Chapter 6.1

69 3 1
                                    

Jessie’s POV

Nandito kami ngayon sa hospital kasama ko pa rin tong mokong na si Wayne. Di pa kami nakakarating sa pupuntahan namin kagabi ng may tumawag sa akin at dali-dali kaming nagpunta ng hospital ng malaman kong nasagasaan si Norin. Sobrang na-guilty ako dahil pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit nangyari to kay Norin. Buti na lang may sasakyan tong si Wayne at agad kaming nakarating dito sa hospital.

Si Norin okay na siya, hinihintay na lang namin na magising siya. Ang sabi ng doctor nawalan lang daw ng malay si Norin dahil sa sobrang pag-iyak niya, hindi naman daw masyadong malakas yung pagkasagasa sa kanya kaso na-fracture yung right leg niya kaya kailangan tuloy niya mag-therapy for one month at kailangan niya muna mag-wheel chair for 1 week. And I promise aalagaan ko talaga siya.

Isa pa nga pala, sobrang nagulat ako nung malaman ko kung sino yung nakasagasa sa kanya. Siya lang naman ang captain ng basket ball team sa NSU. The one & only Lean Drej Belmoso. Ang sabi nila saksakan daw ng sungit yun eh. Wala siya ngayon dito kasi kausap siya nung doctor. Infareness yung director pa talaga ng hospital na to ang tumingin kay Norin.

“Rin?” bigla kasing ginalaw ni Norin yung ulo niya tapos unti-unti niyang minulat yung mata niya.

“Asan ako?” habang pinagmamasdan niya kung asan siya.

“Nasa amusement park ka” nako di ko talaga mapigilan pagka-pilosopo ko “I mean nasa hospital ka girl” Tapos tumingin ako ng masama kay Wayne paano ba naman sinigkil niya ko nung sabihin kong amusement park.

“Umaandar kasi pagka-pilosopo mo eh, ang seryoso na nga ng usapan” pagdadahilan niya

“Pasalamat ka may utang na loob ako sayo at sinamahan mo ko dito sa hospital, umuwi ka na nga, baka hinahanap ka na sa inyo. Shupi” sama ko talaga, tapos bumaling ako kay Norin “Girl, sorry. Sorry talaga girl. I’m sorry talaga.” hindi ko alam sasabihin ko

“Mukhang gising na ang pasyente” napatingin kami dun sa nagsalita. Yun palang doctor ni Norin.

Lumapit siya kay Norin “Hi, hija, I’m Dr. Ivan Belmoso. I want to extend my apology about what happened. At dahil sa nagawa ng anak ko---

“Anak niyo po?” nagtatakang tanong ko. Chismosa eh.aha

“Yeah, hindi pa ba nasasabi sa inyo ni Drej na I’m his father?” ang bait ng ichura niya para maging ama ni Drej.

“Hindi naman kailangan ipaalam eh” napatingin ako dun sa lalaking nagsalita. Ang masungit na si Drej pala. Siya na nga yung nakasagasa kay Rin may gana pa siyang magsungit.

“Drej, lumalabas na naman ang pagka-walang modo mo” behlat, buti nga

“Because of what happen, Ms. Alegre, hindi ka muna makakalakad & kinakailangan mong ma-therapy for one month, don’t worry, everything will be charge on Drej’ allowance---

“WHAT? But Dad---

“No buts, kasalanan mo lahat to. And one more thing he’s the one in charge in assisting you, till you reach your full recovery. Hatid sundo kanya sa school” sabay ngiti niya kay Norin.

“Ah, nako, hindi na po kailangan Sir, malapit lang naman po yung school sa dorm namin. Atsaka andyan naman po si Jessie para tulungan ako” tumango ako nung tignan ako ni Norin sabay ngiti ko sa kanya. Medyo mahina pa yung boses ni Rin dahil rin siguro sa kakaiyak, namaos bigla eh. Nagwingwi ang bata.aha. Ano kaya nangyari sa usapan nila ni Jake?

Journey for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon