IDSTOC 8 - Revelations?

67 3 2
                                    

Hello!! =)))

Sorry antagal nung update. Nag-foundation week kasi kami. Pero sa totoo lang, nung Oct. 25 pa simula ng sembreak namin. Tinamad ako bigla tas nagkaron pa ng writer's block. T^T XD

Sorry pooooo~ :D Okay. Dedicated na sayo teh! :) Hiiii <3

Chapter 8, here you go! :*

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

.CARLO.

WAIT, WHAT?!

E-ella Barretto?

“Uy! Anong nangyari sa’yo? Bat mukha kang nagulat dyan? Ganda ba nung kaibigan ko?” sabi ni Luisa

“M-magkaibigan kayo?” tanong ko

“Ay. Kakasabi lang diba? Paulit-ulit? Syempre, maganda kami e.”

Hindi ko pinansin yung sinabi niya. Instead, napatingin lang ako sa kawalan at napaisip...

Bakit ngayon pa? Bakit hindi ko siya nakita agad?

.LUISA.

Anong nangyari kay Carlo? Ang weird niya. Nahawa siguro kay Ella. Bigla na lang parang nawala sa wisyo.

“Hoy! Tulala ka naman dyan. Anong nangyayari sayo girl?” sabi ni Aileen

“Oo nga. Pero oy ah, congrats! President na naman siya. Yiee, flattered. Hahaha.” Louise

“Tulala. Tulala si Luisa. Anyare? Nagwapuhan kay Carlo, ang ating pare.” kanta ni Bridget at Marj na ka-tono nung ‘Nagsuka’ sa Got To Believe

Nandito kami sa canteen ngayon. Lunch break at sabay-sabay kaming kumakain. Pero kulang kami ng isa.

“Guys, wala na naman si Ella... Nakaka-curious na talaga siya. Kakaiba yung kinikilos niya nitong mga nakaraang araw. Nasan ba ‘yun ngayon?” sabi ko sa kanila

“Oo nga ‘no. Pansin ko nga rin, lagi tayong iniiwasan nun. Or di kaya…” Bridget left her question hanging as we are all clueless kung anong gusto niyang ipahiwatig

“Eh... feeling ko hindi naman tayo ang iniiwasan nun e. Tignan niyo, tuwing may nangyayari na related kay Carlo, umiiwas siya palagi. For example, lalapit siya sa’tin. Siya naman lalayo. Ano bang meron sa kanila talaga?” Marj

“Wala rin akong idea e. Hmm, alam niyo kung panay TH lang tayo walang mangyayari. Magdi-diismissal na rin maya-maya. There’s much more things worth stressing out. Not this one, talking about our friend behind her back...”

“Yehes, Luisa! Pahingi naman ng words of widom dyan oh. Hahaha. Pano pa kaya kung valedictorian speech na?” biro ni Aileen

Natawa naman kami sa sinabi ni Aileen. Buti na lang at may naisipang pagaanin yung atmosphere sa’min.

~*~*

Pag-uwi, nadatnan ko si Liza at si Mama na nasa kitchen. Si Liza tumutulong sa pagpe-prepare ng dinner samantalang si Mama naman nagluluto na. Umakyat muna ‘ko sa kwarto ko at nagpalit bago sila puntahan.

“Oh Lu, andyan ka na pala. Kumusta first day natin?” sabi ni Mama

“Ah, okay naman po. Elected as president, as always. Hahaha. Eh ikaw Liza?”

“Ayos lang naman. Eto, ganun pa din...” tumigil siya at biglang nagbago yung face expression niya. Bipolar. “De joke! Haha. Wala lang... natutuwa lang ako kasi may bagong nangyari sa’kin ngayon. Akala niyo ‘yun, Ma? Muse ako! Yehey! Hahaha.”

I Didn't See That One Coming [ON-HOLD]Where stories live. Discover now