Chapter 21

1.1K 20 2
                                    

3 staright updates ang ginawa ko. HOHOHO, pagpyestahan niyo na. XD Basahin ang AN sa last chapter na update ko tonight. 

BABALA: tadtad sa kanta ang chapter na 'to. Pasensya naman. hahaha

===========================================================================

Chapter 21

Michaela's POV

It's been four or five or six or seven days since our break up. Hindi ako sigurado, ayoko na din alamin. masakit lang. I mean, masakit pa rin yun.

The day after that and the following days, hindi ako pumasok sa klase. I locked myself in my room. Sirado ang kurtina, patay ang ilaw.

Paano ko naman kasi magagawang tignan ang araw, ang mundo, ang mga tao. Wala na ako rason para bumangon sa umaga at tignan ang mga yun eh.

Wala na kasi siya. Sumama na sa iba. Mali. Sumama na ulit sa kanya. At ako? eto. iniwan niya.

Nagluluksa. Umiiyak. Nasasaktan.

Sa mga nagdaang araw, ganito lang ako.

Walang imik. Tahimik. Hindi kumakain. Laging nasa dilim. Umiiyak ng halos buong araw.  oh,buong gabi na din. Hindi na din ata ako natutulog. Ewan, wala na akong pakialam.

Alam ko ang miserable ko na. Hindi na ako yung dating ako.

And all because of a break up.

All because of Kristoffer Kurt Lemuel.

sht. Ang sakit naman kasi eh.

Dinaig ko pa ang mga bampira. Dinaig ang taong natalo ng milyones sa lotto. Dinaig ko pa ang taong namatayan.

Ang saklap naman kasi.

Kung alam lang niya kung gaano siya kahalaga sa akin, siguro matatawa siya at sasabihing, 'Wala ka bang ibang magawa sa buhay mo?' Ngingiti lang siguro ako at sasabihing, 'Wala Kurt eh. Ikaw kasi ang buhay ko.'

Haay. Ang desperada ko na. Baka kasuklaman niya ako. Ayoko. Ayoko.

Ang gago naman kasi eh. Hinahanap niya ako, naalala niya ako. Yun pala yung mga oras na wala si Denisse. leshe! Ano pala ako sa buhay niya? DAKILANG EXTRA! at si Denisse? NAG-IISANG BIDA. ang bwisit lang nu? nakakagago lang.

Pakshet. Ang sakit lang. :'(

Tumawag sa Ariannah nung isang araw. Buti pa yun, umaarangkada ang lovelife.

I pretended. I sounded happy. I told her it was okay. I don't wanna be selfish, she's my bestfriend. Alam ko hindi siya gaano naniwala dun, but she had to. And as always, I've been a good pretender. A GREAT PRETENDER.

Nag aalala ng sobra sina JP at Paps. Alam ko. Araw-araw nila chine-check  ang kundisyon ko. Kapag inaaya nila akong kumain, I turn them down. Wala akong gana eh, and that's the truth. Kaya, ayun nilalagay nalang nila sa labas ng pinto ng kwarto ko yung pagkain. Kinakain ko naman, tapos nilalabas ko lang rin sa may pinto ang pinagkainan ko -- halos walang bawas.

Yung kapatid ko? si Nica. ayun, si JP ang nag-aalaga. pati na rin si Paps. May dapat pa akong malaman eh, pero ayoko na muna. Next time na. Baka mag break down na ako. ayoko.

Isa pa si papa. Yung problema sa business namin. haaay :\ walang katapusang problema.

Tinignan ko yung cellphone ko.

Walang text o tawag o kung ano galing kay Kurt. ouch.

oo, umaasa pa rin ako na babawiin niya yung mga sinabi niya. Na nagsisinungaling lang siya. Na mali yung naging desisyon niya. Na ako ang mahal niya. Na ako lang. Walang Denisse.

Love High, Dream HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon