Story #3 Chibita!

273 8 4
                                    

=================================================================

Ly's random rant: Ano ba itetch! Bakit nagiging parang series na tungkol sa family nina Jaja at Joi-joi? Hahaha... Ayaw ko naman gawing full length story since random random lang lahat ng scenes...But sila pa rin ginagawa kong bida dahil natutuwa ako...hahaha..

And dedicated to you @aalizwell33 dahil ikaw lang nag-iisang tao sa wattpad na naglakas loob basahin itong RANDOM articles, stories, at kaekekan dito... hehehe... XD

=================================================================

I'm grounded! >_<

Grounded ako dahil ako sinisi ni Mommy dahil nakakain ito ng kaning aso. Ako kasi naglagay sa fridge nun eh. Malay ko bang kakainin ni Mommy yun?

Kaya ngayon, ako ang naatasang magbantay sa aking makulit na pamangking si Chibita. Bale anak ito ng panganay na kapatid namin na si Kuya Vince.

"CHIBITA! Stop doing that.... Ako nahihilo sa iyo eh." utos ko dito at hinawakan ko ito para magstay still. Kanina pa kasi ito paikot-ikot sa di ko malamang dahilan. Alam niyo kasi, may pagkaweird itong pamangkin kong ito. Nagmana sa siraulo kong Kuya at sa luka-lukang asawa ni Kuya ko na si Ate Bangs. Buti na lang at maganda si Ate Bangs at siyempre - ehem- maganda at guwapo din lahi namin kaya lumabas pa ring pagkacute cute nitong si Chibita. Unang napapansin kacute-an nito na parang isang munting anghel. Di lang nila alam may pagkagremlin itong si Chibita. Five years old lang ito pero kung magsalita parang ang tanda na. Ang daldal din kasi nito eh.

"No Tita Ganda!" Hehehe...Tita Ganda talaga tinuro ko sa kanya....Hehehe... "I want to make ikot-ikot. I want to become a tornado!" Nagpumiglas ito sa aking pagkakahawak at muling umikot-ikot.

Tornado? Ano na namang nakain nitong batang ito at gusto nitong maging ipo-ipo?

"Ah... Uhm....Why don't you become a flower instead?" urge ko dito.

Tumigil ito sa pag-ikot at tumingin sa akin.

"Flower?.....How can I be a flower Tita Ganda?" excited itong lumapit sa akin.

Napaisip ako sa tinanong nito. Oo nga! Paano nga ba? Bahala na!

"Yun ba? Just sit quietly here in my side and smile... You'll beome beautiful flower!" pang-uuto ko dito. Bwahahaha!

"Really?!"

"Oo nga... Sit na..." utos ko dito habang binalik ko tingin sa TV.

"Okay...." sabi ni Chibita at tahimik na umupo sa aking tabi ng nakangiti.

Buti naman at sumunod. Bait ni Chibita ngayon ah. Behave.

After ilang minutes, muli akong bumaling kay Chibita. Nakapaskil pa rin ngiti sa labi nito pero parang napipilitan na lang. Napangiwi ako sa itsura nito.

"You can stop being a flower now." sabi ko sa kanya.

Pagkasabi ko nun ay agad itong sumimangot sa akin.

"Tita Ganda, I don't want to become a flower anymore. It's hard."

"So, ano ng gusto mo ngayon?"

Pagkatanong ko nun, agad nitong kinuha daliri ko at kinagat.

"OUCH!! Anong ginagawa mo Chibitaaaaaaaaaa?!" hinablot ko yung daliri kong kinagat nito. "Bakit mo ako kinagat? Aso ka na ba ngayon?" di makapaniwalang tanong ko habang sapo ko ang daliring namamaga na yata dahil sa pagkakagat ni Chibita. Wala naman sigurong rabies si Chibita di ba?

RandomWhere stories live. Discover now