Chapter 11: Break

16.8K 174 31
                                    

Nathan's POV

Paglabas ko ng opisina, nakita ko si Ram sa lobby na naghihintay. "I knew you're here.", sabi niya. 

"What?"

"What are you trying to do?" Hindi ako nagsalita. I'm sorry Ram. If I need to cut ties with everyone connected to Gen, I will. "Stop acting like a baby. Gen's a celebrity, expect those kinds of interviews. It's for your own good as well."

"Why does it look like it's my fault?"

"Huh?"

"Are you really acting up because of that interview?"

"Huwag mo akong simulan Ram. Hindi mo alam ang sitwasyon ko ngayon. Hindi mo alam kung gaano ako ininsulto ng pamilya ni Gen. This is not just about the interview." Naglakad ako palabas pero hinawakan niya ako sa braso. 

"Then talk to her like a man and not like a high school student." Inalis niya ang pagkakahawak niya sa akin at naunang umalis. 

Nag-iwan ako ng text message kay Zoey na magkita kami bukas para mag-usap. 

"Thank you love for replying. See you tomorrow. I love you, I miss you.", text niya. Hindi na ako nag reply. I'm sorry Zoey, this is the end of us. 

Nagkita kami sa isang restaurant kung saan kami madalas kumain, sa paborito niyang restaurant. Niyakap niya ako pero hindi ko siya niyakap pabalik. 

"Nathan, I'm sorry. Don't worry, I'll make this right. I'll post in my IG about us. May next national TV interview ako babanggitin kita doon.", sabi ni Gen na may tension sa boses. Tumingin ako sakanya at umiling. 

"I'm serious about what I said over the phone. I just want to emphasize it now and I want you to realize that I am serious about it." Gumigilid na ang luha ni Gen pero bakit wala akong nararamdamang awa. Mas mabuti na 'yung umiyak siya para mas madali sakanyang kalimutan ako. 

"Nathan, huwag kang ganyan. Over that interview? Alam mo naman kung bakit nangyari yon diba? Tsaka edited out yung iba doon ano ba, magpapaapekto ka ba doon?"

"It's not just about the interview. Alam mo kung bakit." Huminga siya ng malalim at tumapang ang mukha. 

"Can you lower your pride a bit? Kung dahil to sa offer namin sayo, don't you see what we are doing?"

"What? Your family, including you is disappointed in me. Ikinahihiya niyo ako."

"Are you insane, that's not true." Wala na akong lakas par ulitin nanaman 'tong away namin na 'to. 

"Gen, ayoko na."

"May iba na ba?" Huminga ako ng malalim at umiling. 

"I just don't love you anymore." Bumuhos na ang luha ni Gen pero hindi siya humagulgol. Gusto kong patahanin siya pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. "I'm sorry."

"What about your promises?"

"We were kids back then." Tumango siya pinunasan ang luha niya. "Gen, I'm sorry." 

"Then be sorry because whatever it is that badly happened to our relationship was all because of you. I love you but you let your pride cloud your judgment." Kinuha niya ang bag niya at nag umalis ng restaurant. 

Huminga ako at tumingin sa paligid ng restaurant. Napakarami naming memories dito ni Gen. Eto na ang huling beses na pupunta ako dito. 

Lumabas ako ng restaurant at pumuntang parke ng subdivision namin. Umupo ako sa swing pumikit at umidlip. Nagising ako sa mahinang hangin na dumampi sa mukha ko. Nagulat ako dahil may babaeng nakatayo sa harap ko. Binati niya ako ng matamis na ngiti.

"Good morning.", sabi niya sa malambing niyang boses. "Buti naman gising ka na." Tumingin ako sa paligid. Hinaharangan niya ang sikat ng araw. "Bakit ka ba dito natutulog?" Umupo siya sa kabilang swing at ngumiti. Siya yung babaeng nakita ko sa convenience store sa malapit. 

"Sinusundan mo ba ako?" Ngumisi siya. 

"Ang feeling mo naman. I live here, I told you and I hang out here to exercise."

"Na tirik ang araw?" 

"May gym na malapit dito, smartass. Hindi ako magpapaitim, ikaw? Bakit ka nage-emote dito?" Hindi ako sumagot, tumayo ako sa swing at naglakad papalayo. Narinig ko rin ang mga yapak niyang papalapit sa akin, lumingon ako at nakita kong sinusundan niya ako. 

"Are you following me?", tanong ko sakanya. Tumawa siya at pinitik ang noo ko. 

"Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang umuwi?", tanong niya at inunahan akong naglakad. Naka-pang gym attire siya at rubber shoes. Parehas kami ng daan pero naghiwalay kami ng daan di kalaunan. Kilala ko halos lahat ng mga tao sa subdivision pero ngayon ko lang siya nakita. Bagong lipat kaya sila? Pero sabi niya matagal na siya dito eh. 

Umuwi ako at nakita si mama na nanunuod ng TV. Naalala ko ang sinabi ni Mr. Carenas na hindi ikinasal sila mama dahil mahal nila ang isa't isa. Umupo ako sa tabi niya. "Oh bakit?", tanong ni mama. 

"Ha? Bakit? Parang gulat ka na tumabi ako sayo?", tumango si mama. "May gusto lang akong tanungin."

"Tungkol saan?"

"Ma, did you and Papa married out of love?" Gulat ang reaksyon ni mama na hindi nagtagal eh napalitan ng lungkot at pag-aalangan. 

"Well, to be honest. No. I didn't love you father back then. Your Lolo wanted him for me and I had no choice."

"Huh? Ganoon nalang 'yon, hindi ka nagreklamo?"

"Back then I understood why my Father had to do that and why I had to marry your Father. And I didn't know a thing back then. Pero hindi naman kasi mahirap mahalin ang papa mo. He is responsible, sweet, smart- any girl would say yes. In time, I developed feelings for him, thats when we had you. Hindi niya ako pinilit hanggat sa pumayag akong magka-anak. Maaga lang siyang kinuha sa atin." 

"Good thing then."

"Bakit mo natanong anak?" Huminga ako ng malalim. 

"Ma, promise me that whatever decision  I will make with regard to the business and in my personal life, you will just support me."

"Uhm, okay. You know I trust you." Lumapit ako kay mama at niyakap siya. If I'm going to do this, I have to it right.  

"I Love you Nerd PART 2" (COMPLETED)Where stories live. Discover now