Chapter 2.2

154 7 1
                                    

Jessie’s POV

Nagulat ako ng bigla akong yayain nitong si Wayne na sumayaw. Grabe lang. Alam ko namang maganda ako eh, pero ang bilis niya ah. Sabagay sayaw lang naman, hindi naman niya sinabing gusto niya ko. Nilagay niya yung mga kamay niya sa bewang ko. Hindi ko alam kung paano ko ilalagay yung mga kamay ko sa shoulder niya. Hindi naman kasi kami close, kakakilala palang namin. Kaya medyo nag-aalangan ako atsaka ayoko sa mga lalaking kagaya niya. Halatang playboy.

“Let me help you” sabi niya sabay hawak sa dalawang kamay ko at nilagay niya ito sa kanyang leeg. Tapos humawak na ulit siya sa bewang ko.

“Much better” dagdag pa niya. Hindi ako nakatingin sa kanya. Tinitignan ko yung ibang nagsasayaw, naiilang ako eh.

“You know what, you are so beautiful” sabi niya in a sweet tone.

“Yeah, I know, its way too obvious” matipid kong sagot, grabe lumalabas pagka-conceited ko.

Medyo napatawa siya sa sagot ko. “I like you” sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya.

“Huwaw, hanep, mabilis ka pa sa kidlat ah” mataray kong sabi sa kanya.

“I’m serious” sabi niya

“Bakit nagpapatawa ba ko? Serious din naman ako eh” kairita to, ayoko sa mga babaero at bolerong kagaya niya.

“I know, feeling mo binobola kita, yeah it’s true na may pagkababaero, but that doesn’t mean na hindi na ako marunong magseryoso. Trust me; I’m serious when I told you I like you. I didn’t say I love you, it’s just an I like you thing” paliwanag niya.

“Yeah, right” bulong ko, pero alam ko narinig niya pa rin. Kayo ba naman konting distansiya lang ang pagitan?

After nun di na kami nag-usap, sumayaw na lang kami ng tahimik. Pagkatapos nung sayaw hinatid na ako ni Wayne sa place namin tapos umalis na sila ni Stephen, baka daw kasi naghihintay na mga barkada nila.

“Si Norin?” tanong ko kay Tine ng makaupo na ko.

“Ewan ko, pagbalik namin ni Stephen kanina dito, di ko na siya dinatnan eh, baka nandyan lang yun sa tabi-tabi” sabay inom ng tubig ni Tine.

“Baka nga” pagsang ayon ko.

“Ay, put—a little more” pagkagulat ni Tine ng biglang namatay lahat ng ilaw. Magugulatin talaga to.

“Brownout ba?” tanong ko, andito pa rin kami sa kinauupuan namin.

“Ewan, sigur—“ hindi na naituloy ni Tine yung sasabihin niya ng biglang may suminding spot light, tapos nagsigawan yung mga tao. Tumayo kami ni Tine para makita kung sino yun medyo malayo kami dun sa mini stage eh.

“Owvah, diba si ano yun, si, si Jake?” grabe lang, ang sabi niya sa akin last time next month pa yung uwi niya.

“Yeah, anong ginagawa niya dito?” nagtatakang tanong ni Tine.

“Malamang magpeperform girl” pilosopo kong sagot

“Psh” Tine

“Girl diba si Norin yun?” sabay turo ko dun sa babaeng nakatalikod sa direksiyon namin at nakahawak sa sandalan nung upuan malapit sa kanya.

Norin’s POV

“Oh my God” laking gulat ko ng may bumukas na spotlight at nakita ko ang hitsura nung lalaking nakatayo sa stage. Para akong napako sa kinatatayuan ko.

Journey for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon