IDSTOC 15 - Upside Down

51 4 4
                                    

Dapat talaga nung April 26 pa 'to eh, kaso dahil dakila akong tamad, eto. Ngayon lang natapos. Sorry po~! ^_^V

Anw, dedicated to you! Late na tong dedic, pero still. Thank you sa pag-add nito sa RL mo :) Enjoy reading!

Sadly, hindi pala pwede ang dalawang videos dito. Ngayon ko lang nalaman. XD Pakinggan niyo na lang din yung Pagdating ng Panahon ni Kath sa part niyang... ah basta! 'Yoko na mag-spoil. Hihi.

Chapter 15, here you go! <3

PS. KILIGIN KAYO PLS? HAHAHA JK. =)))

PPS. ANG GWAPO NI JOSHUA AT MANOLO SA PBB ALL IN.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

.LUISA.

"Ugh! Hindi sumasagot!"

Dalawang linggo na rin simula nung pag-uusap namin ni Carlo through phone. At masasabi kong mas naging close kami, as friends. Nakikita kong unti-unti na ring nakukumbinsi si Ella na sagutin 'tong lokong 'to.

Pero kasalukuyan akong naasar sa mga kaibigan ko - special mentions to Aileen at Louise, dahil parang may binabalak na naman sila. May pag-uusapan kasi kaming project, at ka-grupo din namin sina Lester, KC, Kats at Seth sa paggawa ng isang 'music video'.

Pero ang problema, eh hindi man lang sila sumasagot sa calls ko! Damn it. Ayoko namang mag-eskandalo dahil nandito kami sa food court.

"Kumalma ka nga! Hindi naman makakatulong sa pagsagot nila ng tawag mo yang pagta-tantrums mo."  sabi sa'kin ni Carlo

'Yun na nga! Okay lang sana kung may iba pa kaming kasama dito ngayon. E kaso, parang pinag-usapan nilang 'wag kaming siputin. Ugh.

"Pano 'ko kakalma? Ha? Carlo, baka nakakalimutan mong music video ang dapat nating gawin at due na yon in a week and a half. Kung petiks ka lang, ibahin mo 'ko dahil ayokong bumagsak!"

"Chill! Sino bang may sabing gusto kong bumagsak tayo? Mag-loosen up ka nga. Baka naman kasi may kanya-kanya silang agenda ngayon kaya hindi sila makakapunta."

"Kaiyak naman yang agenda na yan! 'Di ba pwedeng i-prioritize muna ang studies?"

"Hay, baby... ano bang gagawin ko para kumalma ka?" nag-cross arms ako at tinignan siya ng masama, "Okay. Hahaha. Sorry na. Ikaw naman kasi, high blodd masyado. Magagawan natin yan ng paraan, okay? Tayo kaya ang Tropang Crammers!"

Natawa ako ng sobra sa sinabi niya. "Anong Tropang Crammers pinagsasabi mo dyan? Para kang timang! Hahahaha."

"Alam mo, sapat na yung napatawa kita e. Pero... nalait pa 'ko? Masakit, Luisa." at nag-act pa siya na parang nasasaktan habang nakahawak sa may dibdib niya

I Didn't See That One Coming [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon