Story #1 Comfort Room :)

331 8 4
                                    

"Ate, saan ka pupunta?" tanong ni Jaja sa ate niyang si Joi-joi.

Nasa mall sila at galing sa pagshoshopping.

"Sa Comfort Room...Saan na ba kasi iyon dito?"

"Hindi ko rin alam eh....Teka, ayun yata oh...Oo, dun nga ate..."

Nagpunta sila ni Ate dun. Tuloy-tuloy silang pumasok sa loob at pumasok sa cubicle.

Pagkalabas nila, sabay silang nag-ayos sa harap ng salamin.

"Ja, andami nating napamili ngayon ano...For sure magusutuhan ni Mommy itong mga binili natin for her." sabi ni Ate whil combing her hair.

Naglagay ako ng lip gloss sa labi bago sumagot. "Oo... Favorite color niya yung purple eh. Kahit ano naman basta may purple gusto ni Mommy. Hihihi..."

"TOMOOOOOOOO!"

Tapos biglang may pumasok.... Napamulagat kami ni Ate! O_______O

Baket?

Dahil lalaki yung pumasok!

Nagulat din ata yung lalake nung makita kami.

Sh!T talaga! Nung pinansin namin for the first time yung CR na pinuntahan namin ni ate, it's for MALE nga! Ngayon lang namin napansin yung parang toilet na panglalaki. (basta yung nasa wall na para sa mga lalake...hehe...di ko maisip name eh.)

Tingin ng tingin yung lalake while nag-aayos kami ni Ate.

Kami naman ni Ate nag-eye to eye contact. Parang bang naiisip mo naiisip ko B1? Oo naman B2? hehehe....

"AY BAKLA! MAY PAPA!" pinatinis ni Ate boses nito at nag-astang bading.

Muntik na akong bumulanghit ng tawa dahil sa ginawa nito. Hahahaha.... I know ate! Naintindihan ko... Hahahah...

Kunwari tumingin ako sa parte nung guy! My my my! Guwapo nga... hahahah....

"AYIEEEE! BAKLA! PAPABLE NGA! Hihihihi!" exaggerated kong sagot. Nagpakabading na rin ako! Mwahahahah! Kung ito lang paraan para malusutan namin ni Ate ito, why not?

"Puwede na ngang pang lafang ang feyzlalu niya gurl! Kunin mo number! GORAH!"

Tumingin ako kay ate.... Hahahaha... Parang gusto talaga niyang kunin number ng guy. Ikaw ate ha!

Lumapit iyong guy sa washing area kung nasaan kami at nag-excuse.

'"Excuse me..." tapos naghugas ito ng hands.

Wow! Hygenic siya... Hahaha...Napaisip tuloy ako bigla sa iba? <isip> .........Yuck!

"Hi POGI!" maarteng tawag ni Ate kay guwapo.

Sinaniban nga yata si Ate ng kabadingan dahil kinausap nito yung guy na mucho guwapito. Pag sinabi kong guwapo - mas guwapo pa sa lahat ng nakita niyo na!

Hindi sumagot yung guy.

Pinandilatan ko si Ate Joi-joi. Tinawanan lang ako ni ate at muling kinausap si guwapo.

"SUPLADO MO NAMAN POGI OH...." di pa rin sumusuko si Ate. Hahaha

Tinignan ito ng guy. Una sa mukha ni Ate. Sunod dun sa dibdib nito. Lol...Alam ko na naiisip mo pogi. Akala niya siguro, retokado. Lmao!

"Sorry... but di ako pumapatol..." masungit nitong sagot bago umalis.

Pagkaalis nung guy, sabay kaming natawa ni Ate.

"HAHAHAHAHAHHAHAHA!"

"BWAHAHAHAHAHAHAHAH!"

"Ikaw ate ha! Type mo pa yata talaga iyon!"

"Wahehe...Crush ko lang naman...Mygod! Akala ba niya talaga mga beki tayo?" di makapaniwalang sabi ni Ate. "Itong diyosang face nating ito?"

"Hahaha...halika na nga ate....lumabas na tayo dito...baka mamaya may pumasok pang iba." tawag ko dito habang mabilis kong inaayos mga gamit at pinamili namin.

"Tara na nga...Baka kung sino pang guwapo ulit makita natin at kailangan nating magpakabading uli." Natatawang sagot ni Ate Joi-joi.

=========================================

This is the product of my mental block XD Lmao!

=========================================

RandomWhere stories live. Discover now