Chapter 5.1

61 3 2
                                    

Psensya na ngayon lang...busy kasi eh..ipopost ko bukas ang kasunod..dedicated sa masugid naming tagabasa..salamat..

NORIN’S POV

Tapos na midterm exam namin. Kakabalik ko lang ng dorm, umuwi kasi ako sa amin after nung test para kumuha ng allowance.  School na naman. Ano na kayang result ng mga exam namin? Nakakakaba, kahit naman sabihin pang matalino ako. Tinatamaan pa rin ako ng kaba..

Ang tagal naman magpaganda ni Jessie.

‘Hoi, babae bilisan mo dyan’ ako

‘oo na eto na.’ bahagya niyang sigaw, andito na kasi ako sa hallway ng dorm namin, hinihintay ko siya lumabas.

‘Ang tagal mo. Tara na nga. Mamaya na yang eye liner na yan’ sabay hila ko sa kanya palabas ng dorm, nangawit na kasi ako kakahintay sa kanya.

“Ay, girl, wag mo nga pala kakalimutan mamaya ah, sa ***** Restaurant tayo, sabi ni Tine” pagpapaalala niya.

“Oo na”  nakasanayan na kasi naming magbabarkada na maglibot after ng exam namin, hindi kami nakapaglibot nung sabado dahil nga umuwi ako at umuwi din naman si Jessie.

“Pero girl, mauna ka na pala dun mamaya, susunod na lang ako.”

“Huh? Bakit naman? Hintayin na lang kita”

“Hindi na, mauna ka na. Mabilis lang naman ako” hay, may magagawa pa ba ako?

“Okay, ano pa nga ba?” pagsuko ko

Pagdating namin sa room, heto na naman, may bulaklak na naman sa ibabaw ng desk ni Jessie, kaya lang di pa rin niya kilala kung sino nagbibigay eh.

‘Grabe ang sweet naman. May flowers na naman si Jess.’ c’m8 1

‘oo nga. Kakilig, sana ako din’ c’m8 2. Ako din ata gusto ko. Waha. Nainggit.

“Wow girl, infareness consistent yang stalker mo ah” biglang sulpot ni Tine.

“Correction, admirer, hindi stalker” sabi ni Jessie

“Okay, sabi mo eh.” sabay upo na ni Tine sa desk niya

“Nga pala girl, sasabay na ako sa iyo mamaya, may pupuntahan pa daw kasi si Jessie” pag-iiba ko ng usapan.

Jessie’s POV

“Nga pala girl, sasabay na ako sa iyo mamaya, may pupuntahan pa daw kasi si Jessie” biglang sabi ni Norin, napatingin tuloy ako sa kanya.

“Huh? San ba tayo mamaya?” nako naman Tine, patay ako nito.

“Diba sa ***** Restaurant tayo? Ikaw pa nga daw nagpili ng place eh” nako naman Norin.

“Pero akala ko buk---“ napahinto si Tine ng biglang dumating na yung terror naming prof. Phew, nakahinga ako dun, minsan pala may maganda ding naidudulot ang pagdating ni Miss. Aha

‘Okay class, ididistribute ko lang yung testpaper niyo tapos pwedi na kayong umuwi, may meeting kasi kaming mga profs. ‘ tapos nagstart na siya magdistribute ng paper, at kailangan ko na din magstart magnovena.

AFTER 10 minutes..dismissal na..

‘breath in breath out’ habang pinapaypayan ko pa yung sarili ko gamit yung isang kamay ko.

‘ano game na?’ excited much naman tong si Norin, alam naman niyang naghahanda pa ko, palibhasa sigurado di siya yung matatalo.

“yup” isa pa tong si Tine

‘1 2 3..go’ signal sa amin ni Norin. Sabay open namin ng mga testpaper namin..

‘ilan girl?’ tanong ni Tine kay Norin.

‘90%’  walang ka-kaba-kabang sabi ni Norin.

‘ikaw naman girl’ sabay harap sa akin ni Tine.

Christina’s POV

‘ikaw naman girl’ sabay tingin ko kay Jessie

Kinakabahan ako..As in badump badump. Pinapawisan na ako dito.. Diyos na mahabagin..

‘8……8---

‘ano ba girl..dalian mo na..binibitin pa eh’atat na sabi ni Norin.

‘eh alam ko naman kasi na talo nako eh’ Jessie

‘bat di mo muna kaya sabihin?’ norin

’83..’ sigaw ni Jessie pero di naman gaanong malakas.

‘may halong galit pa ata..aha’ sabay tawa ni Norin.

’83?’ ako

‘oo..sabihin mo na kung ilan ka. Alam ko naman na talo nako’ sabi ni Jessie

“Eighty---“ sasabihin ko na sana ng biglang may tumawag sa akin. Humarap ako para tignan kung sino yun.

“Brad?”

Journey for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon