Chapter 6 (Revised)

420 10 0
                                    

Joyce's PoV

"Weird." Sabi ko. Namumula kasi si Luke kanina tapos biglang tumakbo. Problema nun?

"Hi." Sabi ni Francis. Ano ba yan.

"Ikaw na naman?" Sabi ko sakanya. Kanina ko pa kasi siya nakikita eh. Lulubog-lilitaw. Tsk.

"Yup. Ako na naman." Sagot naman niya. Parang abnoy talaga to.

"Bigla ka nalang nalitaw. Engkanto ka ba?" Tanong ko sakanya habang naglalakad papunta sa garden.

"Grabe ka naman! Wizard ako no!" Sabi niya. What?

"Hahahahaha! Wizard! Hahaha!" Di ako makapaniwalang baliw talaga siya.

"Seryoso ako." Sabi niya habang nakatingin ng seryoso. Sht. Weh? Totoo?

"H-huh? Weh?" Tanong ko sakanya at nagnod siya at yumuko.

"Wizard ka talaga? Sht. Nanaginip ba ako?" Sabi ko at maya-maya ay tumawa siya.

"Naniwala ka?! Hahahah. Di sila nageexist no!" Sabi niya at tumawa ng tumawa. Napaniwala ako dun ah. Binatukan ko nga.

"Aray ko naman! Mapanakit ka at dahil dyan, isusumpa kita dahil isa akong wizard. Hahahaha!" Sabi niya. Aba! Gago to ah.

"Langya ka, inuto mo ako." Sabi ko sakanya.

"Peace. Akala ko naman di ka maniniwala eh." Sabi niya at ngumiti.

"Heh!" Sabi ko sakanya. Panong di ako maniniwala eh mahilig ako sa fantasy stories. Psh. Tapos nakakita naman ako ng balat ng saging. Naiisip niyo ba ang naiisip ko? Malamang hindi dahil di tayo iisa ng utak!

"Anong gagawin mo dyan?" Tanong niya.

"Manahimik ka. Kotongan kita dyan eh." Sabi ko at nanahimik naman siya.

"Uy. Bakit mo yan linagay dyan?" Tanong niya.

"Pake mo ba?" Sagot ko sakanya at nagtago dun sa halaman. Hahaha!

Bigla namang lumabas ng room si Ms. Gomez at nadulas. Hahahaha!

"Ohmy! Ms. Gomez! Ayos ka lang po ba? Tsk. Si Emerald talaga kung saan saan tinatapon yung balat ng kinain niya." Sabi ko at tinulungan tumayo siya. Pinupulot naman ni Francis ung mga folders ni Miss.

"Ayos lang. Patay sakin si Ms. Van de Lois." Sabi niya habang pinapagpag ang damit niya.

"Nako! Wag na po." Sabi ko at nagulat naman siya.

"Sure ka?" Tanong niya. Aba! Uto-uto talaga.

"Bahala po kayo. Kung gusto niyo pong mabikitima ulit ng mga kalat niya edi wag." Sabi ko at umalis na.

"Bakit mo yun ginawa? Paano kapag nabagok si Ms. Gomez?" Sabi ni Francis.

"Nabagok ba? Psh. Bumabawi lang ako." Sabi ko sakanya at umupo nalang muna sa isang bench. Natawa ako ng maalala ko ang mukha ni Ms. Gomez.

"Makonsensya ka naman. Masama iyon." Sabi ni Francis. Luh?

"Mean nga diba? Tag-adik ka ba? Dapat kasi si Luke nalang kasama ko eh." Sabi ko. Teka! Bakit Luke yung nasabi ko? Sht

"Sino si Luke?" Tanong niya.

"Kaklase ko." Sagot ko at umirap.

*kriiiiiiing*

Lunch na!

"Franci--- Asan na yun?" Biglang Litaw tapos Biglang Wala. Tsk.

"Bestfriend." Tawag ni Venice.

"Kailangan mo?" Tanong ko.

"Uhmm. Si Sapphire nga pala." Pakilala niya dun sa babaeng nagkasprain.

The Mean GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon