Chapter 6.4

59 3 2
                                    

Chapter 6.4

Last update bago ang busy school days---first day of being seniors (college) on Wednesday

Norin’s POV

“Oy Drej, pare, long time no see” sabay apir kay Drej

“Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?” guy2

“Wala naman, namiss ko lang kayo” bading ata si Drej

“Gago, kinikilabutan ako, wag mu nga sabihin yan” guy 3. Hello guys, I’m here, pansinin niyo naman ako. Muntanga lang akong nakatayo at nakangiti dito.

Andito kami ni Drej sa isang covered court, akala ko pa naman kung anong date sinasabi niya, hahayaan lang pala ako ng mokong na to. Ang sabi niya sa akin dito daw siya lumaki, dito daw sa village na to nakatira ang mommy niya at dito din daw nagkakilala mga magulang niya.

“Uy, pre, may maganda ka palang kasama, ipakilala mo naman sa amin” naakbay sa akin yung isang lalaki. Nagulat ako bigla na lang sumulpot sa likuran ko. Napaharap si Drej sa direction namin.

Lumapit siya sa kinaroroonan ko, nakaakbay pa rin sa akin tong lalaki, pasalamat siya may manners ako, ayoko mageskandalo dito. “Gago, off limits yan, kaya bitaw” sabay alis ni Drej dun sa kamay nung lalaki

“Kaw naman pre, madamot ka pa rin, para makikiakbay lang sa girlfriend mo” guy na ng akbay

“Hindi niya ko girlfriend” sabat ko

“Ah, pasensya na miss kala ko girlfriend ka niya” nakatingin lang si Drej sa amin “Anton nga pala, bestfriend ni Drej” sabay lahad niya ng kamay niya sa akin

Inabot ko naman para makipag-shake hands “Norin” pagpapakilala ko

“Mga tol si Norin nga pala, girlfriend ni Drej” biglang sigaw ni Anton dun sa mga naglalaro ng basketball

“WHAT?” sabay pa kami ni Drej

“JOKE” –Anton

“Hi, Norin” silang lahat. Ngumiti lang ako bilang pagtugon

“Drej, game tayo, kahit isang round lang” aya nung mga nagbabasketball, sila yung mga nagsilapitan at bumati kay Drej kanina.

Tumingin si Drej sa akin “Sige na, hwag mo kong intindihin, okay lang ako” sabay ngiti ko

“Sige tol, ako na muna bahala kay Norin” pag-alok ni Anton

“Okay, mabilis lang to, pagbibigyan ko lang sila” tumango lang ako, tapos tumakbo na si Drej papunta sa court, ako naman inalalayan ni Anton paupo sa mga bleachers.

“Anong nangyari sa paa mo?” usisa ni Anton ng makaupo na kami. Nag-umpisa na maglaro sina Drej.

“Mahabang kwento eh” habang nakatingin ako sa mga naglalaro, or should I say kay Drej. Magaling pala talaga siya.

“Akala ko talaga kanina, girlfriend ka ni Drej. Isa pa lang kasi yung dinala niyang babae dito, at ikaw yung pangalawa, ang tagal na nga hindi nagpupunta dito niyan eh, ngayon na lang ulit naligaw” tapos tumawa siya ng mahina.

“Asan na yung babaeng dinadala niya dati dito?” curiosity kills

“America, hindi ko nga rin alam kung naka-move on na ba si Drej  pero sa nakikita ko sa kanya, masaya naman siya, siguro naka-move on na siya baka dahil sayo” napatingin ako bigla kay Anton sa sinabi niya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Journey for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon