IDSTOC 16 - Questions & Answers

33 4 4
                                    

I suggest na basahin niyo yung mga in-edit kong chapters (1-10) para hindi kayo malito dahil nagkaron ng konting changes sa plot. Nasa inyo naman yan e. Baka kasi maguluhan kayo.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

.LUISA.

Monday na naman at kasalukuyan akong naghahanda sa pagpasok. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung supposed to be group meeting na naging 'hang out day' namin ni Carlo. Ayoko ngang tawagin yon na date, whether friendly or romantic! It turns out, nag-iba na yung tingin ko sa kanya. Hindi ko lang talaga malaman kung positive o negative ba 'yun.

Lutang talaga ako nitong mga nakaraang araw e. Ni hindi ko na nga naalala kung kelan ko kinompronta sina Aileen. At ang mga magagaling kong kaibigan, kanya-kanyang alibi. Tss. Kinausap ko rin yung mga kaibigan ni Carlo at panay lame excuses lang ang nakuha ko.

Ang speaking of Carlo... sinagot na siya ni Ella. Sa labas ng simbahan, kahapon pagkatapos nilang magsimba. Pano ko nalaman? The moment siguro na sinagot siya ni Ella, naisip niya na 'kong tawagan.

His call woke me up, at 10 in the morning, and his voice was the first thing I started my day with. Ang napaka-saya niyang, "Sinagot niya na 'ko, Luisa! Akala mo ha. Sige bye, tulog ka na ulit.", ang bumati sa'kin. Nakaramdam yata nung iritable akong umungol. Gago talaga yon.

"'Nak! Anong oras na oh? 'Di ka pa bababa? Baka ma-late ka niyan!" sigaw ni Mama sa baba na hudyat para tigilan ko na ang pagmu-muni muni ko.

~*~*

Papunta na ko sa classroom, nang makarinig ako ng mga nagtatakbuhan papalapit sa likod ko. Hala, may riot ba? Stampede?!

"Luisa!" at niyakap nila 'kong lahat. Yes, lahat.

Sino pa nga ba? Edi sina Aileen... oh, nandito din pala sina Bridget at Marj.

"Sorry na kasi, Lu! Eto naman oh. Sayang ang beauty ko kung iiwasan mo lang 'no." sabi ni Aileen

"Oo nga, at least nakapag-date kayo diba? 'Wag ka na magtampo. Mabuti nga yon at mukhang nauntog na yung ulo mo. May na-realize ka na diba?" Louise added, which made my heart skip a beat. Pano niya nalaman 'yun?

"Uy, mukhang gulat! Yieee. Kilig!" tili ni Bridget pero napatigil din agad, "Ay oo nga pala. May bad news kami ni Marj 'te! Tungkol kay Jane 'to."

Okay na kami ulit, pagkatapos nung 'picture na magkayakap kami ni Carlo' issue. Alam na rin nila yung tungkol sa confrontation namin nun.

"Nandi--" hindi natuloy ni Marj yung sasabihin niya dahil biglang nag-bell. Minsan talaga, wrong timing 'to. This might be a matter of life and death, because Jane would be the death of me!

Kinailangan na naming pumasok ng room at pumunta sa upuan namin. Ano ba yung dapat na sasabihin ni Marj? Kinakabahan tuloy ako...

~*~*

 'Di nagtagal, pumasok na si Ms. Garcia. With all smiles. Anong meron?

"Class, I would like to make an announcement today..." sabi niya

"Ahh Ma'am, suspended na po ba?" singit ni Katsumi na ikinatawa ng lahat

"Haha. No, Mr. Kabe. Meron kasing dalawang transferees sa 4th year at dito sila sa section natin mapupunta,"

Nagsimula ang bulung-bulungan sa mga kaklase ko. E pano ba naman kasi, isang buwan na nakalipas nung nag-start ang classes. Tapos tumatanggap pa sila ng students?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Didn't See That One Coming [ON-HOLD]Where stories live. Discover now