Muntik Na

124 4 2
                                    

Muntik na akong..... masubsob! 

Hahaha...

Alang kuwenta post kong ito.

Share ko lang story na nangyari nung isang araw, medyo delayed kuwento na nga ito eh. Hindi lang ako makaget-over dahil kakatawa talaga at kakahiya na rin nangyari.

Kasi ang klase namin 5:30 pm to 9:00 pm. So alis ako office ng mga five pm. Pagdating ko sa tapat school, uwian na nila. Most of them ang dismissal ay five pm rin. 

Ang dami talagang students. Hirap makipagsiksikan sa may gate. Ang ganda-ganda pa mandin outfit ko. With all the the heels and corporate attire. Oh di ba, mukha talaga akong kagalang-galang. Naks.

Ewan ko kung anong nangyari. Masyado ko yatang feel yung heels ko at hindi ko nakita yung dinaraanan ko. May konting butas pala! Sumabit dun yung heels ng shoes ko. As in literal na muntik na akong mapasubsob kung hindi lang ako maagap. The funny thing was, nung muntik na akong mapapasubsob, everyone in the main gate gasped. Sabay-sabay pa ha. Parang tumigil ang ikot ng mundo at sa akin nakatingin lahat. Siguro nung aktong mapapasubsob ako, they assumed na mapapasubsob ako at makakakita na sila ng babaeng nakacorpo na napasubsob. Hahahaha... Pero sorry to disappoint them, hindi yun nangyari. May presence pa rin naman mind ko nun.

But, kahiya pa rin yun ha. Gusto kong takpan face ko nung time na yun. Kaya after nun, nagkunwari akong walang nangyari at lakad pa rin papunta sa building namin. Hindi man lang ako lumingon. Parang wala lang. Deadma na.

Pagdating ko sa classroom, saka ko lang chineck paa ko. Nasira yung shoes ko! At medyo sumakit yung ankles ko. Buti hindi talaga ako nabalian. Pero okay na yung sumakit yung ankles ko kaysa naman buong face ko sumakit dahil sa pagkakasubsob.

Lesson learned: Laging tumingin sa dinaraanan. ^^

Nangyari na ba sa inyo ang ganito? :)

RandomWhere stories live. Discover now