Chapter 11

1.5K 24 3
                                    

To all the readers: Thank you for supporting this story. :)) Please enjoy reading Love High, Dream High. lovelots 

- author Grace xD

=======================================================================

Chapter 11

Kurt's POV

At last! After a long long flight, nakarating na din kami sa Paris. Agad naman kaming sinalubong ni direk and mga staff.

“Welcome to Paris, Kurt and Denisse. Hindi kayo nandito para magbakasyon. You are here for work. Pero bukas pa ito magsisimula. Get ready for tomorrow would be a busy day. There would be your mall show, movie promotion, fan meeting. Meron pa kayong shooting for a reality show. So rest muna guys ha?” wow naman, kadarating palang namin dito sa Paris nag speech na si direk.

“Wow, hindi naman masyadong busy ang schedule ha?” ano ba naman, nakuha pang magbiro nitong si Denisse..

“Naririnig pa nga lang kita magsalita direk, napapagod na ako. Kawawang ako.” nakidagdag na lang din ako sa pagbibiro. ^__^

“Haha! Kaya nga Kurt and Denisse pinagsasabihan ko na kayo. Tomorrow would be a heck of a day kaya for now, enjoy, have fun and relax here in Paris. Kayo na ang bahala kung ano ang gusto niyong gawin for today. Good luck!” :))

Nabigla naman ako nang hilahin ako ni Denisse.

“Oh, narinig mo yun Kurt? We can have fun pa naman pala. I think we should have a date for this day.Game?”

Date? Anong pinagsasabi nito? With matching pa beautiful eyes pa ha? Galing..

“Ano bang pinagsasabi mo Denisse? Busy pa tayo bukas. Maybe we should rest para may energy tayo bukas.” 

“Awwwee. That’s too bad. Gusto ko pa naman sanang maglibot dito sa Paris. Ang sayang naman ng opportunity. Ito na nga lang ang chance natin maglibang.” with matching pouty face.. Ang cute naman nitong si Denisse, nakakagigil! amp!

'Hoy Kurt! Magtigil ka nga diyan! May girlfriend ka! Anong cute cute ang pinagsasabi mo? Umayos ka nga. Mahal mo si Mica, mahal mo si Mica, mahal mo si Mica. Okeey?' sabi ko sa sarili ko. nangako ako kay Patrick. 

“I guess I could go alone naman. Natatakot nga lang ako sa mga hoodlums. Baka kung anong mangyaring masama sa akin. Samahan mo na ko please? Kahit hindi na loving date, friendly date na lang. Yes?” ang ganda naman niyang naka smile..

“..............................................................”

“ I guess that silence means yes? :))”

“Okay, if that’s what will make you happy.” ang ganda mo kasi pag nakangiti..

Syempre, sa sarili ko na lang yung last line.

“Yey! You’re the best Kurt!” sabay akbay sa akin.

“Uuuuiiiiieeeeee. Ang sweet nila! :))” loko tong mga staff ah. Bumitaw naman agad si Denisse. 

“Pumunta muna kayo sa hotel bago kayo maglambingan. Get your room number and leave your things there. Pagkatapos, kayo na bahala asan niyo gustong pumunta. Okay?” yeah director. And dami daming bilin..

“Okay direk. Tara na sa van nang makarating na tayo sa hotel. Nagugutom na rin kasi ako eh.” 

“Ay, gutom ka na agad Kurt? Ang baboy mo naman.” lakas mang asar nitong babaeng to ha?

“Asus, parang hindi naman siya nagugutom. Eh kani kanina lang narinig kong tumunog ang tiyan mo.” imbento lang, nang makaganti. ^____^v

“ May ebidensya ka ha?”

Love High, Dream HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon