Chapter 3: Home

22.2K 305 41
                                    

Zoey's POV

Sinalubong ako ng init ng Maynila. Nakaka-miss. Hindi ko inakalang nandito na ako! After 6 years!

I only told Ram that I will be back, I want this to be a surprise. Mag-aaya si Ram, dahil kunwaring may nabuntis siya nung nalasing siya. Dahil hindi naman ganoon klaseng tao si Ram, for sure magca-cancel ang lahat ng plano para puntahan si Ram.

And then, kapag nandoon na silang lahat, saka ako magpapakita.

Sinundo ako ng Driver namin at iniuwi sa bahay. Parang ito rin ang iniwan ko. That same fully furnished house with many appliances which aimed to fill the void and silence in this house. And I'm back, still alone.

I want to have a family someday. I wish to have two or three kids. I don't want them to live like I did. I want to stay by their side until they can take care of themselves.

Umupo ako sa sofa. I want to be with Nathan.

Nagulo ako sa pag-iisip ko nang may nag doorbell. Lumabas ako para tignan kung sino.

"Zoey!", tawag ni Ram. Dali-dali kong binuksan ang gate at niyakap siya. "I missed you so much!",sabi niya.

"I missed you too! Ano? Ready ka na ba mamaya?"

"Oo naman. As expected, lahat sila makakapunta. Nagulat nga ako si Nathan ang unang sumagot eh, siya pa naman ang pinaka busy sa amin."

"Ha? Talaga? Busy siya?"

"Oo, hindi mo ba alam?"

"Ha? Ang alin?"

"Na may pinagdadaanang crisis yung company nila ngayon at may sakit yung mama niya kaya siya ngayon ang may hawak ng lahat." Pinilit kong hindi mag react ng sobrang gulat. "Hindi ba kayo nag-uusap?"

"Ah, oo nabanggit niya yan sa akin pero hindi pa namin masyadong napag uusapan eh.",sabi ko nalang. Ayokong sabihing hindi ko alam 'yung mga yan. Never niyang binanggit na na nagkakaproblema siya. Kapag tinatanong ko siya, palaging okay lang ang sinasagot niya.

"Kamusta naman na sila Dani at Carol?"

"Ayun, si Dani very active sa mga raket. May exhibit pala siya ng mga paintings niya two weeks from now. Si Carol naman, ayon nakakuha ng work as finance assistant. Yung dalawang buknoy naman, si Reg at Rick, ayon busy din sa mga trabaho nila.",kwento ni Ram.

"That's so great."

"Mamaya na yung kwento nila, binigyan lang kita ng preview. Ikaw? Kamusta naman? I can see you're glowing. Sabi mo sa akin, stressed ka doon, parang hindi naman." Pang-aasar niya. Tumawa ako.

"All of the stress went away when I learned I can finally go home."

"Oh, paano pala 'yung magiging work mo dito?"

"I will act as a temporary CEO while Kuya is in vacation with Ate Rhia and the kids.",sabi ko.

"That's great." Nagkwentuhan pa kami hanggang sa dumating na ang oras ng pagkikita. Nag rent ako ng private room sa isang Korean Restaurant.

Nagtago ako sa isang adjacent room habang paparating sila. Naunang dumating si Reg at Rick.

"Oh, asan 'yung mga jowa niyo?",tanong ni Ram.

"Parating na, nag banyo lang. Okay ka lang bro? " Maya-maya pa dumating na sila Dani at Carol. Lalo silang gumanda!

"Hindi ba dapat sa bar tayo ngayon Ram? Depressed ka tapos mags-samgyupsal tayo? Tama ba yon?" Pang aasar ni Dani.

Ngumiti lang kunwari si Ram pero alam kong tawang tawa na siya inside.

"Pupunta ba si Nathan?"

"Oo daw."

"Wow, totoo ba? Himala ha. Kamusta na kaya 'yon? Nakita ko 'yung mukha niya sa TV sobrang stressed!",sabi ni Dani.

"Oo nga eh, dinalaw ko siya minsan sa office niya pero wala siya. Buong araw siyang nasa meeting.",kwento ni Reg.

Feeling ko wala akong kwentang girlfriend. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi niya sinabi, baka ayaw niya lang ako mag-alala. Pero okay lang, nandito na ako Nathan.

Maya-maya pa dumating na siya. Sumilip ako at nakita siya. Hindi siya naka suit and tie. Naka hoodie, pants at rubber shoes lang siya at gulo ang buhok.

"Anong nangyari sayo?" Tumawa si Nathan.

"Naka day off ako, sawa na akong mag formal."

"Kung pupunta ka sa office niyo na ganyan ka,  walang maniniwalang ikaw yung President.",sabi ni Rick. "Okay ka lang ba?"

"Oo, medyo. Kakatapos namin ayusin yung loans na hindi nabayaran."

"Alam mo, yun ang malungkot eh, yung ipinagkatiwala mo sa ibang tao yung pinaghirapan mo tapos hindi pala nila aalagaan, lolokohin ka pa nila.", sabi ni Reg. Tumingin sa gawi ko si Ram.

"Enough of me, pag-usapan na antin yung katarantaduhang ginawa ng loko na to.",sabi ni Nathan kay Ram. "Gago ka ba? Kailan ka pa natutong maglasing at mag one night stand?"

"Oo nga Ram, kung nandito si Zoey nabatukan ka na." ,sabi ni Carol. "Tsaka bakit ba tayo dito talaga? Ang corny dapat nag iinuman tayo eh." Tumawa sila. Pinigil ko ang tawa ko.

"Kasi, ipapakilala ko sainyo yung babae." Nagulat sila.

"Ipapakilala mo? Are you actually serious about this girl?"

"Wala na eh, nangyari na.",sabi ni Ram. Pwede na siyang umarte.

"Anong sasabihin namin sakanya? Bakit mo kami ipapakilala?"

"Wala, gusto ko lang makilala niyo siya kasi kayo ang magiging mga tito at tita nung bata." Natawa ako sa mga reaksyon sa mukha nila. Hindi sila makapaniwala.

"Gago ka.",sabi ni Rick. "Alam ba yan ng mga magulang mo? Nasabi mo na kay Zoey?" Umiling si Ram at yumuko. Akala ko kakayanin niya hanggang sa huli pero bigla siyang tumawa ng malakas.

"Is this fun for you? Gago ka ah, painom inom ka tapos hindi mo macocontrol.",sabi ni Nathan.

"Lumabas ka na nga diyan, hindi ko na kaya.",sabi ni Ram habang tumatawa. Sumilip ako at confused ang mga itsura nila.

Lumabas ako ng pinto at nang makita nila ako, tumili sila Dani at Carol. Nakatulala lang si Nathan, Reg at Rick habang tumatawa naman si Ram. Tumakbo papunta sa akin si Dani at Carol at niyakap ako.

"Oh my gosh you little brat!",sigaw ni Dani. At nagyakapan kami habang patalon-talon. Matapos naming magyakapan, niyakap ko din si Reg at Rick at pinuntahan si Nathan na naka-upo lang at hindi makapagsalita.

Naluluha siya. "Miss me?", tanong ko at ngumiti. Ngumiti din siya at niyakap ako.

"I missed you so much.",sabi niya na naluluha.

"Aww.",sabi ng lahat.

"Oh, tama na yan! Mamaya na kayo mag catch up, kumain na tayo!" Dumating ang mga meat. Kumain kami habang nagg-grill ang mga lalake.

"Are you here for good?",tanong ni Dani.

"I'm not yet sure, but I hope so.",sabi ko. Sumimangot si Nathan. "I will do my best to stay here but here are times that I need to go back due to some unsettled accounts, but it will not be for long."

Nagkwentuhan kami tungkol sa mga buhay buhay nila, kung ano na ang mga pinagkakaabalahan nila. Lahat masaya, pero ramdam ko ang ilang at lungkot kay Nathan.

Don't worry love, I'm here.

"I Love you Nerd PART 2" (COMPLETED)Where stories live. Discover now