∆Special Chapter∆

28 2 9
                                    


-Most Unforgettable Date-

Janiella's PoV

Mga isang oras na din ako dito sa banyo. Shempre date ko ito. Kelangan kaaya-aya. Manlalait pa naman ang boyfriend ko. Juice ko. Kinakabahan po ako bakit ganito.

"Hooyy! Babaee!! Bileeess! Yung boypren mo andito naaa!!" sigaw ni Leigh mula sa sala. Kaya naman binilisan ko na at nagbihis. Simple lang ang suot ko ngayon.

"Elllllaaaa!" angkulet!

"Sandaleeee!"

Kinuha ko na ang shoulder bag ko at rumampa na palabas. Aigoo  juice ko! Ang gwapo niya ngayon!

Walang umiimik sa amin. Inalalayan lang niya ako palabas at pinagbuksan ng pintuan ng kotse. "Sakay."

Kaya naman sumakay na ako. Sa totoo lang, ang awkward sa pakiramdam. Parang di kami close. Tsk! Ano ba kasing naisipan ng taong to?

Nahalata ko na papunta kaming village nila kaya tinanong ko. "T-teka bat dito sa bahay niyo?"

"Tss. May kukunin lang ako." tska niya pinark ang kotse at bumaba. Sumunod naman ako.

"Ella Unnie!" biglang sigaw ni Sienna sa akin. Kasama niya si Jacob. Ang cute nilang tignan magkasama. "Ayie! May date sila ni Kuya! Wahh!" tili niya at nagtatalon talon. Ang cuuttee!!

"Uy dahan dahan! Baka matumba ka." suway naman sa kanya ni Jacob. Ang cute talaga nila. Napapangiti akong parang timang dito.

"Hoy hoy Jacob! Tigilan mo nga si Sienna! Ang bata mo pa! Kadiri ka layuan mo nga!" sita naman ni Ren na binuksan talaga ang bintana mula sa loob para suwayin ang kapatid.

"Tsk!" asik ni Jacob at kumamot sa batok. Si Sienna naman ay sumimangot. "Hey noona. Enjoy your date." sabi niya bago pumasok sa loob ng bahay. Sumunod naman ako dahil nandon na si Novi. Sumabay naman sa akin si Sienna papasok.

"You know what unnie? Nagtataka ako kay kuya kung bakit ang ganda ganda ng ngiti niya nung dumating siya. Tapus sinabi niyang girlfriend ka na niya?! Waaaahh! Kinikilig akoo!" at tumalon talon ulit siya.

"Hehehehe." nag fake laugh na lang ako.

"Gosh! How are you two po?" tanong niya.

"Ah eh ano kasi eh. Feeling ko hindi kami close." napakamot naman ako. Nubayan! Ang awkward!

Umupo muna kaming dalawa sa sofa bago nag usap. "Kasi unnie may sinasabi si Kuya kagabi eh. Nag woworry daw siya kung baka hindi mo siya mahal. Kasi nga po diba I heard na kakabreak niyo lang po ni kuya Lucas." nag aalalang sabi naman niya. "Kasi dika pa  nga po pumayag na magpaligaw kaya sabi ni kuya na kayo na daw? Walang ligaw-ligaw? Ang torpe talaga ni kuya. Tsk."

Eh diba boyfriend ko na si Novi edi dapat mahal ko. Ganun naman yon talaga diba.

Pero totoo naman kasi. Di ako nagpaligaw kasi naman kakabreak lang namin ni Lucas. Hay! Ang gulo! May feelings ba ako kay Novi? Gwapo siya, check! Fanboy, check! Mabait? Molla. Hay! Ang hirap mag desisyon! I give up! I give up!

"Oh unnie anjan na si Kuya. Enjoy your date! Kuya pasalubong ah?" at nagpacute si Sienna sa harap ng kuya niya. Tapos si Novi naman hinila palapit si Sienna at hinalikan sa noo. Aaww ang sweet pala nilang magkapatid.

"Okay. One set Baekhyun's poster will do?" spoil naman ng kuya sa kapatid. Ngumiti naman ng malapad si Sienna.

"Let's go?" nagulat ako dahil nag iba na yung aura niya! Nakangiti na siya! Kaya naman ngumiti din ako at inabot yung kamay niya.

"Kyaaaahhh!" narinig ko din na tumili si Sienna bago kami makasakay ng kotse. Pumunta kaming Mall at tumigil sa food court para kumain.

"Hey." basag ni Novi sa mabigat na atmosphere.

BEING A FANGIRL 1(COMPLETED✔)Where stories live. Discover now