Chapter 7

26 5 8
                                    

Jacob po sa taas


-Now choose. EXO or me?-


Janiella's PoV


"Sige ingat! Sa uulitin!"


Nag paalaman muna kami bago nila paandarin ang van.  Inihatid kasi nila kami hanggang sa main gate ng village na tinitirhan namin.


Habang naglalakad, inopen ko ang cellphone ko na ni-shot down ko habang nasa concert kami. Ngayon ko na lang ulit bubuksan.


34 Missed calls from LUCAS.


1 Unread Message.


Ay lagot! Hindi ako nakapag paalam sa kanya! Binuksan ko na yung message niya at binasa ang nakalagay.


"Hey Janiella. Seems like you forgot our 2nd monthsary. Are you busy again with your fictional husbands? Well, I just want to say to you that I'm here in front of your house and I'M NOT LEAVING UNTIL YOU COME BACK. Let's have a talk. Let's clear the mess."


Bigla akong kinabahan ng sobra nang pagkabasa ko sa message niya. Kaya naman lakad-takbo na ang ginawa ko para mabilis akong makarating sa bahay. Si Leigh naman ay nagtataka sa inaasta ko.


At doon ko nadatnan si Lucas. Kusa na lang tumulo ang luha ko nang makita ko ang hitsura niya. Nakaka awa siyang tignan. May mga nagkalat naman na bulaklak na batid kong nanggaling sa bouquet na nakakalat. May box din siyang hawak. Nakaupo siya at yakap ang tuhod.


Hindi pa siya kumain?


Ano ba ang pag uusapan namin? 


"Hala Lucas anong ginagawa mo sa sarili mo?! Tumayo ka nga jan!" si Leigh at inalalayan si Lucas na tumayo. Ang hina na niya. Ako naman ay nabato sa kinatatayuan ko. Diko alam kung paano ako kikilos ng ganito ang hitsura niya.


"L-lucas.."  usal ko.


Tumawa naman siya ng mahina. "Bakit mo nakalimutan?" alam kong yung monthsary namin ang tinutukoy niya.


"Kumain ka na ba? H-halika s-sa l-loob. Tara k-kain ka muna." umiiyak pa rin na usal ko at lumapit ako sa kanya pero humakbang siya palikod. Ano bang nangyayari sa kanya? Kung maka-asta siya ngayon akala mo naman kung may malubha akong sakit na nakakahawa.


"Wag kang mag alala. Kumain naman ako eh. Tska uminom..." napatingin naman ako sa likod niya at doon ko napansin ang mga bote ng beer na nasa anim.


"Bakit ka naglasing?" sinubukan ko siyang tanungin.


"Wala lang. Gusto ko lang gumaan ang pakiramdam ko. Mga dalawang gabi na din ako dito eh.." tska siya ngumiti ng mapait.


"Ang tagal mo n-naman? Bakit di ka umuwi?" 


"Shempre. Hindi ako aalis hanggang hindi ka bumabalik. Tska gusto kitang makausap eh."


Bigla nang piniga ang puso ko. Eto na ba? Eto na naman ba? Mag uusap na naman kami tska masasaktan ko na naman siya. Kahit kelan talaga sobrang hirap magdesisyon.


"S-sa loob--"


"Mabilis lang." putol niya sa sinasabi ko. Tumingin ako kay Leigh na puno ng pag-aalala sa mata niya. "May gusto lang akong itanong sayo."


"S-sige." nanginginig pa rin ang boses ko. Kinakabahan ako.


"Mahal mo ba ako?" halos mamaos na ang boses niya. Namumula na din ang mga mata niya at isang pikit na lang ay babagsak na naman ang luha niya.


Mahal ko ba siya? OO. Pero anong klaseng pagmamahal nga ba?


Tumawa naman siya ng mahina. "Okay ibang tanong na lang. Now choose, EXO or me?


Parang binambo ang dibdib ko sa tanong niya at nagpaulit-ulit sa pandinig ko.


Now choose, EXO or me? 

Now choose, EXO or me?

Now choose, EXO or me?


"..." naka awang ang bibig ko pero diko alam ang sasabihin.


Tumawa na naman siya ng mahina. "You know what? I just realized something. Ang tanga ko pala. Ano na pala yung stupid sa Korean? Pabo? Babo?"


"P-pwedeng parehas--"


"Yun na yun ako eh. Ang stupid ko." putol niya sa sasabihin ko at nagpatuloy. "Diko alam kung bakit tinatanong ko pa yung mga bagay na yon. Alam ko naman ang mga sagot. Haha. At sa totoo lang, hindi mo naman ako sasagutin kung hindi ko sinali yung EXO mo lalo na yung Chanyeol sa kalokohan ko eh. At alam ko naman na kaya mo ako sinagot dahil ayaw mo akong masaktan. Di ako galit sayo, Janiella dahil ang bait mo. Salamat pala ha? Sinagot mo ako kahit papaano. Gusto ko nga palang..." binitin niya ang sasabihin at huminga ng malalim.


"Gusto ko nang magpaalam sayo."

"Gusto ko nang magpaalam sayo." 

"Gusto ko nang magpaalam sayo."


"H-ha? A-aalis ka na?" mas tumindi yung luha ko.  Ang daya niya eh.


"Pumayag na ako kay papa. Sasama na ako sa kanya sa US."


"Hindi ka na ba pupunta sa birthday ko? Sa isang araw na yun eh." nakakainis naman. Ang daya niya talaga. 


"Hindi na siguro. Balita ko naman may mga kaibigan ka na din. Tatawagan na lang kita. Tska ito nga pala.." at inabot niya sa akin yung box. "Monthsary gift ko sayo. At birthday gift ko na din. Advanced happy birthday ah. Sorry hindi ako makakapunta. T-tapos na tayo? Tama. Wala na pala tayo."


"Magkaibigan pa rin tayo Lucas. Wag  kang ganyan. Ang daya mo eh." pagmamaktol ko sa harap niya. Ginulo naman niya yung buhok ko gaya nung dati at ngumiti. Hinawakan niya yung pisngi ko at nagsalita.


"Oo naman shempre. Goodbye, Janiella." hinalikan niya yung noo ko at naglakad na siya palayo.


Masama ba akong tao? Lagi ko na lang siyang sinasaktan. Grabe. Ang sama ko nga. Tss.





BEING A FANGIRL 1(COMPLETED✔)Where stories live. Discover now