Chapter 6.2

54 3 1
                                    

Jessie’s POV

“OHMY, Drej Ano ba? ibaba mo ko” bigla kasing binuhat ni Drej si Rin na parang sako ng bigas.

“Akalain mo yun nabuhat niya si Norin, eh ang bigat niyan” at nakahawak pa talaga ako sa chin ko na parang nag-iisip talaga

“Inggit ka?” biglang sabat ng magaling na si Wayne

“Asaness” sabay irap ko sa kanya at naglakad na papuntang entrance

“Deny ka pa, halika bubuhatin din kita” abat talagang iniinis ako nito ulupong na to

“Kung iinisin mo lang ako, hahanap na lang ako ng ibang kasama”

“Eto naman dina mabiro, tara na” sabay hila niya sa kamay ko, holding hands tuloy kami, buti na lang di namamawis yung kamay ko, kung hindi kahiya.

Nandito na kami sa sinehan kaso mamaya pang 12:30 yung next kaya napagpasyahan nilang kumain na muna.Nakapag-order na kami kaso wala pa, hinihintay pa namin. Napansin ko lang ang dami yatang ka-textmate ni Brad kanina pa siya dutdut ng dutdot sa cp niya eh.

“CR lang ako” paalam ni Brad

Drej’s POV

Ang boring naman. Etong si Jessie at Wayne barahan ng barahan, eto namang si Norin at Tine ang tahimik lang. Tumayo ako para pumunta ng Cr.

“San ka pupunta?” biglang tanong ni Norin

“CR, sama ka?” pang-iinis ko sa kanya. Inirapan lang niya ako

Sa ilang araw na magkasama kami ni Norin, napatunayan ko na mababait silang magkakaibigan. Para silang mga bata, kanya-kanya ng hilig pero nagkakasundo pa rin.

“Nagawa ko na yung favor mo Jade, pagkatapos nito, I’m done with it” boses ni Brad yun, nung sumilip ako nakita kong may kausap siyang babae, mukhang seryoso kaya di na muna ako tumuloy sa Cr. Sumandal na muna ako sa pader malapit sa Cr.

“Nag-uumpisa ka palang dear brother” sabi nung Jade. Brother? Magkapatid sila.?

“Jade pwede ba, mabait si Tine at ayoko siyang lokohin” tama yan

“A-ow, I’m sorry bro pero I want you to make her fall for you, whether you like it or not.”

“Sh.t” biglang sigaw ni Brad

“A-anong ginagawa mo dyan?” tanong ni Brad pagkakita niya sa akin.

“Eavesdropping” umalis na ako sa pagkakasandal ko sa pader at naglakad na papuntang Cr

“You heard everything?” tumigil ako at lumingon sa kanya

“Obviously, stop this non-sense date or else I’ll tell them the truth” naiinis ako sa mga taong nanloloko ng babae

“I can’t do that. And I’m sure kahit sabihin mo man sa kanila, hindi sila maniniwala sayo” tapos umalis na siya

Pagkatapos kong pumunta sa Cr bumalik na ako sa table namin.

“Ang tagal mo naman, kain na tayo” salubong sa akin ni Rin

“Bakit mo pa ko hinintay? Dapat sumabay ka ng kumain sa kanila” kumakain na kasi sina Jessie

“O di wag kasi, ikaw na nga hinintay, ikaw pa galit” –Rin

“What I mean is, aish, ewan” di niya ako pinapansin, edi wag na magpaliwanag

Journey for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon