Chapter 1

116 7 8
                                    


 Janiella po sa taas. 


-Flight to South Korea- 


 Janiella's PoV 


 "Ano na Ella mag empake ka na nakapag-book nako ng flight natin noh! Mamayang 5:00 na yon dali naaaa!!"Yan ang maingay kong kaibigan si Leigh Ann. Ewan ko ba jan masyadong excited eh kakatapos ko lang maligo at maaga pa kaya! 2:00 pa lang. OA talaga. "Bilis na Ella huhuhuhu diko na maaabutan si Xiumin." 



 "Relax nga Leigh haha. Ang aga pa kaya! Ang gawin natin, magpaganda okay?" nagliwanag naman ang aura niya. I'm sure nag iimagine nato ng kung ano ano. Yan napapala ng kakakain ng cream sticks eh. Imagination ang limit. 


 Halos isang oras din kaming nag empake at nagpaganda bago kami pumuntang Café para isarado muna bago kami pumuntang airport. Oo, may Café kaming magkaibigan. Maliit lang naman. Libangan lang at ang purpose? Shempre para sa concerts at merch ano pa ba. Di namin masyadong iniisip pag malulugi ba dahil lagi namang puno yung café. 


 "A-ah hi pala J-janiella." napalingon ako sa likod dahil may nagsalita.


"Oh Lucas ikaw pala. Sarado na yung café ah."Siya si Lucas. Nanliligaw sa akin 8 months na. Tagal noh? Hehe gaya nga ng sabi ko sa prologue kanina, magaganda ang fangirls. Mahirap iwanan. 


 Ang kapal ko. 


"May lakad ba kayo?" nakatingin siya sa mga maleta na hila namin ni Leigh. 


 "Punta kaming SoKor. Sama ka? Hehehe." si Leigh. 


 "Ha? Ang layo naman. Mag babakasyon ba kayo don? Ang dami niyong gamit eh."


 "Ah mga tatlo o apat na araw lang naman ang tagal namin doon." sabi ko naman. 


 "Ano bang meron don? Yung mga Eggsoo mo na naman?" biglang sumama ang timpla ko sa lalaking to. Masubukan nga. 


 "Sige ipagpatuloy mo lang yang panlalait mo. Pagbalik namin dito, di na kita kilala. Jong ina ka." at naglakad na ako palayo. Sumunod naman si Leigh. 


 "Teka! Janiella! Uy!" at hinawakan niya yung braso ko dahilan para tumigil ako sa paglakad. Nakakainis!


 "B-biro lang naman eh. Wala namang ganyanan." 


 "Kasi naman Lucas, ang biro dapat nakakatawa hindi nakakainsulto." 


 "Pasensya. Sige na. Ihahatid ko na lang kayo."


  "Wag na Lulu. Ayos na kami hehe may dadaanan pa kami eh." si Leigh. Tinignan ko naman siya. Nagpaalaman muna kami bago pumara ng taxi. 


 "Anong 'Lulu'?" ano ba kasing naisipan niya at tawagin niyang Lulu yung taong yon? 


 "Hehe wala. Nebermaynd. Grabe ah. Ang tagal ka nang kinukulit ng lalaking yon. 8 months na wala ka ba talagang balak sagutin yon?" Sa ganitong topic, hindi na ako nagugulat. Halos araw-araw yata ako tataungin nitong si Leigh tungkol sa panliligaw ni Lucas eh. Kung may balak nga ba akong sagutin siya kasi kawawa na daw dahil ang tagal na niyang naghihintay.Huminga ako ng malalim. 


"Hindi naman kasi ako pumayag nong una pa lang. At alam na alam mo yan." sa linya kong yan, alam na ni Leigh ang ibig sabihin. 


 Bago kasi manligaw si Lucas, hindi na ako pumayag dahil diko din siya sasagutin. Wala akong kahit anong feelings. Kaso siya ang pumilit. Kahit sinabi kong wala siyang mapapala, pumilit siya. Hays. Ano ba kasing malabo sa sinabi ko sa kanya noon?


 F L A S H B A C K(8 months ago)


 "Diko na kailangan ang pag payag mo, Janiella. Liligawan at liligawan kita." 


 "Eii naman kasi Lucas! Ang kulit mo. Sabi nang si Chanyeol lang ang gusto ko eh! Walang wala ka dun." 


 "Pffft---bwahahahahah!!" 


 E N D OF F L A S H B A C K


  Imbes na natauhan sa katotohanang pinamukha ko ay tinawanan lang ako. Jong ina. Sinabihan ba naman ako ng... 


 "Okay lang Janiella. Kahit nagiging siraulo ka na sa kaka-imagine mo jan sa mga Kpop mo, mahal pa rin kita. Tatanggapin kita kahit puro Koreano yang nasa isip mo. Kahit nababaliw ka na dahil sa kanila, nandito lang ako para sayo. At ako ang magpapatino sayo." 


 Siya yata ang baliw eh. 


 M E A N W H I L E...


 "Waaaahhh!! Airport na naman to chingu! Pang 14 na sa Airport! Pang 14 na puntang SoKor! At sisiguraduhin kong pag pang 15 na natin, yun na yong panahon na sa bahay na ni Xiumin ako uuwi! Bwahahaha Baozi! Here I come!" Ang ingaaaay! Yan si Leigh eh! Yan na yan si Leigh Ann! Familiar ang mga sinasabi!


 F L A S H B A C K   


  "Waaahh! Airport na naman to chingueyah! Pang 13 na natin I can't believe it OMO! At sisiguraduhin kong pag pang 14 na, sa bahay na ni Xiumin ako uuwi! Wait for me there, Baozi! Bwahahahaha!" 


E N D--


Pero ang pinagkaiba lang namin, siya naisisigaw kung ano ang naiimagine. Ako? I'm a quiet type of girl. Umiingay lang ako pag kinikilig. Kanino? Hehehe kilala niyo na. 

BEING A FANGIRL 1(COMPLETED✔)Where stories live. Discover now