IDSTOC 11 - Apologize

54 5 4
                                    

Dedicated sa pinaka-unang KN friend na nakilala ko thru net. Hahaha. Hi, Rain! :)

Yung nasa media, yung tinginan nilang dalawa while talking during recess. Spoiler ba? Hahahaha.

Chapter 11, here you go! :* 

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

.LUISA.

Napag-pasyahan kong pumasok ng maaga ngayon. Good thing, 'di na 'ko ganun ka-badtrip 'di tulad kahapon.

On the way na 'ko papunta sa room namin nang sumagi sa isip ko yung tanong ko sa sarili ko kahapon.

Ano nga ba si Carlo sa buhay ko?

Duh. Edi yung magaling na taga-sira ng mood ko.

Pagka-lapag ko ng pag ko sa upuan, nagulat naman ako ng may makita akong Cadbury bar at sa ilalim nun ay isang envelope na nakapatong sa desk ko.

"Ano na naman 'to? At kanino galing?" sabi ko

Dun ko lang napansin na nandito na rin pala sina Aileen at Louise. Sila Bridget at Marj yata nasa labas. Si Ella? Wala pa.

"Girls, kanino ba galing 'to? At may libre pa 'kong chocolate ha."

"E bat kami tinatanong mo? Try mo kayang i-open yung envelope." sungit naman ni Louise?

Pero whatever. I still opened it and read... a letter.

Ano na naman bang kalokohan 'to ni Carlo?

Dear Luisa,

      SORRY NA OH. :'(

      Sorry kung nainis ka sa'min. Ay mali, sa'kin pala. Please don't be mad at Ella ha? Kasalanan ko yon. I chose our meeting as our quality time.

      Oo na, TANGA na 'ko. Alam kong maiisip mo yan. Nakaka-bwisit ako diba? Ako na talaga yung pinaka-epal na tao sa buhay mo. Okay lang sa'kin kahit saktan mo pa 'ko after mong basahin 'to, pero 'wag mo muna 'kong patayin... Mahal ko pa buhay ko e.

      Aside from what I did yesterday, sorry din kung palagi kitang inaasar. Kasalanan ko bang trip kita lagi? Pero, sorry pa din.

      Sana 'wag ka nang magalit. Kasi sobrang nakaka-bother at nakaka-konsensya. Hindi mo man ako mapatawad ngayon, sana someday... dumating rin yung araw na matatanggap mo yung sorry ko. Ma-drama ba? Tawanan mo na lang. :) ha ha ha

      Basta, smile ka na baby ko ah? HAHAHA joke lang syempre. Baka magalit ka na naman e. Don't be too serious and stressed out okay? Last na talaga 'to... SORRY POOOO!

                                                                                                                             - Poging Carlo ;)

Nobela amp. 'Di ko alam kung tatawa ba ako o maiinis eh!

Una sa lahat, ang corny niya dahil 'di ko lubos maisip na magso-sorry siya ng ganto. Tapos may smileys pa? Wtf. Hahaha!

"Hoy! Kilig ka naman?" sabi ni Aileen

"Pangiti-ngiti pa! Magpa-hard-to-get ka naman 'te!" Louise

"Woah. Ano yan?" napatigil naman kami sa pag-uusap namin nung may kaklase kaming biglang nagsalita

What the hell?! Meron lang namang nakalagay sa board na isang malaking 'Sorry na Luisa. Sorry na baby... - Carlo'.

I Didn't See That One Coming [ON-HOLD]Where stories live. Discover now