Chapter 3

45 5 4
                                    


 Leigh Ann po sa taas


 -Spazzed-


Janiella's PoV


Nasa Unit na kami at kagagaling lang namin sa isang parang maliit na mall dahil ginera namin yon para bumili ng mga merch. Seriously, maraming meron dito na wala sa PH. And we loved buying these things.


Albums, Photo books, Noteboks, pens, postcards, photocards, posters, pillows, bag, caps, tumbler, cups, at yung ibang merch na wala sa Pilipinas. We also brought the new version of light stick dahil may concert na naman ang EXO sa pinas.


And I'm so excited for that..


Sinabi ko na din kay Leigh na magpa reserve na ng Two VIP Tickets. Aba shempre hindi ako papayag na tinatanaw mula sa malayo ang Chanyeol mybebelabs ko. 


And about the fansigning earlier, it goes great. May mga sinasabi siya pero puro "ne" lang ang kaya kong isagot kahit diko maintindihan. Pero jong ina! I made him chuckle for 3 times! Hah! My stupidity! May silbi ka din pala!


Nakakahiya man ang naging asal ko, sana pala nag suot ako ng diaper. Muntikan na akong maihi.


F A S T F O R W A R D~


Pangatlong araw na namin dito sa SoKor at napagdesisyunan na namin ni Leigh na umuwi na ng Pinas. We missed baking. At may nag-order din kasi ng tatlong box ng muffins at bukas daw ide-deliver.


"Anubayan! Ni hindi man lang ako niyaya ni Xiumin my hubbylabs na umuwi." as usual, puro reklamo na naman ang bukambibig ng kaibigan ko. "Tsk! Buti ka pa! Kahit mukha kang tanga sa harap ng Happy Virus mo, napapangiti mo pa aba! Anong gayuma ang ginamit mo don?! Ha? Ha? Pahingi nga at nang may maipasinghot din ako sa Baozi ko!" bulalas pa niya sabay hampas ng paulit-ulit sa braso ko.Huhuh...masaket.


"Aray anuba! Lakas ng hampas mo ah!" reklamo ko naman. Grabe talaga to! Parang kahoy yung kamay.

"Mianhae na friend! Nakakinggit ka lang. Kasi naman, yung nasabi lang niya sakin eh 'Ahh kamsahamnida.' Tapus 'Woah. Yeppeuda.' Mga ganun tska yung iba diko maintindihan. Hays! Wala akong masabi don huhuhu. Nawala yung pagiging madaldal ko sa harap niya. Bat ganun?"


Medyo tumagal din ang daldalan naming dalawa hanggang natapos na kami sa pag eempake. Nang makarating kami sa Airport, may konting kirot na naman akong naramdaman sa dibdib ko. Laging ganito. Sobrang familiar. How I love this place and everything about it. Nandito ang mga idolo na pinakamamahal ko, mga bagay na pinapasaya ako, pangarap ko.. Ang hirap iwan. Lalo na, bihira ko lang bisitahin at puntahan.


Nang makasakay kaming eroplano, narinig ko ang mahinang pag hikbi ni Leigh sa tabi ko. Lagi siyang ganito. Mahal na mahal talaga niya si Xiumin. Mas matindi nga ang iyak niya nong may naka-partner si Xiumin sa isang kanta eh.


Well, ganyan talaga siguro ang mga nararamdaman ng mga ka-fangirls namin dahil naramdaman ko na din yan. Nung nalaman ko nga noon na may something kay Sandara Park ang Yeollie, naiyak ako sa inggit. Kay Irene na sinabihan ng "Wow, Yeppo." Nakakinis. Maganda naman ako diba? Hay.. Tapus ngayon si Rosé ng BLACKPINK. Nakakainggit talaga siya. Naka-collab pa. Sila sikat eh pano ako?


Ikaw kasi Chanyeol eh! Alam mong may asawa ka dito tapos ang dami mong babae jan! Nasasaktan ako.. Masaket.


Pero ano pa nga ba? FANGIRL nga niya ako. Sobrang mahal siya. Natural na masaktan at minggit.


So, balik kay bestfriend. Tinapik ko ang braso niya. "Uy tahan na. May concert pa diba? Doon, free kang isigaw yung kilig mo. Meron naman ako eh edi dalawa tayo! Tama na nga yan! Papangit ka jan eh!" pagpapagaan ko ng loob sa kanya.


"Ikaw kasi eh! Huhu. Naiinggit ako sayo! Nag log-in ka na ba ng facebook mo? Ha? At alam mo bang ang ingay na ng mga spazzer sa newsfeed ko at nakita ko yung picture mo sa fansigning! Huhuhuhuhu! Nung nakangiti si Chanyeol samantalang ikaw mukhang tangang naka tunganga! Huhuhu kahit ang pabo mo don ang swerte mo pa din." mabilis pa sa rap Chanyeol to magsalita ah grabe.


Pero seryoso. Ako? Na-spazz?


O...M...G!!


Dahil nasa ere na ang eroplano, hindi agad ako makapag open! Nakakainis! Kaya hihintayin ko nalang sa Pinas para makapag open ako agad. Ito kasing kasama ko, sinarili lang ni hindi man lang sinabi sakin. Hmp!--


Pagkalapag ng eroplano ay nag log in agad ako. At sobrang nagulat talaga ako dahil ako nga yon!!


"(EXO Fan signing in South Korea) This lucky girl infront of Chanyeol! Unexpectedly shows her stupidity infront of PCY by answering random 'Ne' or yes even it's obvious she can't understand the questions. Funny but she made PCY chuckled...---(Photo Below)

©®|•Park So Ah•|

V|•Inang BaoziV|•Asawa ng ChanBaekV|•Shimmie Byun- Gosh! Magpapaka tanga nga din ako sa harap ni Baekhyun! Kainngit!----


Kitang kita nga sa Picture na mukha akong tanga na nakatunganga lang sa harap ni Chanyeol. Teka nga pano nila nalaman? Hays. Common sense na din pala. Ang tagal ko din kasi sa harap niya. Kaya siguro napansin nila.


But now, proproblemahin ko na muna ang pinakamakulit na taong nakilala ko. Pano niya nalaman na uuwi kami ngayon? Hayst. Si Leigh na naman siguro. Naku.


"Janiella babes! Dito!" say what?! Babes uh! Ang sagwa!


 Ang kulit talaga nito eh.Kitang kita mula sa kinaroroonan namin ni Leigh ang ngiti niya na hanggang tainga. Kamukha na niya si Vivi. Pati na rin yung karatula na hawak niya na may nakasulat na "Welcome home, Janiella babes!"


 Haayy nako. Ano bang nakain ng taong to? Di naman ako nag OFW ah!


 Kaya wala na din akong magawa kundi ang sumakay sa sasakyan na dala niya dahil pagod na din talaga kami. Kailangan ko pang i-process yung mga nangyari.  

BEING A FANGIRL 1(COMPLETED✔)Where stories live. Discover now