, "Hala! Ano ba itong napasok ko? Kumuha ba ako ng batong ipupokpok sa sarili kong ulo?"

Hay naku! Grabe talaga! Di pa rin ako makapaniwalang back to school ako at back being a student. But now, I am a working student. Lagi kong iniisip, kaya ko ba ito? Kaya ko bang pagsabayin work at the same time study? Syete talaga! Hindi ba ako nagsasawang mag-aral? Pero kasi, lahat ng nakapaligid sa akin, laging sinasabi that I should do everything na daw habang bata pa lang. At sang-ayon naman ako dahil sayang din ang oras. Maximize time ika nga. Pero sa totoo lang, nakakapagod pala pagsabayin work at studies. When I was in college for my undergrad, I did not work the entire 5 years of my studies. Scholar ako eh. Scholar ng parents ko. Mwahahaaha! But seriously, saludo na ako noon pa sa mga working students na pinagsasabay work at studies. Lalo na ngayong nararanasan ko na din iyon. Ang hirap pala na magwowork ka ng 8am to 5pm then papasok ka ng 5:30 to 7:30 everyday at maghapon pa ng Saturdays. Tapos sa gabi you need to read pa. Mamatay na yata ako! Joke!

Pagpasok ko sa first day namin, nakakatense at nakakapressure. Lalo na pag ang mga classmates mo ay mga hebigat na! Hala talaga! At ang lakas pa ng loob kong magfull load ngayong sem. God bless me! Ang pahinga ko na lang siguro ay ilang oras na tulog dahil kailangan talagang magbasa sa course na ito. Hindi puwedeng hindi. Hahaha. Habang sinusulat ko nga ito, katabi ko ang pagkadami-daming hard bound books na ewan kung mababasa ko ba talaga. Kung meron lang akong Doraemon, hihingin ko sa kanya yung tinapay nitong iprepress lang sa page ng libro at pag kinain, memorize na yung content. Wow! Two birds in one stone. Tataba na ako, nakamemorize pa ako! Galing! Pero walang Doraemon, kaya sorry na lang ako. Sariling sikap lang talaga ulit.

Memorize this, memorize that. Word for word. Twenty one cases to digest for an assignment. Mygolly talaga!

Kaya, if I need to sacrifice something from my daily activities, I'm gonna sacrifice wattpad. Not really na tuluyan ko na itong iiwan but hindi na ako gaanong magiging visible dahil ang dami ko talagang babasahing makakapal na books. Josko lang!

Pero kaya ko ito! Aja! Aja!

LYFAVIE

Posted: June 16, 2012

P.S. I want to read this after 4 years and I will see myself smiling while reading this entry.  Crossing my fingers!

RandomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon